CHAPTER 27(OLD FRIEND)

80 3 0
                                    

YAZMIN P.O.V

BINABAYBAY namin ang daan pauwi, si jaycee ang kasama ko ngayon, pero parang hindi ko naman sya kasama,

Bumalik sya sa dati na hindi mo alam kung anung iniisip nya , blangkong mukha ang makikita mo sa kanya ,

Kaya naman sa di malamang dahilan , hinawakan ko ang kamay nya,

Nakita ko na tila nagulat sya , at dahang dahang timingin sa akin,

Nagaalalang tingin naman ang ipinukol ko sa kanya ,

"Okey ka lang ba.?"nagaalalang tanong ko,

Bumuntong hininga sya tapos hinawakan ang kamay ko,

"Okey lang ako,"pilit na ngiti ang nakita ko sa kanya ,

Kaya naman di ko na napigilan ang damdamin ko, magkatabi kami ngayon sa backseat, inihiga ko ang ulo ko sa balikat nya , habang hawak parin ang kamay nya ,

"Kung anu man ang gumugulo sa isip mo , sana sapat na ang presensya ko para maibsan ang dinadala mo,"di ko batid kung saan nang gagaling ang mga sinasabi ko , pero yun ang gustong iparating nang puso ko,

"Ikaw lang sapat na , para makaramdam ako nang kapayapaan sa puso at isip ko, pero sa ngayon , kailangan kong harapin ang mga bagay na nakapagpapagulo nanb isip ko,"saad nya , nanatili kami sa ganung posisyon nang marating namin ang bahay namin,

Bumaba si jaycee at inalalayan akong makalabas ,

Iba ang pakiramdam ko kapag sya ang kasama ko,

Hawak kamay kaming nagtungo sa gate, sinenyasan nya ang taxi na maghintay,

Sinalubong naman kami nang mga gwardya at di nagtagal ay lumabas na sila mommy at daddy,

Nasa harap na namin sila,

Pero ang nakakuha nang atensyon ko ay ang tingin ni daddy kay jaycee,

Tila ba nagulat ito, at parang di makapaniwala,

Kaya naman napansin din ni mommy ang naging reaksyon ni daddy,

"Good evening po sir, inihatid ko lang po si yazmin, madam , pasensya na po kung natagalan ang pagdalaw ko ,"magalang na saad ni jaycee,

"It's okey pero siguro naman ngayon ay magtatagal ka na nang ilang minuto,"malugod na saad ni mom,

"Pumasok ka muna iho,"saad ni dad , at tila nagiba ang ihip nang hangin,

Pumasok naman kami ni jaycee, naupo kami sa sala nagpadala si mom nang maiinom,

Naupo na sila mom and dad, pero si dad tila ba sabik na sabik na makita si jaycee,

"Iho maari ko bang malaman ang pangalan mo?"tanong ni dad,

"Ako po si jaycee , jaycee.."naputol ang sinasabi ni jaycee nang sumabat si dad,

"Vergara,, anak ka ni jayson at celine vergara...."saad ni dad at nagulat naman si jaycee,

"P-paano nyo po nakilala ang mga magulang ko?"naguguluhang saad ni jaycee,

"Kaibigan ko sila ,matalik na kaibigan, matagal tagal na din ang panahon mula nung huli ko silang makita ,at sa pagkakakita ko sayo , nakikita ko ang maamong mukha ni celine, at napakamisteryosong mata ni jayson, ikinalulungkot ko ang nangyari sa mga magulang mo sampung taon ang nakakaraan, patawarin mo ako kung nahuli ako nang dating at hindi ko natulungan ang mga magulang mo,"saad ni dad at nakakagulat ang pagluha nya ,

HUNTER-ONE SHOT , ONE KILLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon