19: What Real Friends Are For?

10.7K 184 5
                                    

“Your parent’s are insane.” natatawang wika ni Ric sa kanya.

Tiningnan niya ito. He was back to his old self. Wala na yung emo na lumabas ng bahay nila. Now, he was busy driving his car dahil pauwi na ulit sila papuntang Manila.

Nginitian niya ito. “Correction, my mom’s insane but my dad’s pretty normal.” Pagsakay niya dito.

Mapakla itong ngumiti. "You are lucky you have a mom like her."

Tiningnan niya ito.

Iniwan nga pala ito ng ina.

Nalungkot siya. Kaya pala ganoon na lang ito ka-game sa interview ng ina. She bit her lip. Ayaw man niya pero naaawa siya dito. Ayos ng maging mahirap as long as masaya kayo ng pamilya mo. Nang mapansin nito ang nag-aalalang mukha niya ay parang sirang ginulo nito ang buhok niya.

“May pinagmanahan ka talaga.” wika nito.

“Anung sabi mo?” Kunwari ay iyamot na iyamot siya.

Nagkunwari siyang iyamot dahil alam naman niyang sinabi nito iyon para hindi na niya isipin ang family issues nito. Panakaw niyang tinitigan ito. Sa pagtagal ng kanilang pagsasama ay unti-unti na niya itong naiintindihan. He may have a very cold and violent and mean personality in the exterior pero behind all those there lies a kind hearted man who seeks for family and love.

“Ang sabi ko may pinagmanahan ka talaga.” ulit nito.

  

“Excuse me! Stop the car! I said stop the car.” Wika niya in her most hysterical acting stunt. She was trying to be funny.

At itinigil nga ng hudas niyang kaibigan ang kotse.

“Will you get off or just blankly stare at me? Pakidalian lang wala akong balak maabutan ng traffic.” Arogante nitong tanong sa kanya.

Napanganga siya.

Hindi naman ganito yung napapanood niya sa mga koreanovela ah.

Nakakaasar! Ang KJ naman nito! 

Hindi man lang nito sinakyan ang joke ko.

Heto na nga ako, todo effort para mapangiti ito tapos hindi man lang nito sinasakyan ang jokes ko.

Ouch lang huh.

Naasar na siyang tuluyan. “Baliw ka ba? Ba’t ako bababa san naman ako sasakay? Kaya nga ako nakisabay sayo para libre na ang pamasahe tapos pababain mo ako?”

“Arte mo kasi.” Wika nito at pinaandar na ulit ang sasakyan.

“Bawal mag-emote?”

“Oo.”

She let out an exasperated sigh. “Fine.”

Ini-adjust niya ang upuan para mas komportable siyang makatulog. She also put her shades on.

When the Beast Meets the Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now