Chapter 50

44 11 0
                                    

Chapter 50: Supremo

Jam's Point of view

ilang minuto lang ang itinagal namin sa green house. nasa tapat na kami ngayon ng Gym papunta sa next subject namin

"Bye! see ya later" paalam ni ate gab at dumiretso sya papunta sa building nila. madadaanan muna ang forest school bago ang building namin 

masukal at nakakatakot tignan sa labas ng gubat na ito pero kapag naka pasok ka sa loob, hindi mo talaga aasahan na ganun ang nasa loob ng nakakatakot na gubat.

matataas na talahib ang unang bubungad sayo bago ka pumasok sa loob nun pero pagdating sa loob maraming matataas na puno at mga upuan at ang damong pwedeng paghigaan ang bubungad sayo kaya sobrang nakaka relax lang

alas kwatro na ng hapon kaya isang subject na lang ang papasukan namin 

"Haaay! sarap buhay nanaman to" ngingiti-ngiting sabi ni daddy nayn at inilagay nya pa ang dalawa nyang kamay sa ulo nya na parang bang nagrerelax sya 

"huh?" takang tanong ng kapatid nya

"hakdog HAHAHA" pabalang nyang sagot. kingina kahit sino maiinis sa ginagawa ng lalaking to. kung ako siguro si twinny baka sinakal ko na to 

"Gago tol. ano yang sarap buhay na pinagsasabi mo" si zeyn

"syempre politics and governance nanaman. boring tol grabe kaya matutulog ulit ako HAHAHA" 

boring lang magturo yung lec pero angganda ng topic palibhasa nasa likod kayo at malaya kayong matulog

medyo malayo ang lalakarin bago ang building namin kaya gustong gusto ko ng tumakbo palayo sakanila dahil katabi ko lang naman sya

si sapphire at zeyn ang magkatabi tapos si daddy nayn naman ang nasa unahan 

biglang tumigil si daddy nayn sa paglalakad kaya nagtaka ako "mali-late na tayo" kunot noo kong sabi 

"narinig nyo ba yun?" tanong nya

"alin?" si zeyn

agad kaming nag kumpolan "kuya ano yun?" mahinang tanong ni sapphire 

tahimik lang kami nila lucas at zeyn. kingina anong trip to cedric jimenez -.-

"Sshh. pakinggan nyong mabuti...may narinig akong boses sa loob" turo ni daddy nayn sa loob ng gubat

lahat kami ay tumingin doon at mariin kaming nakinig sa boses na sinasabi nya 

"Walker" nag echo pa ang boses ng isang hindi pamilyar na lalaki saakin

napalunok ako at napa atras. natapakan ko pa ang paa ni lucas "so-sorry" ang lakas ng kalabog ng dibdib ko

mabilis na nanlamig ang mga kamay ko. shit ano nanaman to

"ta-tara na...tara na!" nagpapanic na sabi ni daddy nayn pero pare-pareho kaming hindi agad nakagalaw sa kinatatayuan namin 

"Walker" sabi ulit ng boses sa loob ng gubat

napakuyom ang kamao ko at napabuga ako ng mabigat na hangin 

"twinny" ramdam ko ang pag aalala sa boses ni sapphire

kusang humakbang ang mga paa ko papunta sa loob ng gubat at hindi ko alintana ang pagtawag nila saakin 

hanggang sa naramdaman ko na lang ang mahigpit na kamay sa braso ko "Jam ano ba. alam mo ng dilikado papasok ka pa talaga. can't you see? tayo lang yung students na nasa labas" kalmado ngunit ramdam ko ang galit sa boses nya 

UnforeseenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon