Chapter 15

24 15 0
                                    

Chapter 15: Meet Karla Gabrielle Dela Vega 

Zeyn's Point of view

niyaya ko sina ced at lucas para mag inuman sa paborito naming bar. Gusto ko lang kasing makalimot pansamantala sa mga nangyari at aliwin ang utak ko sa isang linggong pag alis ni ate sa bahay ng wala namang dahilan at ang katotohanang hanggang ngayon ay wala pa

 ring balita sa girlfriend ko pati na rin kay jam 'so pare, ano ngayon ang plano mo?' nakakalokong tanong sakin ni lucas sabay lagok ng alak. bago pa man ako makasagot ay inunahan na ako ni ced na kanina pang tahimik at seryosong naka titig sa baso nyang may 

alak 'dela vega subukan mo lang na saktan ang kapatid ko' pagbabanta nya at lumagok ng alak. humagalpak naman sa tawa ang katabi ko at marahas pa ako nitong binatukan 'aray naman pare!' daing ko na mas ikina lakas ng tawa nya. kahit kelan talaga napaka sadisto ng lalaking ito. sarap upakan! 

natigil sa pagtawa ang katabi ko ng muling magsalita si ced 'pati ikaw' turo nya kay lucas na noon ay tuloyan ng natahimik. seryoso talaga syang nakatingin samin na syang dahilan 

para pagpawisan ako ng sobrang lamig 'nawawala ang kapatid ko at kapag nalaman ko lang talaga na may kinalaman kayo dito' he stop for a second at lumagok ulit ng alak 

'kakalimutan kong tao kayo' mababakas sa boses ni ced ang pagpipigil ng tawa sa huling sinabi nya kaya hindi ko napigilang hampasin ang katabi ko dahil sobra ng natulala ito at hindi napapansin ang silent laugh namin ni ced 

'pre kaya pa?' humahagikgik na wika ni ced at nag apir kami 'shut up assholes!' mariing saad ni lucas ng mapag tanto nya sigurong sya ang pinag tatawanan namin. minsan talaga mga abnormal tong mga kaibigan ko pero madalas, maaasahan sa mga ganitong problema. sana ganito na lang palagi, walang problema puro na lang saya.

naudlot ang tawanan namin ng mag ring ang phone ko. agad ko itong kinuha at napa ngiti ako ng rumihistro ang pangalan ni ate sa screen 


Calling ~ Dyosang Gabrielle 

'Ate' masaya kung bunggad. namiss ko ang ate ko, sobra. 'ze-zeyn' paos nyang sabi sa kabilang linya. agad na kumunot ang noo ko dahil sa way ng pag tawag nya sakin 'ate nasan ka?' medyo kinakabahan kong tanong 'sa a-ano... saint anne's ho-hospital.. ze-zeyn pumunta ka dito ngayon na' mag tatanong pa sana ako kung bakit pero agad nyang pinatay ang phone nya.

saglit akong napa isip kung ano ang ginagawa nya sa hospital. wala na akong sinayang na oras at walang paalam akong tumayo 'teka pre!' pigil sakin nung dalawa 'may importante akong lakad, excuse me' wika ko at akma ng aalis ngunit mabilis din silang tumayo 'sasamahan ka namin' seryosong sabi ulit nila 

**********

kasalukuyan kaming buma-byahe papunta sa hospital na sinabi ni ate. may kung anong bagay ang nag lalaro sa utak ko, hindi ako makapakali. clueless pa rin ako kung bakit sya nasa hospital. sana naman prank lang 'to ni ate

'bro kalma lang' biglang tapik sakin ni ced. tumango lang ako bilang sagot. 

ilang oras din ng marating namin ang nasabing hospital agad kaming nag tungo sa info area 'Miss room po ni karla gabrielle dela vega' magalang kong wika sa nurse. hindi ito sumagot bagkus ay agad syang nag tipa na sa tingin ko'y hinahanap na nya ang room ng ate ko 

'Sorry sir pero wala pong dela vega ang naka charge dito sa hospital namin' sagot nito na sa screen pa rin nakatingin. i gasped. nahihilo na 'ko -.- 

UnforeseenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon