23: Her Past ; Their Plan

10.4K 171 1
                                    

“You know the country manager?” tanong sa kanya ni Erwin habang kumakain sila sa labas.

“Sort of.” Sagot niya dito habang inaabala ang sarili sa pagkain.

Tiningnan siya nito ng mga matang nagsasabing ‘more’.

She exhaled. “Kapitbahay ko siya and a close friend.”

“Nililigawan ka ba niya?”

Nagkandaubo-ubo siya.

What’s with the interest?

At pwede may warning man lang sa mga tanong mo? Mabibilaukan ako sa pagkagulat sayo at sa mga tanong mo!

Gusto niya yung sabihin but she chose to reply: “Hindi. Malayo.”

“He seemed like he likes you.”

Namula ang mukha niya.

“And it seemed you like him too.”

Mas namula pa ang mukha niya.

Napangiti siya. Hindi pa rin talaga ito nagbabago. He was the same old frank friend of hers.

“Do you think he likes me?”

Tumango ito.

“How?” Na-excite siya bigla.

Erwin has a really great gut feel and instinct. In fact, way back in college nabalitaan niya na pineperfect nito ang mga MCQ’s quizzes nito.

Natawa siya sa sarili. How can she stupidly compare his gut feel and instinct with the result of his MCQ’s quizzes? Pero may bearing yun, pramis!

“He seemed jealous earlier?”

Mas lalo pa siyang na-excite. “Really?”

He rolled his eyes at her. Meaning ayaw na nito siyang kausapin.

Natawa siya.  Things never change. Ibig sabihin…

Napangisi siya. Tiningnan niya ito with matching beautiful eyes.

Nabilaukan ito ng makita siya. “What? I hate it when you stare like that.”

I knew it!

Every time she does the stare with the beautiful eyes hindi nito napapahindian lahat ng requests niya!

 “Pwede bang pagselosin pa natin siya?”

When the Beast Meets the Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now