Naalimpungatan siya sa malambot na bagay na bumalot sa kanyang katawan. Nagmulat siya ng mata.
Kinumutan na pala siya ni Ric. Pansamantalang natigilan siya. Kinusot niya ang mga mata.
Totoo ba ito o nananaginip lang siya?
“Ric?” tawag niya dito.
Lumingon ito sa kanya. “Bakit?”
“Anung oras na?”
“1 a.m.”
Tumango siya at tumihaya na.
Mukhang hindi naman siya nananaginip.
Mataman niya itong tiningnan. Maya-maya pa’y nabaling na ang atensyon niya sa matandang nasa likudan nito. Maraming swero na nakakabit sa don. Pero successful naman ang operation kailangan na lang i-monitor at hintaying magising ang don.
“Matulog ka na muna. Ako naman ang magbabantay sa don.”
Umiling ito.
Umiling ito. “I’m fine. You go to sleep.”
Napabuntung hininga na lang siya. Bakat na bakat sa mukha ni Ric ang stress, puyat at pagod. Kailangan na talaga nitong matulog at magpahinga. Pero hindi naman ito makikinig sa kanya at baka mamaya ay magalit na naman ito. At wala siya sa mood para masigawan ngayon.
Tumayo siya at pinaupo ito sa couch na hinigaan niya. Mukhang pagod na rin ito at parang mabait na batang umupo sa couch. Tinalikuran niya ito.
“Saan ka pupunta?” tanong nito sa kanya.
Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ito. “Sa labas, ibibili kita ng kape?”
Umiling lang ito.
“Just stay here” mahinahong wika nito habang umipod sa gilid ng couch at sinenyasan siyang maupo sa tabi nito.
Ayaw man niyang bigyan ng kulay ang ginawa nito dahil alam naman niyang walang ibig sabihin iyon dito ay hindi pa rin niya maiwasang kiligan at matuwa sa ginawa nito.
Tahimik lang sila. She was busy reading a magazine.While Ric…
Nilingon niya ito. Pinipilit nitong wag matulog pero ang mga mata at ang ulo nito ay unti-unti ng bumibigay.
What a hard headed jerk!
Napabuntung hininga na lang siya.
Tinapik niya ito.
Binalingan siya nito. "What?" wika nito sa kanya habang namumungay ang mga mata nito.
YOU ARE READING
When the Beast Meets the Bitch (COMPLETED)
RomansaThe Bitches Series Book 1 Meet Ricardo Thaddeus Traviel - the super yaman, the super organized, the super lazy and the super galit lagi sa mundo. On the other hand Meet Reena Mae Mendrez - the super poor, the super burara, the super sipag and...