CHAPTER 37(PREDATOR)

83 4 0
                                    

YAZMIN P.O.V

Nalulungkot ako sa katotohanang wala si jaycee ngayon, gumising ako nang maaga para lang makapasok nang maaga at masilayan ko ang mukha nya, kaso wala akong nakitang anino nya, hinintay ko sya sa dalawang subject ngunit hindi sila nagparamdam , kaya naman ay nakabusangot akong naglakad kasabay nina yumi at eula,

"Yazmin cheer up, sabi nga diba ni kate kanina ay maglilinis sila nang bahay nila kaya hindi sila makakapasok,"saad ni yumi, "baka bukad naman ay tapos na sila at makakapasok na kaya wag ka nang malungkot ,nalulungkot din ako ee,"saad nya habang nakalabi,

Kung nagtataka kayo kung bakit parang close na kami ni yumi.. sasabihin ko sa inyonh oo , close na kami, at nakakagulat nga na ang dating mataray at nakakatakot na yumi ay napakasweet at bubbly pala, nakakapit sya ngayon sa braso ko habang nag lalakad kami patungo sa canteen para maglunch,

Nang marating namin ang canteen ay natanaw namin ang kumakaway na si kate, kaya naman umorder na kami at lumapit sa kanya,

"Malungkot ka parin?""tanong ni kate pagkalapit namin, naupo naman kaming tatlo,

"Yazmin , wag ka nang malungkot , bakit hindi ko na lang sya tawagan?"saad ni yumi,

"Nakakahiya naman kasi kung tatawagan ko sya , baka makaistorbo pa ako,"saad ko habang nakanguso,

"Kubg ganun , ngumiti ka na wag ka nang masyadong malungkot nandito naman kami ee,"saad ni kate,

"Oo nga feeling ko tuloy wala kaming kwentang friends kaso di ka namin mapangiti"nagtatampong usal ni eula,

"Okey na kumain na lang tayo, baka malate pa tayo,"saad ko at nagsimula nang sumubo,

Habang kumakain ay napansin ko na tila ba hindi ko nakita si louie, kaya naman ay nagtanong ako,

"Guys wala rin ba si louie."saad ko at nagpatuloy sa pagkain,

"Wala ee, hidi ko rin sya napansin kanina, "saad ni kate,

"Ganun , anu kayang nangyari dun,"saad ko,

"Hindi nyo ba alam "saad ni yumi kaya napatingin kami sa kanya,

"Bakit"saad ko,

"Kaya siguro wala si louie, kasi nabalitaan ko kagabi na  sinalakay daw ang mansyon nila nang tinatawag nilang hunter, marami daw ang patay at marami ang sugatan, mabuti na lang at wala daw ang magama , dahil si louie daw ay nasa isang car racing event , gayun din daw si mr.martinez"saad ni yumi

"Anu ? Sinalakay sila? Hala , anu okey lang ba sila?"saad ko habang nagulat,

"Okey lang naman daw, kaso yung mga tauhan nila , halos lahat sugatan, at yung iba namatay, grabeh nga ee, nakakakot yung hunter na yun"saad ni yumi,

"Bakit pati sina louie , sinalakay mo? Anung kinalaman nila?"

Saad ko sa aking isipan,

Nagaalala ako , dahil kaibigan ko si louie, at kilala ko si hunter, di na ako umimik at tahimik na nagisip, gusto kong puntahan si hunter at tanungin kung bakit nya ginawa yun,

"Guys malapit na ang acquaintance , meron na ba kaying isusuot?"pambabasag sa katahimikan na tanong ni yumi,

"Ako .. wala pa, wala naman akong partner ee,"saad ni eula habang humihigop sa juice nya ,
"Ako rin, hindi ko pa kasi alam kung aattend ba ako o hindi ee,"saad rin ni kate,

"Hindi pa ba kayo niyayaya nang mga boys? Sina max at lance?"tanong ni yumi,

"Anu ba aasahan mo sa mga kulugo na yun, kung yayain man nya ako, hindi na lang ako aattend no "nakangiwing saad nya ,isa rin tong si eula ee, ibang klase magkagusto hahahaha,

HUNTER-ONE SHOT , ONE KILLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon