INSPECTOR JAMES DEL ROSARIO P.O.V
MATAPOS ang makapigil hiningang habulan namin ni hunter ay naglakad na ako pababa, nakabalot ang lungkot at pagkadismaya dahil sa hindj ko nagawang madakip si hunter,habang naglalakad ay napatingin ako sa paligid, di ko maiwasang bumilib dahil sa dami nang taong naririto ay naisawaga nya ang kanyang plano,okupado ang utak ko sa naging tagpo kanina, kaya naman pagkarating ko sa baba kung saan naghihintay ang mga kabaro ko ay di ko maiwasang magalit,
"Napakarami namin , ngunit di namin sya mahuli, ganun ka ba talaga kagaling at talagang walang makapapantay sayo?"
Sinalubong ako nang aking mga kasamahan dala ang kanilang crime report,
"Inspektor , ang natagpuang patay sa cr ay si christian de jesus, natagpuan din namin sa kanyang kwarto na pinaglalagian si arturo pedrigoza, ang sakay naman nang sumabog na kotse sa parking lot ay si henry lim ,batid po naming sila ang pangunahinh target sa insidenteng ito,"paghahayag nang aking kasamahan,
"Kung ganun tama nga ako ,si hunter talaga ang may gawa nito, "
"Anung ikinamatay nila"tanong ko sa aking kasamahan,
"Si de jesus ay namatay dahil sa natamong tama sa ulo,batid po naming binaril si de jesus habang ito ay nakatalikod,si arturo naman ay sa ulo rin ngunit ito ay galing sa isang snifer,si henry lim naman ay sa pagsabog,mukhang ang pangyayaring ito ay nakaplano na inspektor"saad nang aking kasamahan,
"Sa kaso ni hunter ay lima na ang kanyang napapatay, batid kong myembro rin nang sindikato ang mga biktima,"
"Ipagpatuloy nyo ang pagiimbestiga ,maghanap kayo nang maaring makapagturo o makapagidentify sa nga suspek, maghanap din kayo nang maaring maging witness "utos ko sa kanila at sumunod naman sila,
Hawak hawak ko ang batok ko habang naglalakad patungo sa akinh sasakyan, binuksan ko ito at naupo sa driver seat habang ang mga paa ay nasa nasalabas pa nang kotse, sinapo ko ang aking mukha at malalim na nagisip,
"Kailan ba matatapos ang pagpatay na ginagawa mo hunter? Bakit hindi ka makipagtulungan sa kapulisan?bakit?"
Nagtatangis ang bagang ko sa aking mga naiisip nakaramdam ako nang galit , galit dahil hindi ko sya mahuli, naiinis ako sa katotohanang magaling sya at wala akong sapat na kakayahan para mahuli sya, nanliliit ang tingin ko sa aking sarili dahil ,hindi ko matapos tapos ang kasong ito,
Humugot ako nang malalim na buntong hininga at humarap sa manubela isinarado ko naman ang pinto at nakapagpasya na umalis na sa lugar na yun,
Pinaandar ko na ang aking sasakyan at binaybay ang daan patungo sa headquarters,
Lutang akong nagmaneho , kaya naman di ko namalayan na nasa headquarters na ako,
Bumaba ako nang kotse at naglakad patungon loob, gusto kong makausap si chief para masagutan ang lahat nang tanong sa isip ko,Habang papasok ay abala ang lahat sa mga ginagawa nila, batid kong ang pinaggagawa nila ay ang nangyari kanina sa sikat na hotel na yun,
Narating ko ang opisina ni chief at walang anu anu ay pinasok ko ito , nadatnan ko ang gulat sa mga mata ni chief, kaya walang salisalita akong naupo sa harapan ni chief,
"Pasensya na po chief sa biglaan kong pagpasok nais ko po sana kayong makausap nang masinsinan"saad ko tumikhim naman si chief at umayos nang upo,
"Anu ba ang ating paguusapan"saad ni chief,
"Kilala nyo po ba si hunter?"ito na ang pinakawalang kwenta kong tanong sa buong buhay ko, hindi ko alam kung saan ko ito kinuha,
BINABASA MO ANG
HUNTER-ONE SHOT , ONE KILL
AcciónSa mundong ating ginagalawan , napakaraming mga salot sa lipunan , Ngunit patuloy ang mga karahasan , laganap ang kasamaan, Ngunit kahit ang pangulo di malaman kung sino ang puno't dulo,, Pero sa AKIN,,heto lang ang masasabi ko,MAGTAGO NA KAYO