CHAPTER 41 (DIE HARD)

80 4 0
                                    

JAYCEE P.O.V

NAKANGITI akong pumasok nang bahay , dahil sa napakagandang araw na ito nawala ang lahat nang nilalaman nang puso ko, nakangiti akong naupo sa may sopa habang inaalala ang lahat,

Habang nagmumunimuni ay napansin kk na tila tahimik ang buong bahay?kaya naman ang ngiti sa aking mga labi ay panandaliang nawala,

Pinakiramdaman ko ang paligid ngunit wala akong marinig na kahit anu kaya naman nagpasya akong pumunta sa kanikanilang kwarto,

Una kong pununtahan ay ang kwarto ni kristine, kumatok muna ako at nang maramdaman kong walang tao sa loob ay binuksan ko ito para makasigurong wala nga ,

Lumipat ako sa katabi nito na kwarto ni lance,gaya nang kay kristine ay walang tao,

Sunod sunod ko namang binuksan ang kina max,sam,dante at jacob, ngunit wala , kaya naman pagkalabas ko nang kwarto ni jacob ay napatingin ako sa orasan,alas otso na ,pero wala pa rin sila,

Bumaba ako at nagtungo sa ATLAS para hanapin sila,,

Pagkapasok ko sa ATLAS ay bumungad sa akin ang mga folders sa lamesa,

Dali dali akkng lumapit at tiningnan ito, ang lahat ay files ni pablo garcia, naririto rin ang mga blueprint,building map, at mga plano,

Napatingin ako sa files na sa tingin ko ay bago itong impormasyon,

Sa kalagitnaan nang pagbabasa ko ay tila napansin ko na may mali dito,

Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto na ang isang bagay ,

PATIBONG.

Nakakasiguro ako na isa tong patibong,dahil base sa impormasyon na nakuha nila ,ay halata ang pagiging patibong nito, sa venue nang event, plastada nang mga gwardya,bilang nang mga sangkot dito ,ay malalaman mo na na isa itong patibong ,batid ko na ang inaasahan nina garcia na darating ay ako, isa lang ang nasisiguro ko ,NASA PANGANIB SILA,

Nagmamadali akong lumabas nang ATLAS , at nagtungo sa may pintuan palabas nang bahay , kinuha ko ang baril sa may flower base at isinuksok sa aking likuran, pinihit ko ang pintuan at tumambad sa akin ang marungis ,sugatan at hapong hapo na si kristine ,

Nanlaki ang mata ko at pag angat nya nang mukha ay nakita ko ang nahihirapang si kristine,

"J-jayc-cee"nahihirapang usal nya at natumba kaya naman sinalo ko sya,

"Kristine....kristine.... anu ang nangyari...nasaan sila,"sagot ko ngunit ,nawalan na sya nang malay kaya naman dinala ko sya sa kwarto nya , kinuha ko naman ang telepono at tinawagan si sir ramon,

"Hello?"bungad nya

"tito? Kailangan ko ang tulong mo, may nangyari sa mga kaibigan ko"saad ko

"Ha?sige papunta na ako dyan hintayin mo ko,"saad nya

"At kung pwede mag dala ka nang mag gagamot sa kanya,"saad ko pa,

"Sige , sige , papunta na ako,"saad nyabat ibinaba ang tawag

Napahilamos naman ako nang mukha habang nagpalakad lakad sa loob nang kwarto,

Nagiisip ,nagaalala, nangangamba sa pwedeng kahinatnan nang pangyayaring ito,

Maya maya pa ay dumating na si sir ramon,dala ang isang doktor, at katulong na naglinis dito dati,

"Anung nangyari"tanong agad ni sir ramon, lumapit naman ang doktor at chineck si kristine,

"Hindi ko po alam ang nangyari, pagkaratingnko po kanina ay wala silang lahat ,at dumating sya nang nagiisa at hapong hapo,"saad ko habang nakatingin kay kristine, kumalma na ako dahil batid kong magiging okey na sya,

HUNTER-ONE SHOT , ONE KILLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon