JAYCEE P.O.V
BINABAYBAY ko ang katahimikan nang kalsada pauwi sa bahay, ramdam ko sa aking kalooban na medyo humupa na ang galit na nararamdaman ko , kuli kong inalala ang naging tagpo sa bahay ni yazmin,
"Ang lakas nang pakiramdam mo , siguro sayo ko lang hindi pwedeng itago ang katauhan ko"
Napangiti ako sa nangyari kanina,
Batid kong naalala nya ang naging pagyakap namin nung malaman ko ang tungkol sa mga magulang ko,
Makalipas ang ilang sandali narating ko na ang bahay,
Patay lahat ang ilaw
Pinakiramdaman ko ang paligid,
Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa akin ang napakadilim na lugar,
Naglakad ako sa kinaroroonan nang switch at binuksan ito,
Pagkabukas ko at batid ko na may mga matang nakatingin sa akin,
"Saan ka galing"
Bumaling ako paharap para salubungin ang mga tingin nila,
Nakaupo sila lance ,kristine at jacob samantalang nakatayo naman sa magkabilang gilid sina max at sam, habang nasalikurang bahagi naman si dante lahat sila ay nakahalukipkip na nakatingin sa akin,
Di ko sila pinansin at naglakad patungo sa hagdan paakyat,
"Hayaan mong tumulong kami,"saad ni lance,
Napahinto naman ako sa paglalakad,
At bumaling paharap sa kanila,
"Sama sama nating harapin ito"saad ni jacob sabay hagis sa lamesa nang mga folders"nandyan na lahat nang mga impormasyon nang mga target mo,pinagtulungan namin ni kristine na kunin lahat yan"dagdag nya pa,
"Gagawin namin ang lahat para makatulong , nang makalaya ka sa bangungot nang nakaraan mo"saad ni lance,
Tinitigan ko sila isa isa,at nababakas sa mukha nila ang determinasyon sa pagtulong,
"Taposin na natin to jaycee ......tapusin natin to nang magkakasama"saad ni jacob at tumayo ,lumakad sya papunta sa kinaroroonan ko,
Sumunod naman ang lahat sa paglapit ni jacob,
"Hindi man kami sing galing at lakas mo nasusuguro naming may maitutulong kami sayo"saad ni kristine na may simpatya sa mga mata,
Tumango tango naman ako , at naglakad patungo sa ATLAS,
Naramdaman ko ang pagsunod nila, nang marating ko ang fireplace ay sumulyap ako sa kanila,
Nagtatanong ang mga tingin nila,
"Anu pang hinihintay nyo? ...tara na"saad ko kaya naman nakangiti silang lumapit sa akin,
Nang makalapit sila ay pinindot ko na ang buton para makapasok,
Gumalaw na ang mga sahig at umikot ito,
Pagkapasok ko ay naglakad agad ako patungo sa lamesa,
Dali dali namang kumilos silang lahat,
"Simulan na natin ang pagpaplano"saad ko at naupo sa upuan nang aking ama,
Lumakad naman sa may unahan si jacob at may ibinaba na puting tela, may kinuha naman si kristine sa technical room at naglabas nang isang projector,
Isinaayos nina jacob ang lahat at ilang minuto lang ang lumipas ay nagsimula na kami,
"Jaycee kailangan na natin itong ma accomplish agad, dahil batid ko, namin, na sa ginawa mong pagsugod ay gagawa nang hakbang ang VENOM,kaya naman "saad nya sabay pindot sa remote control at may lumabas namang mukha sa screen,"sya si CHRISTIAN DE JESUS, kilala mo na sya ,at alam mo na ang lahat nang tungkol sa kanya, iisa isahin natin sila,at sya ang uunahin natin "saad nya sabay pindot ulit at may lumabas na mga larawan "dito natin sya makikita, ang desisyon ay nasa sayo, .. kung anu ang gusto mong mangyari sa taong ito ikaw ang masusunod alang alang sa paghihiganti mo,"saad nya,
BINABASA MO ANG
HUNTER-ONE SHOT , ONE KILL
ActionSa mundong ating ginagalawan , napakaraming mga salot sa lipunan , Ngunit patuloy ang mga karahasan , laganap ang kasamaan, Ngunit kahit ang pangulo di malaman kung sino ang puno't dulo,, Pero sa AKIN,,heto lang ang masasabi ko,MAGTAGO NA KAYO