Chapter 43: Batas
Jam's Point of viewNaglalakad na kami ngayon sa hallway pababa ng building na to.
Kumpleto kami pero walang imikan.Babalik na kami sa kanya kanya naming building.
"Jam.. D-dito tayo. Shortcut dito" ani zeyn
Ngumiti ako "Mauna na lang kayo. May dadaanan pa ako"
Wala man lang ni isa sakanila ang umimik. Para silang ewan or let me say, baka lutang din sila kagaya ko dahil sa nalaman namin
"Sige alis na ako" pagpapaalam ko at nakangiti akong tumalikod sakanila
Dumiretso ako sa e.s.f building para mag cr. ya know, tawag ng kalikasan.
May comfort room din naman sa alumni building, yung building na pinanggalingan namin. Napaka daming comfort rooms pero hindi ko maintindihan kung bakit itong building na to ang gustong gusto ko
Ito yung comfort room na madalas kong pagtambayan noon.
Ala una na at umpisa na ng klase kaya nagpapasalamat ako dahil wala akong makakasabay na studyante sa cr.
Sa huling cubicle ako pumasok. Habang umiihi ako ay nakarinig ako ng yabag
Maya maya'y *Boogh! Boogh! Boogh!* parang masisira na ang pinto sa lakas ng pagkatok sa pinto ng cubicle ko
"May tao" kalmado kong sabi ngunit nagpatuloy pa rin ang malakas na pagkatok
"Ano ba! Sabi ng may tao e! Maraming cubicles dyan!" Here we go again. I always lost my temper.
Nagmadali ako dahil nanggigigil ako sa inis. Ayaw nyang tumigil sa kakakatok? Pwes makikita nya
Pagbukas ko ng pinto ay walang tao. Kahit anino man lang wala akong nakita
Wala sa sarili akong napangiti "Baka guni guni mo lang yun jam" pagkukumbinsi ko sa aking sarili
Humarap ako sa salamin at pinagmasdan ko ang aking sarili
Matapos ang lahat ng nalaman ko ay halo halong emosyon ang naramdaman ko
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na saakin pala ang university na ito at galing pa kay kuya
Wise akong babae. Hindi porke nagkasala sya sakin ay itatapon ko na rin ang regalong ibinigay nya
I flash my sweeties smile and i chin up. Wala na akong paki alam. Nasa kamay ko na ang gusto ko. Sasayangin ko pa ba ?
Napahawak ako sa dibdib ko ng malakas na sumara ang pinto. Sandali akong natulala. Ganito yung nangyari saakin noon.
Mabilis akong kumilos papunta sa pinto ngunit halos lumabas ang puso ko dahil sa lakas ng kalabog nito
Parang familiar saakin ang amoy ng kamay nya na nakatakip sa bibig ko
"Hmmppp!" Pagpupumiglas ko
"Ssshh! Wag kang maingay" pabulong nyang sabi
Kumalma ako. Hindi ako makaramdam ng takot pero nag aalanganin pa rin ako.
Hindi ako nagdalawang isip na sikuhin sya dahilan para mabitawan nya ako
BINABASA MO ANG
Unforeseen
RomanceI've never met anyone else like you. And i don't just say that because it's cliche. I say it because it's the truth. I've never met anyone that can make me laugh as much, I've never met anyone who makes me as happy, I've never met anyone that i can...