CHAPTER 42(NIGHTMARE)

99 4 1
                                    

ALFREDO MARTINEZ P.O.V

"Patay na si pablo garcia ..martinez"

"Unti-unti na tayong nalalagas"

"Gumawa ka na nang paraan"

"Tapusin mo na ang pamiminsala  nang hayop na hunter na yan!!!"

Hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwala na hindi nagtagumpay si garcia na patayin si hunter, masyado nya rin kasing minaliit ang hayop na hunter na yun, masyado syang nagpanatag na mapapatay na nya si hunter,

"Anu na martinez!!!???"tanong nang mga kasamahan ko"gumawa ka na nang paraan!!!??"

"Pwede ba!!!!! Nagiisip din ako nang paraan !!!! Wag nyo sa akin isisi lahat dahil kahit ako ay naghahangad na mamatay na ang hayop na hunter na yan!!!!"inis na sigaw ko sa kanila at natahimik naman sila"hindi lang kayo ang naaagrabyado dito , dahil kung yan ang nararamdaman nyo!!!! Anu na lang ang nararamdaman ko!!??? Malaki na ang pinsala nang hayop na yan hindi sya basta basta mapapatay lang kailangan nating magplano para mapatay sya!!"saad ko at nanatili naman silang tahimik

Nanggagalaiti ako

Punong puno nang galit ang pagkatao ko,

Humithit ako sa tabako ko at ibinuga ito,

Kinalma ko ang sarili ko at huminga nang malalim,

"Kailangan nating maghanda...ihanda nyo ang mga sarili nyo..dahil isa na sa atin ang susunod..isa lang ang maipapayo ko sa inyo.. wag kayong magpadalos dalos at maging kampante .. dahil ... hindi basta basta ang makakalaban natin.."saad ko at napaisip naman sila,

"May nakuha ka na bang pagkakakilanlan nang hunter na yan?"tanong ni marquez

"Sa ngayon..wala pa..pero di magtatagal at makukuha ko din ang hinahanap ko.."saad ko habang nakatingin sa tabako ko,

"Kung ganun paano natin sya mapipigilan?"tanong ni fauste

"May mga magagaling akong tauhan ni hindi ko pa ginagamit, buo pa ang mga opisyales ko sa chess kaya naman ...may laban pa ako"nakangising saad ko

"Papaano kami?..ako?..papaano ako..marahil ay ako na ang susunod..paano ko sya mapipigilan"kabadong saad ni marquez

"May mga tauhan ka naman..di ba?..kaya naman maproproteksyonan mo ang sarili mo"saad ko na may blangkong emosyon,

"Gaya nang sabi mo..hindi basta basta ang kalaban natin, ..anim na sa atin ang napapatay nya..kaya hindi malabong mapatay nya rin ako..."saad ni marquez

"Bakit marquez?..natatakot ka ba?"sarkastiko kong saad sa kanya

"H-hindi naman sa ganun, ..di ko lang maiwasang ma-mangamba..l-lalo na ngayong n-napatay nya si garcia"kabadong saad nya habang nakatungo

"Masyado kang matatakutin..marquez..sabi ko sayo magiingat ka ..yun lang ang kailangan mong gawin.."saad ko habang nakangisi,

Bakas sa mukha ni marquez ang takot at pagaalala , kaya naman tumayo sya at nilisan ang silid na linaroroonan namin,

"Gusto ko nang matapos ang delubyong ito..tapusin mo to sa lalong madaling panahon"matigas na saad ni alfonso diaz,sabay tayo at gaya rin nang ginawa ni marquez ay nilisan din nya ang silid,

"Di ko inaasahan na darating ang araw na to"saad naman ni anton vasquez at walang pasabing tumayo at umalis,

Isa isa na silang nagsipagalisan at ang pinakahuling tumayo ay si samuel herera

HUNTER-ONE SHOT , ONE KILLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon