Dalawang linggo na ang nakakalipas simula ng umuwi siya ng Pilipinas at sa awa ng panginoon ay maayos na ang kalagayan ng ama. May mga stitches pa ito at temporary paralyzed ang kaliwang paa pero ang sabi ng doctor ay sa tulong ng theraphy at mga gamot ay makakalakad pa din naman ito.
Napabuntung-hininga siya.
Maayos na nga ang ama niya pero may pinoproblema pa rin sila. Paano nila babayaran ang pagkalaki-laking bill nila sa ospital? Panu ang mga mamahaling gamot at pampa-theraphy ng tatay niya?
Napabuntung-hininga ulit siya.
Tiningnan niya ang pera niya sa bangko. Kulang na kulang iyon sa hospital bills pa lang ng ama.
“Kung ipagbenta ko kaya ang isang kidney ko? 100,000 ata yun.” Wala sa sariling naitanong niya.
“Kulang pa rin yun.” Wika ng isang boses.
“Kaya nga. Kailangan ko pa ng additional 100,000. May savings ako na 50,000. So another 50,000 na lang ang kailangan ko? Kung atay ko naman kaya? Kahit mga ¼ lang ang ipagbente ko, 50,000 na kaya yun?”
“Siguro.”
Tuwang-tuwang tumayo siya. “Okay! It’s decided—“
Naputol ang sasabihin niya ng may aanga-angang, shushunga-shungang nambatok sa kanya.
Galit na galit na hinanap niya ang walang hiya.
“Sinu ka sa palagay mo at ano ang karapatan mo—“ nanlaki ang mga mata niya.
Standing at her back was Ric—looking so dashing with a casual white polo shirt and maong pants. She missed him. Hindi niya alam kung bakit but she missed him so much. Hindi niya masyadong naramdaman ang pagka-miss dito sa sobrang daming asikasuhin sa hospital pero ngayon na nasa harapan na niya ito ay hindi na niya mapigilan pa ang damdamin. Ramdam na ramdam niya kung gaano niya ito na-miss.
Absentmindedly ay tuwang-tuwang niyakap niya ang lalaki.
Nagulat siya because the jerk hugged her back.
God! He smelled so good!
She hugged him tighter.
How long had she been craving for this broad and firm chest she was hugging right now?
She felt him hug her tighter, too. He even smelled her hair. She was uncertain but somehow, she felt him slightly kiss the top of her head. She silently screamed sa sobrang kilig. Unlike sa yakapan nila sa England, hindi na ganun ka-pre-occupied ang utak niya kaya naman Aware na Aware siya with a capital A sa presensiya nito.
Mejo matagal tagal din siguro silang parang sira-ulong nagyayakapan dahil may isang mamang hindi na talaga nakatagal pa at pinaringgan na sila ni Ric.
YOU ARE READING
When the Beast Meets the Bitch (COMPLETED)
RomanceThe Bitches Series Book 1 Meet Ricardo Thaddeus Traviel - the super yaman, the super organized, the super lazy and the super galit lagi sa mundo. On the other hand Meet Reena Mae Mendrez - the super poor, the super burara, the super sipag and...