JAYCEEP.O.V
PAGKATAPOS nang paguusap namin ni jacob umalis na ako, sumakay ako nang taxi pauwi, habang nasa daan iniisip ko ang limang bago kong nakilala,
LANCE ALSTHER
DANTE NAPOLEON
MAX COLLINS
SAM COLLINS
KRISTINE CROSS
"Pamilyar ang mga pangalan ninyo, pero di ko maalala kung kailan at saan ko yun narinig"tanong ko sa aking isipan,
Makalipas ang ilang minuto na pagbyahe ay narating ko na ang bahay,
Pumasok ako sa bahay at nagtungo sa sopa nang sala,
Naupo ako at inihiga ang ulo sa sandalan nang sopa,
Biglang pumasok sa aking isipan ang mga pangalan nang susunod kong target,
"Christian de jesus , henry lim , arturo pedrigoza paparating na ang bagyo kaya naman maghanda na kayo, sisiguraduhin kung di na kayo sisikatan nang araw bukas nang gabi"saad ko sa aking isipan,
Tumayo ako matapos kong magmunimuni,nagtungo ako sa kwarto ko sa taas , habang binabagtas ko ang pasilyo nang aking bahay, doon ko lang muli napansin ang kabuuan nito, bago marating ang kwarto ko ay may madadaanan ka pang limang kwarto napahinto ako sa paglalakad, pinasok ko ang unang kwarto na madadaanan, nanlaki ang mata ko nang mapansin kong tila nagkaalikabok na ito,
Natawa ako sa aking nakita , matagal tagal na rin pala nung makapaglinis ako,pero muli akong sumeryoso nang maalala ko ang mga habilin nang aking ama at ina, sa kanilang last will,
"Bakit ito ang ibinigay nyo sa akin? Anu bang meron dito sa bahay na to ,? Anubg ibig nyong sabihin na magagamit NAMIN ito?"tanong na nabuo ko sa aking isipan,
Lumabas na ako nang kwarto na yun at pinuntahan ang iba pang kwarto , sunod kong pinuntahan ay ang katapat nang una kong pinasukan,
Kagaya nang sa nauna ay maalikabok na rin, kaya naman lumabas na rin ako, sunod naman ay ang katabi nang una kong pinasukan, ganun din at pati na rin sa ikaapat , at ang huli kong pinasukan ay ang ikalima,
Nilibot ko ang paningin ko, may mga nakatabon na puting tela sa mga kagamitan dito, naglakad lakad ako, wala akong kama na makikita , ang tanging nandidito ay ang lamesa na pabilog , mga bookshelf , at halos sampung upuan, may banyo rin ito , kagaya nang ibang kwarto, kaya naman nang wala na akong makita na iba ay lumabas na ako, nagtungo ako sa kwarto ko , pagkapasok ko tinahak ko na agad ang banyo para makaligo,
Makalipas ang ilang minuto natapos na ako sa aking pagligo at pagbihis, bumaba akong muli para kumain, ,habang pababa ako , napadpad ang mata ko sa isang bahagi nang bahay , noon ko lang napansin ang pintuan na yun kaya naman pinuntahan ko iyon,
Pagkabukas ko ay nakita ko ang isang magarang sopa na nakaharap sa tila isang chimney may mga nakaukit dito ,
Dalawang babae na kawangis ni venus de milo,
Mga naksukit na bulaklak,
At ang agaw pansin na isang agila na nakabuka ang pakpak,at tila handa na , na mang dagit,
Tinitigan ko ang bawat desenyo , sinuri nang mabuti, at napadpad ang mga mata ko sa mata nang agila ,may butas ito na sakto sa hintuturo at gitnang daliri ko , sa dimalamang dahilan ay ipinasok ko ang hintuturon at gitnang daliri ko, may nakapa akong tila butones nang maramdaman kong hindi ito matanggal ay pinindot ko na lang ito ,
BINABASA MO ANG
HUNTER-ONE SHOT , ONE KILL
ActionSa mundong ating ginagalawan , napakaraming mga salot sa lipunan , Ngunit patuloy ang mga karahasan , laganap ang kasamaan, Ngunit kahit ang pangulo di malaman kung sino ang puno't dulo,, Pero sa AKIN,,heto lang ang masasabi ko,MAGTAGO NA KAYO