“’Bru, anu bang nangyayari sayo?” nag-aalalang wika sa kanya ni Sabel. “Ilang araw ka ng matamlay ah.”
Hinipo nito ang noo niya. “Wala ka namang sakit. Pero bakit kulang ka sa energy?” Pinilit nitong pinanga-nga siya. “Wala ka namang tonsillitis. Pero bakit parang may sakit ka?” Hinawakan nito ang pulso niya. “Mukha namang normal din ang tibok ng puso mo.”
Tinitigan niya ito.
Tinitigan din siya nito.
In short, nagtitigan silang parang mga sira.
Bumuntung hininga ito. “Bakit ka ba kasi ganyan?” Sabel exclaimed in frustration.
Mukhang hindi talaga ito sanay na matamlay siya.
Tumawa siya. “Doktor-doktoran lang Sabel?” biro niya dito.
Natigilan ito.
“Have I not told you na I’m from a family of doctors?”
Siya naman ang natigilan.
“Talaga?” Gulat man ay nakangiting tanong pa rin niya dito.
Tumango ito. Uminom muna ito ng paborito nitong choco latte. “My mom, my dad and my brother are all doctors.”
Karespetado-respetado naman pala ang pamilya mo bakit ganyan ka?
“Karespetado-respetado naman pala ang pamilya mo bakit ganyan ka?” Wika nito. “Siguro yan yung iniisip mo noh?”
Nagulat siya. ”Mind reader ka ba?”
Tumawa ito. “Well sabihin na natin na kilalang-kilala na kita at alam ko na yang takbo ng utak mo noh.”
Napangiti siya. She was right. Tiningnan niya si Sabel. Kahit kailan hindi siya nagka-bestfriend. Mahirap kasi. May mga kaibigan siya, oo. Pero things like sharing your food, staying overnight at their house, chismisan lang to the max, laugh trips, sharing everything and knowing everything about each other. She've never experienced it with anyone. Ang lungkot pero it's not like ginusto niya yun or hindi rin dahil sa hindi siya maalam makisama. Hindi niya ang mga yun nagawa dahil wala siyang oras para makisama. Pagkatapos sa eskwela uuwi agad siya ng bahay at tutulong sa mga gawaing bahay. Pagkatapos niya sa mga gawaing bahay ay mag-aaral na siya. Hindi niya can afford ang magpabanjing-banjing sa buhay.
Pero simula ng nagkatrabaho siya kahit papaano may oras na siya para makapag-enjoy at makipagkilala sa mga tao. Sabel was the closest thing she can call bestfriend. Kaya naman itinuturing na niya itong bestfriend at mahal na mahal niya ito. She wanted their relationship to last forever.
“Bakit ang lagkit mong makatitig? Tboom lang?” pang-aasar nito sa kanya with matching hug pa sa katawan nito na kala mo’y pinagnanasaan niya.
“Mangarap ka. Hindi kasing hot ng katawan ni Ri—“ Ric ang katawan mo para pagnasaan ko.
YOU ARE READING
When the Beast Meets the Bitch (COMPLETED)
RomansThe Bitches Series Book 1 Meet Ricardo Thaddeus Traviel - the super yaman, the super organized, the super lazy and the super galit lagi sa mundo. On the other hand Meet Reena Mae Mendrez - the super poor, the super burara, the super sipag and...