CHAPTER 44(TRIAL)

70 4 4
                                    

LANCE P.O.V

MATAPOS umalis nina jacob at kristine ay mas lalong nangibabaw ang katahimikan sa pagitan naming apat ,

"Anu na ang susunod na mangyayari?"usal ni dante habang nakatingin sa mga folders sa lamesa na naglalaman nang impormasyon ni jose marquez,nakaupo sya habang nakapatong ang mga paa sa lamesa at ang dalawang braso nya ay nasa may sandalan nang sopa,"itong susunod na target?..sa tingin nyo?...anu kaya ang naghihintay sa atin?"usal nya pa ,

Naglakad naman ako habang nakahalukipkip at nagtungo sa malapit na bintana sa likod nang sopa,at tinanaw ang gardin na muling nabubuhay dahil sa pagaalaga ni kristine,

"Wag na lang muna nating isipin yan, ..hintayin na lang natin si jaycee ..at alamin ang magiging plano nya"seryosong saad ko habang nakatanaw sa hardin,

"Sa tingin nyo guys..may iba pa ba tayong makakalaban?"usal ni max habang nililinis ang baril nya "pahirap nang pahirap ang mga laban natin ngayon ..sa tingin nyo may mas lalala pa ba sa nangyari sa atin sa laban natin kay garcia?"dagdag nya pa,sya namang pagdating ni sam bitbit ang mga inumin,

"Tss , natsambahan lang talaga tayo nung garcia na yun kaya nya tayo nahuli, ..hindi na mangyayari yun...hinding hindi na "pagsingit ni sam habang inilalapag ang mga inumin sa lamesa , ibinaba naman ni dante ang mga paa nya at kumuha nang baso at nagsalin,

"Nangyari yun dahil sa kapabayaan natin, hindi tayo nagingat kaya nangyari yun, "seryosong saad ko habang inaalala ang kapalpakan namin, ang muntik nang umubos sa amin,

"Pero sa tingin nyo...kelan kaya matatapos ang laban natin kay martinez?..bakit hindi na lang natin deretsang patayin si martinez,"saad ni max habang inaasinta ang flower base ,

"Ang layunin ni jaycee ay burahin ang venom para mawala na sila...hindi lang si martinez ang nagpapatakbo nun, marami pa sila, hanggat di na uubos ang mga hayop na yun, di ito matatapos,"saad ko

Wala nang nagsalita sa kanila ,

Maya maya pa ay dumating na si jaycee,

"Oh ,.. kamusta?"tanong ni jaycee habang papalapit sa amin, napatingin naman sya sa mga folders"bagong impormasyon?"tanong nya sabay kuha dito at binasa

"Ah oo, yan ang mga nakuha ni jacob kanina"saad ni max habang inililigpit ang mga baril nya,

"Hmmm.."tango tangong saad ni jaycee habang binabasa ang mga folders"nasan sila,?"dagdag pa ni jaycee,

"Naggrocery muna si kristine , sinamahan naman sya ni jacob , baka maya maya ay dumating na rin ang mga iyon,"saad ko habang lumalapit sa kanila at kumuha nang baso at nagsalin,

"Ganun ba.. sige pagkarating nila ay pagplanuhan na natin ito.."saad ni jaycee at inilapag ang mga folders"maliligo muna ako"saad nya at umalis at umakyat na papunta sa kwarto nya,

"Yeeeeeessss!!!..haha..bakbakan na naman yeaaaah"masayang hiyaw ni max dala nang excitement,

"Oh sya tara tagay"yaya ni sam at sinalinan ang mga baso namin,
Naupo na rin ako sa kaharap na single sopa at natatawang sumimsim sa baso ko,

Sa kalagitnaan nang pag inom namin ay biglang nagsalita si sam,

"Kamusta na kaya yung mga babae?.."wala sa sariling usal nya

"Hahaha namimiss mo na si yumi no?"pangaasar ni max sa kanya

"Tsss.. baka ikaw? ..namimiss mo na si eula no?hahahahaha bagay na bagay kayo tol nyahahahahaha"pangaasar rin ni sam kay max,

HUNTER-ONE SHOT , ONE KILLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon