JAYCEE P.O.V
KAKALABAS lang namin ni yumi galing sa room, habang naglalakad ay nagsalita si yumi,
"Jaycee , ilang taon ka na ba?"tanong nya
"18 ."sabi ko sa kanya nang hindi nakatingin ,"ikaw?"dagdag ko
"17 na ako ,malapit na ang birthday ko, punta ka ha?"masyang tugon nya
"Okey kailan ba?"tanong ko sa kanya
"Ahm malapit na ngayong july 23"nakangiting sagot nya,
"Okey"maikling sagot ko,
Di nagtagal ay narating na namin ang canteen, umorder na sya ng kanya at umorder na rin ako ng akin,,pagkatapos naming umorder ay naghanap na kami nang mauupuan ,,
"Jaycee dito tayo"anyaya nya sakin nang makakita sya nang pwesto, umupo narin ako sa nakuha nyang pwesto,
"Ahm jaycee, di mo ba talaga ako maalala?"tanong nya kaya naman nagtataka ko naman syang tiningnan ,
Nang mapansin nya ang reaksyon ko ay nalungkot sya bigla,
"Sinu nga ba naman ako para maalala mo,"saad niya "pero gusto kong malaman mo na , ako yung babaeng tinulungan mo noon ,, yung pinagbalakan sana nang masam nung mga lalake, pinatulog mo pa nga sila ee,, "mahabang litanya nya,,
Pero di ko talaga sya maalala ,kaya naman hindi ako makaimik
"Kaya ako nandito dahil sayo,gusto ko sanang makabawi man lang kahit papano,"saad niya
"Kahit wag na , munting pasalamat lang okey na ako ,"sagot ko kahit di sigurado d--,bv
"Hehe hindi naman tama para sakin yun,kaya naman hayaan mo sana akong gawin ang mga bagay na para sakin ay tama nang pagpapasalamat ,"nakangiti nyang saad ,
"Ikaw bahala,"tugon ko , at nagtuloy tuloy na sya sa pagkain,at gayun din ako,
Maya maya lang ay humirit sya ,
"Jaycee eto oh may inorder akong dessert tikman mo ,, masarap to,"masayang alok nya sa akin,
"Hindi wag na ,sayo yan ee ," pagtatanggi ko,
"Hindi anu ka ba , tikman mo lang ,kahit isa lang please"pakiusap nya
"Okey "saad ko at kinain ang sinubo nya sa akin, habang nilalasahan ko ang isinubo nya ay nahagip nang mata ko si yazmin na nakatingin sa amin,tapos ay biglang tumalikod at nagtungo sa isang bakanteng upuan,,kasama nya ang kanyang mga kaibigan
"Tama ba ang nakikita ko sa mga mata mo? Bakit ka nalulungkot?bulong ko sa aking isipan
Naputol ang iniisip ko nang tanungin ako ni yumi,"Oh anu?jaycee ?masarap ba?"nakangiting tanong nya,
"Okey naman ,, pero di ako mahilig sa dessert ee"saad ko sa kanya,
"Ganun ba sayang naman plano pa sana kitang gawan nang cake ee"malungkot na ani niya
"Di muna naman kailangang gawin yan ee,,"malumanay na sagot ko,
Yun lang at di na sya nagsalita pa ,, matapos ang ilang minuto ay natapos na kami maglunch ,, kaya naman oras na para bumalik sa klase ,, tumayo na kami ni yumi at naglakad palabas ,,
Sinulyapan ko pa si yazmin bago kami lumabas ,, hanggang ngayon ay nakikita ko parin ang malungkot nyang mga mata, yun lang at tuluyan na naming nilisan ang lugar na yun,
BINABASA MO ANG
HUNTER-ONE SHOT , ONE KILL
ActionSa mundong ating ginagalawan , napakaraming mga salot sa lipunan , Ngunit patuloy ang mga karahasan , laganap ang kasamaan, Ngunit kahit ang pangulo di malaman kung sino ang puno't dulo,, Pero sa AKIN,,heto lang ang masasabi ko,MAGTAGO NA KAYO