22: What's Wrong with Him?

9.7K 168 2
                                    

Asar na asar na binuksan niya ang pintuan ng bagong finance manager. Panu ba naman siya hindi maasar? Panu ba naman ay iniwan siya sa ere nitong si Sabel. Hindi niya maintindihan ang kaibigan. Bakit bigla siya nitong iniwan? Anung meron? Si Sabel na laging sabik na sabik maka-meet and greet ng papas ay nagback-out!

Nora Aunor at the back of Reena’s head: May Himala!

Napabuntung-hininga siya.

Mag-c-cr lang daw eto pero baka daw matagalan ito kaya i-meet and greet ko na daw si finance manager. Wala sana siyang balak ituloy ang meet and greet kay finance manager kung hindi lang talaga shushunga-shunga itong si Sabel na kinatok muna ang pintuan ng finance manager bago ito umalis papuntang cr. Kaya naman no choice siya kundi pumasok.

Ano pa nga ba nakakatok na kasi si Sabel.

Nakow Sabel! Arghh!

“Yes?” tumingala ang bagong finance manager pagkapasok niya ng closed office nito.

Napanganga siya. Pinikit ang mata. Kinusot ang mata. Minulat ang mata. Pumikit, Kinusot at Minulat uli ang mata.

Tama ba ang nakikita ko?

“Erwin! Ikaw ba yan?” wala sa sariling naibulalas niya.

“Reena?”  Tuwang-tuwang lumapit ito sa kanya.

Tuwang-tuwang niyakap niya ito. He hugged her back.

Erwin Delos Santos was an old friend in college. He was two years older than her pero naging ka-close niya ito dahil ito ang nagsilbing tutor niya sa mga math subjects niya gaya na lang ng calculus.

For the information of everyone magaling siya sa lahat ng subject maliban lang talaga sa math.

So bakit ako nag-FINANCIAL management?

Kasi I just love challenges. I intend to improve myself. I hate to stay on my comfort zones. I always want to explore other zones!

Boom Panes!

Meeting Erwin was one of the blessings na pinagpapasalamat niya sa pagkuha ng kursong FM (Financial Management). They were in the same program kasi senior nga lang ito sa kanya. She was in 2nd year college and he was in his fourth year.

Nagkakilala kami sapagkat ginawa na naming bahay ang library. Pagkakain sa canteen punta agad ng library. Pagkatapos ng klase punta agad ng library. Pag may intrams at walang sinasalihang laro punta agad ng library. Pag boring ang mga seminars na ma-o-on-hold ang clearance kapag di umattend they’ll just sign the attendance shit (I mean, sheet rather) tapos pupunta na ulit ng library. So literally, ginawa na talaga naming bahay ang library and since bibihira lang naman ang mga taong gaya nila. Hindi din nagtagal ay naging very very close friends sila. Ang nakakatawa lang nito wala silang ibang conversations kundi purely academic. Mabibilang siguro sa kamay yung mga conversations nila that dwell into their personal lives pero kahit ganun Erwin has been and will always be his friend and an elder brother.

When the Beast Meets the Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now