Chapter 45

60 12 0
                                    

Chapter 45: I still love you
Jam's Point of view

"Magti take out pa ba tayo?" Tanong ni lucas

Nandyan na kasi yung hiace van nya na sinakyan namin kaninang umaga na gagamitin ulit namin pauwi

Hindi ako kumibo. Hinintay ko lang na ibukas nung driver ang pinto tsaka na ako nag tuloy tuloy na pumasok sa loob

Kanina pa ako wala sa mood. Ewan ko ba.

"Wag na lang. Tara na" ani zeyn at pumasok na rin

"Hala. Ibang sasakyan ba tong nasakyan natin ngayon?" Tanong ni twinny

"Ahh opo ma'am. Nasa car wash station kasi ni sir lucas yung naunang van na ginamit natin kanina" magalang na sagot ng driver

Ginala ko ang paningin ko sa loob at doon ko lang din napansin na iba pala tong sasakyan namin ngayon. Normal lang di tulad nung umaga na magkakaharap ang upuan na tulad ng sa jeep

"Take a rest" bulong ni lucas na ikina gulat ko

"B-bakit nandito ka?" Unti unti akong umusod. Nasa tabi ng bintana kasi ako umupo

Kahit anong klaseng sasakyan ay palaging sa tabing bintana ako umuupo kasi hindi ako sanay. Madali akong mahilo at minsa'y nagsusuka

"Kasi dapat kung sino ang katabi mo kanina sa green house which is partner mo, dapat sya din ang katabi mo dito" mahinahon nyang sagot at sumandal

Hindi pa rin ako makasagot sa sinabi nya. Nakapikit na sya pero nakatulala pa rin ako sa mukha nya

Nagsimula ng umandar ang sasakyan at tahimik na ang mga kasama namin. Siguro nagpapahinga na rin sila dahil talaga namang nakaka pagod ang araw na ito

Pero ako, heto at naka titig pa rin kay lucas. Bahagya syang nagmulat ng mata at tulala pa rin ako

"Come here" ani lucas. Mababakas sa boses nya na pagod sya pero nandun pa rin yung pagka sweet.

What!? Ano ba tong sinasabi kong pagka sweet!? rrr!

Umangat ang kamay nya at kinuha ang aking ulo at ipinatong nya sa balikat nya

"Don't be shy jam. Wag kang umasta na parang wala tayong pinagsamahan. Safe ka sa balikat ko" alam kong naka ngiti sya habang sinasabi nya iyon

napa ngiti na lang ako at pumikit na rin. Isang oras ang byahe namin pauwi sa kanya kanya naming bahay kaya hindi ko sasayangin ang isang oras. Matutulog na muna ako.

"S-sir! N-nawawalan tayo ng preno!" Sigaw ni manong driver

"Tangina! Paano nangyari yun!? Hindi mo ba chineck tong sasakyan!?" Galit na sigaw ni lucas

pinag pawisan ako "L-lucas" naiiyak na ako pero ayokong maging dahilan ang luha ko para pang hinaan ang mga kasama ko

"S-sir chineck ko po bago ako pumunta sa school n-yo. O-okey naman po" nanginginig na sagot ni manong

Naalarma kami ng may limang magkakasunod na truck ang makaka salubong namin

"Tangina lucas! Do something!" Sigaw ni kuya ced na katabi si ate gab na nasa  harapan namin

"Walang mangyayari kung magsisigawan lang tayo dito!" Galit ring sigaw ni zeyn

napa hagulhol si twinny na nasa bandang likod kasama si zeyn

lumuhod ako sa ibabaw ng upuan para pakalmahin si twinny
"Anong magagawa ng pagpapakalma mo jam! Mamamatay na tayo!" Sigaw nya at mas lalong lumakas ang pag iyak nya

UnforeseenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon