INS. JAMES DEL ROSARIO
NAKAUPO ako sa harap nang aking lamesa, pilit kong pinagdudugtong ang lahat nang impormasyon na nalaman ko na nakapalibot sa kaso nang mga vergara noon, aking sinariwa ang lahat mula simula hanggang ngayon,
Di ko parin lubos maunawaan ang lahat ,
"Anung meron sa mga vergara?anu ang ATLAS, ?sinu ang kausap ni dad tungkol dito?anu ang kailangan nang mga nasa taas sa ATLAS.?anu ang mga kayang gawin nito? Kalaban ba sila o kaaway?
Yan ang mga tanong sa aking isipan na hanggang ngayon pilit na gumugulo sa akin
Malakas ang kutob ko na maaring ang kausap ni dad , at ang pinaguusapan nina chief ay iisa lang,
Tumayo ako sa pagkakaupo ko at nagpasya na lumapit kay chief ,
Habang naglalakad ako ay biglang may dumating na balita,
"Si hunter namataan nang mga kabaro natin na nagbabantay sa isang highway,mabilis ang takbo nito at nasabi nilang papunta ito sa isang shipping site, sinundan na nila ito at humihingi nang back up"saad nang kabaro
Kaya naalarma ang lahat , lumabas naman si chief sa kanyang opisina,
"Okey team , namataan si hunter , puntahan ninyo at nang mahuli natin move"utos ni chief at kumilos naman kami,
Habang abala ang lahat sa paghanda ay di ko napigilang magisip,
"Isa pa tong hunter na to, sa tuwing kikilos ka, may masamang nang yayari, at di ko maipagkakaila na may naitugulong ka kaso, sa maling paraan,"
Pagkatapos kong maihanda ang sarili nag tungo na ako sa kotse ko,
Tinawag ko naman si catapang , ang isa sa mga kabaro ko,
"Catapang sumama ka sakin"sigaw ko sa kanya,at sumunod naman sya,
Sumakay kaming dalawa sa kotse at binaybay ang daan patungo sa nasabing shipping site,
Habang nasa daan di ko magawang makapagfocus,Naglalayag ang aking isipan, at nang mapansin ko na ito ay patungo sa isang shipping site nang isanb kilalang tao, napangisi ako,
"Mukhang may atraso kayo kay hunter at kayo ang naging target"
Batid kong isa sila sa mga pinaghihinalaan kong myembro nang sindikato,
Ang mga de jesus , lim at pedrigoza ,
Isa silang mga bigtime business tycoon,sa bansa,
Nang marating namin ang site , bumaba na ako at inilabas ang baril ko,
Nagtungo ako sa gate para makiramdam , kumilos naman kami para pumasok,
Pagkapasok ko bumungad sa akin ang mga nakabulagta na katawan , kaya naman sinenyasan ko ang mga kasama ko na maghiwahiwalay ,
"Mukhang huli na kami"usal ko sa aking isipan,
Hinalughog namin ang nasabing site, ngunit ang mga nakikita lang namin ay pawang mga katawan na wala nang buhay,
May iba pa rin namang naghihingalo at iba ay dumadaing sa pinsalang natamo,
Nagpatuloy kamk sa pagikot nagpatawag na rin ako nang medic, pinakiramdaman ko ang paligid at tila wala nang tao rito maliban sa aming mga pulis,
*shik*shik*
"Inspector clear na dito sa building wala si hunter"balita sa akin nang isa kong kasamahan
BINABASA MO ANG
HUNTER-ONE SHOT , ONE KILL
ActionSa mundong ating ginagalawan , napakaraming mga salot sa lipunan , Ngunit patuloy ang mga karahasan , laganap ang kasamaan, Ngunit kahit ang pangulo di malaman kung sino ang puno't dulo,, Pero sa AKIN,,heto lang ang masasabi ko,MAGTAGO NA KAYO