CHAPTER 39(CAMPUS RIOT)

79 3 0
                                    

JAYCEE P.O.V

"okey class ,dismiss"

Natapos na ang ikalawang klase ko sa umaga at oras na para sa tanghalian ngunit hanggang ngayon ay wala parin kaming kibuan nang mga kaibigan ko, batid kong lahat sila ay nangangapa pa sa nangyari kanina,

Batid kong sina lance lang ang nakakaintindi sa sinabi ko kanina, ayoko sa lahat ay ang inaagrabyado ang mga nasa paligid ko,

Tahimik naming binaybay ang daan patungo sa canteen , nasa unahan ako at sa likod ko ay sina yamzmin ,eula at yumi, sa likod naman nila ay ang grupo nina lance,

Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanila, di ko na kayang tiisin ang katahimikan ni yazmin,

"May problema ba"saad ko at naroroon ang nagtatakang mga mukha nina yazmin ,

"W-wala naman "saad nya habang nakayuko kaya naman bumuntong hininga ako

"Mauna na kayo maguusap muna kami"saad ko kina lance,

Tumango lang sila at naglakad na , tinanaw muna namin ang paglayo nila saka ako bumaling kay yazmin,

"Yung kanina.."saad ko habang tinatanaw sina lance"ayoko nang may nananakit sayo.."saad ko at humarap sa kanya"matagal ka na ba nilang binubuyo?"tanong ko sa kanya

Umiling naman sya habang nakayuko,hinawakan ko ang baba nya at iniangat iyon , nang magtama ang mga mata namin, mababakas ang pagaalala sa mga mukha nya,

"Pasensya na sa nangyari kanina"saad ko dahil ayokong matakot sya sa akin,

Ngumiti naman sya kaya nawala ang kaba sa dibdib ko,

"Wala yun , salamat, pero di mo naman sila kailangang saktan ee..ayokong mapahamak ka dahil sa pagtatanggol sa akin"saad nya na may nagaalalang tingin,

"Kaya ko ang sarili ko... ang hindi ko kaya ay ang makita kang saktan nang iba..hindi ko kaya yun"saad ko at sabay yakap sa kanya,

"Hindi naman ako nasaktan ..wag mo na ulit gagawin yun ha, baka mapano ka, mga gangster sila jaycee , baka anung gawin nila sayo"saad nya habang nakayakap sa akin,swerte naman dahil kami lang ang tao sa hallway dahil siguro oras na para sa lunch,

"Hindi ko naman gagawin yun kung walang dahilan,pero sige, pipilitin ko"saad ko humiwalay naman sya sa pagyakap sa akin at nakangiting tumingin sa akin,

"Tara na baka hinihintay na nila tayo"yaya nya sa akin sabay hila,

"Pipilitin kong pigilan na hindi sila saktan, pero sana mapatawad mo ko kung may magawa ako sa kanila sa oras na maulit  ang ginawa nila sayo,"saad ko sa aking isipan ,

Hawak kamay kaming naglakad patungo sa canteen,

Sa oras na hawak nya ang kamay ko pakiramdam ko wala akong problema at puno nang kapayapaan ang puso ko,

Nang marating namin ang canteen hinanap agad namin sina lance,

Nakita ko naman ang pagtayo ni jacob sabay kaway sa amin,

"Jaycee , yazmin dito, oras nang lunch to , hindi to oras nang ligawan haha"pangaasar ni jacob, nakangiti naman kaming naglakad papalapit sa kanila,

Marami nang tao sa canteen , halos ang lahat ay nakatingin sa amin,

Pero sadyang wala akong pakialam, dahil hawak ni yazmin ang mundo ko

"Jaycee umorder na rin kami nang sa inyo, "saad ni kristine ,naupo naman kami ni yazmin,

"Nasaan si louie"tanong ni yazmin,

HUNTER-ONE SHOT , ONE KILLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon