YAZMIN P.O.V
GUMISING ako nang maaga nang puno nang pagasa na muli ko nang masisilayan ang aking mahal, nakaligo ,nakapagbihis at nakapagayos na ako kaya naman nagtungo na ako sa baba upang mag agahan , nadatnan ko sina dad at mom , na kasisimula pa lang kaya naman nang tuluyan na akobg makalapit ay,
"Good morning mom ,dad"saad ko habang nakayakap kay mom, sabay halik sa pisngi nito at kay daddy rin,
"Maupo ka na, maaga ka yata , at para bang napakasaya mo"saad ni mom,
"Mom , masama bang magising nang maaga , masaya lang ako no"saad ko,
"Sa ganitong kaaga?sino naman ang nakapagpasaya sayo"saad ni dad , nagkatinginan naman kami ni mom,
"Dad naman , kailangan ba talaga na may rason tayo para maging masaya?di ba pwedeng masaya lang ako dahil ,panibagong araw na naman itong ipinagkaloob sa akin nang dyos"saad ko habang nakangiti,
"Hindi naman , iba lang kasi ang mga ngiti mo ,para bang may tinutukoy ang mga ngiti mo"saad ni dad,
"Tama na nga yang pagiintriga mo sa dalaga mo, "saway ni mom kay dad"maupo ka na at baka masayang lang yang paggising mo nang maaga"saad ni mom , pagkabaling nya sa akin,
Kaya naman naupo na rin ako at nagsimulang kumain,
Habang kumakain ay nagsalita si dad,
"Kamusta naman ang pagaaral mo anak"tanong ni dad,nilunok ko muna ang nasa bibig ko bago magsalita,
"Okey naman po dad, actually di naman gaanong busy , pinaghahandaan kasi namin ang darating na acquaintance party ngayong linggo,"saad ko at nagpatuloy sa pagkain,
"Ganun ba, may kapartner ka na ba?"saad ni dad, nasamid naman ako"oh okey ka lang dahan dahan lang kasi " saad ni dad kaya dali dali akong uminom nang tubig,
"Niyaya ka na ba ni jaycee anak?"tanong ni mom,
"Hindi pa mom ee, absent kasi sila kahapon baka ngayon na yun sila papasok"saad ko tumango tango lang si mom,"by the way dad, yung nangyari nung nagdaang linggo kina louie, si hunter ba talaga ang may gawa nun"bigla kong tanong kaya natigilan si dad,kinabahan naman ako,"dad"usal ko,
Tumikhim muna si dad at nagpunas nang bibig,
"Oo, si hunter yun bakit anak"saad ni dad,
"Nagaalala po kasi ako , anu po bang ginawa nina louie bakit nya ginanun sila,"saad ko at pagtutukoy nangyari nung linggo,
"Wala pang nakakaalam , ngunit iniimbestigahan na nang kinauukulan anb pangyayaring iyon,"saad ni dad , at humigop sa kape nya,
"Nung malaman ko ang nangyari na yun , di ko alam kung anu ang mararamdaman ko, hindi ko lubos maisip kung bakit nangyari yun,alam ko ginagawa ni hunter ang lahat nang to dahil may dahilan sya na sya lang ang nakakaintindi at nakakaalam, tama man ito o mali, kaya nag aalala ako dahil gaya ni hunter kaibigan ko din si louie dad,"saad ko mababakas naman ang pagaalala sa mga mukha nila,
"Hindinko talaga lubos maisip na sangkot sa anumalya ang pamilya ni louie, hindi ko matanggap, napakabuti ni louie, kahit na sinaktan nya ako at iniwan ,"
"Wag na lang tayong maghimasok sa kaso na iyan hayaan mo na ang pulisya ang humawak dyan, ang magagawa mo na lang ay ang damayan ang kaibigan mo,yun lang"saad ni dad
Natahimik ang buong dinning area, tanging kalansing nang mga kutsara at tinidor ang maririnig mo,
Natapos ko ang pagkain at nagpaalam na sa kanila na papasok na ako,
BINABASA MO ANG
HUNTER-ONE SHOT , ONE KILL
ActionSa mundong ating ginagalawan , napakaraming mga salot sa lipunan , Ngunit patuloy ang mga karahasan , laganap ang kasamaan, Ngunit kahit ang pangulo di malaman kung sino ang puno't dulo,, Pero sa AKIN,,heto lang ang masasabi ko,MAGTAGO NA KAYO