JAYCEE P.O.V
hindi pa rin ako makapaniwala na ang mga magulang ko ay myembro nang sindikato,
Ay tanggapin nang puso at isip ko ,ang nabasa ko,
"Sila . . . Sila ang mga magulang ko, papaanong nanging myembro ang mga magulang ko "nanlulumong tanong ko kay dodong
"Saan dyan iho?"tanong ni dodong "yan bang mga vergara?"dagdag pa nya,
Hindi ako sumagot sa kanya , di ko kayang tanggapin ito , hindi kailan man,,
"Ang magasawang nyan ,"anas nya kaya napatingin ako sa kanya,"kung titingnan mo sila , hindi mo iisiping mga myembro sila nang sindikato , mababait sila , kahit kailan hindi sila nagawang pumatay ,, ang totoo nyan sila ang mga nanunang lider nang VENOM, hindi VENOM ang dating pangalan nang sindikatong yan ,,kundi ATLAS, at ang kahulugan nang ATLAS ay Ang Tagapagtanggol nang Lipunan,Ang Sandigan nang bayan , yan ang totoong kahulugan nang itinatag na grupo nang magasawang yan ,, tumutulong sila sa mga nangangailangan ,sa mga naapi ,sa mga naagrabyado ,, sa mga hindi kayang lumaban,
Sila ang tanggulan nang mga naapi, mababait sila , pero dahil sa tusong si martinez ,, nagawa nyang kontrolin ang ibang myembro ,, hanggang sa nakuha na nito ang kapangyarihang pasunurin ang buong grupo ,, nagpakalayo layo sila vergara, pero ipinahanap ni martinez ang magasawa ,, at hanggang sa matagpuan nila ito ,, ay ipinapatay na nila,, yun na ang death list ,, ang lahat nang mga tumalikod sa bagong pamamahala nang grupo ay ipinapatay ,, kasama na ako dun , kaya naman nang malaman kong kasama ako ay kinuha ko ang blackbook at balak ibigay sa awtoridad , pero ipinahanao ako kaya nagtago tago na ako ngayon, "pagkukwento nya ,,"Kung ganun hindi masama ang mga magulang ko,?"anas ko , tumanggo naman sya ,
"Ngayong nakahanap na ako nang magtatago sa blackbook , pwede na akong mamatay ,,"nakangiting anas nya
"Hindi ka mamamatay ,poprotektahan kita"ngumiti sya at umiling,
"Hindi na kailangan iho,ang maipakulong lang si martinez ay sapat na sa akin, kaya naman ibigay mo sa awtoridad yan , nang mahuli na sila,"saad nya,
"Hindi ko sila hahayaang makulong ,,pagbabayarin ko sila sa ginawa nila sa mga magulang ko"madiing saad ko ,,
"Wag mo sanang balutin sa galit ang puso mo iho,"anas nya kaya medyo natigilan ako,
"Pasensya na kailangan ko nang umalis,tapos na ako sa pakay ko,"saad ko at tumayo na ,
Pero pagdating ko sa bukana nang kanyang bahay , ay may pahabol pa sya sa akin
"Hindi kailanman naghiganti ang mga magulang mo,iho , dahil walang makakabuti sa paghihiganti ,"saad nya ,, at lumabas na ako,
Habang naglalakad ako di ko mapigilang magalit,
"Hindi sila kailanman naghiganti dahil wala na sila ,...patay na sila"bulong ko sa aking isipan
.
.
.
.YAZMIN P.O.V
KAKAUWI ko lang galing eskwelahan , at nandito na ako sa aking kwarto di parin mawala sa isip ko ang mga tanong na nabuo sa utak ko,
"Bakit ako nagseselos?" Tanong ko sa isip ko
"Imposible . Wala naman akong gusto sa kanya ,siguro crush pwede pa,pero di naman sapat yun para maramdaman ko to,"tanong ko muli sa aking sarili
"Hala, baka may napapansin na si jaycee, baka malaman nyang gusto ko sya ,, arghhhhh!!!! Nakakahiya (T^T) huhuhuhu "pagdadrama ko,
"Ea anu naman ngayon kung malaman nya ,?"bulong ko pa,
BINABASA MO ANG
HUNTER-ONE SHOT , ONE KILL
ActionSa mundong ating ginagalawan , napakaraming mga salot sa lipunan , Ngunit patuloy ang mga karahasan , laganap ang kasamaan, Ngunit kahit ang pangulo di malaman kung sino ang puno't dulo,, Pero sa AKIN,,heto lang ang masasabi ko,MAGTAGO NA KAYO