Chapter 33

30 12 0
                                    

Chapter 33: Surprise
Jam's Point of view

Ngayong araw gaganapin ang pinag handaan naming party
Dugo't pawis ang ibinigay namin para dito

Na kahit gabi na ay patuloy pa rin kami sa pag tratrabaho at minsa'y nakakalimutan na namin ang aming mga sarili dahil sa sobrang busy namin

Maaga akong gumising para tumulong sa kusina. Sobrang busy ng lahat at halos may hawak silang mga kape pati sila kuya alec at kuya cross na hindi mahilig mag kape ay may hawak rin

kaya nagtataka ko silang tinignan na lahat "Goodmorning po ma'am" napa iktad ako sa pagbati ni meiraselle dahil hindi ko napansin na katabi ko lang pala sya

Busy sya sa paghihiwa ng mga karne "Goodmorning too" balik kong bati "Liana na lang" dugtong ko pa na ikina tingala nya
Tila naghihintay pa sya ng sasabihin ko kaya ngumiti na lang ako

"Si...sige po" aniya at ngumiti rin sakin

I'm just seventeen and if I'm not mistaken, mas matanda pa ko sa kanya

Naglakad na ako palayo kay mieraselle at dumiretso ako kila kuya alec at kuya cross

"Kuya" pagkuha ko ng pansin nila dahil seryoso silang nanunuod sa dalawang chef

Napangiti ako ng maisip kong over protective or let me say, hands on sila sa mga nangyayari sa kusina

"Goodmorning baby" bati sakin ni kuya alec at hinalikan ako sa noo

"Goodmorning po...si Daryl ?" Agad kong tanong dahil hindi ko pa sya nakikita Simula nung lumabas sya sa bathroom kahapon at iniwan akong tulala

"Nasa labas sya baby kausap yung mga live band na kinuha nya" sabi nya sa akin at mabilis na yumakap

Sobrang swerte ko talaga dahil may mga kuya akong kagaya nila

"I'm sorry... I'm just happy" natatawa nyang paumanhin dahil sa biglaan nyang pagyakap sakin

Marahan akong umiling. "Kuya naman e!" Natatawa kong asik

"Kanina pa kayo dyan ah! Ako ba walang goodmorning, hug and kiss... On forehead din?" Parang batang sabat ni kuya cross na ikina tawa ko

Minsan lang sya nasa ganyang mood at makipag kulitan kaya mas lalo akong natutuwa

"come" malambing kong sabi at nag unat ako ng kamay
Napangisi sya sa ginawa ko kaya bigla akong nakaramdam ng parang kakaiba

"Goodmorning" parang nangaasar nyang bati na ikina nguso ko
"Don't pout Liana" natatawa nyang suway and he kissed me on my forehead

Agad akong bumitaw sa kanya at dumiretso kila manang elvie na busy sa mga kanya kanya nilang trabaho

Agad akong umupo sa isang bakanteng upuan at kumuha ng kutsilyo "Goodmorning po" masaya kong bati sa kanilang lahat

Mukha namang nagulat sila dahil sa sobrang busy nila ay hindi nila napansin ang pag upo ko sa tabi nila

"Goodmorning din po ma'am" halos sabay sabay nilang bati

UnforeseenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon