Chapter 17

28 15 2
                                    

Chapter 17: Goodbye

Daryl's Point of view

"si..sir daryl" nanatili lang akong naka titig sa loob. naramdaman ko ang kamay nito sa balikat ko 

hindi ko alam kung kanina pa sya sa tabi ko pero wala akong paki alam kung may narinig man sya sa mga sinabi ko 

"sir kelangang malaman 'to ng parents nyo" patuloy nya. napapikit ako at bumaling sa kanya "No. they don't need to know this" matapang kong sabi "pero sir daryl... they have the rights to know" pagpapaintindi nito na inilingan ko lang

makalipas ang ilang oras ay wala pa ring lumalabas na doctor o nurse sa loob ng OR.

hindi ko magawang maupo sa isang gilid. pabalik balik lang akong naglalakad lakad sa labas.

"bro every things gonna be alright" pagpapakalma ni lucas na hindi ko pinansin. sobra talaga akong nag aalala dahil habang tumatagal, bumibilis ang oras hindi ko alam kung ano ang kalalabasan ng lahat ng 'to 

mababaliw na 'ko

karla is right. our parents have the rights to know pero paano ko nga sasabihin. natatakot akong malaman nila ang nangyari kay jam. specially kay mommy.

mahina ang puso ni mommy na kahit hindi sya pwedeng mag buntis dahil pwede nya iyong ikamatay ay mas pinili nya parin kami ng kapatid ko

hindi ko alam kung paano ko 'to malulusotan. 

kaagad kong kinuha ang phone ko sa aking bulsa ng maramdaman kong nag vibrate ito

napalunok ako't nanginig ang kamay ko na nakahawak sa phone. hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi. napatiim bagang ako bago ko ito pikit matang pinindot

"Yes mommy" kalmado kong bungad na parang normal lang ang lahat "daryl" nanginginig ang boses ni mommy na kung hindi ako nagkakamali ay maiiyak na sya sa sobrang pag aalala

"mom i'm with my sister, do..don't worry" bahagya akong sumilip sa loob ng OR pero ganun pa rin "anak nasaan kayo?! na...nasaan ang baby ko?" ngayo'y humihikbing wika ni mommy sa kabilang linya 

"ayon ma, sumali pala sa school camping at hindi nanaman nagpaalam satin" medyo patawa pero pilit kong sabi 

nangunot ang noo ko sa biglang pagtahimik ni mama sa kabilang linya kaya tinignan kong muli ang screen ng phone ko pero umaandar pa rin ang oras 

"mom still there?" tawag ko dito 

rinig ko ang pag buntong hininga ni mommy "pero bakit nandito ang travelling bag nya?" tanong ni mommy. damn it! hindi ko na alam kung ano pa ang pwede kong ipalusot 

"you know your smart daughter mom..siguradong bumili na yun ng gagamitin nya para di na makapag paalam satin" pag sisinungaling ko ulit

fvck! hindi na kaya ng kunsensya ko pero ito ang dapat kong gawin 

"alright. hanggang ilang araw kayo dyan?...para naman makadalaw kami ng daddy nyo" agad akong nataranta sa sinabi ni mommy 

muntikan na 'kong di nakapag salita pero thank god at nagawa ko pa rin "no need ma ako na ang bahala sa kapatid ko.. alam nyo naman po kapag ako ang kasama niya" pagaalo ako

"sige son.. sabi mo e" natatawa ng sabi ni mommy. nabunutan ako ng tinik sa sinabing iyon ni mommy

"thanks ma... don't worry uuwi ako bukas para kumuha ng damit naming dalawa" pagsisigurado ko 

"alright. mag iingat kayo dyan" masayang paalam ni mommy bago naputol ang usapan namin

napatingala ako't napa buntong hininga 

UnforeseenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon