Chapter 30

36 12 0
                                    

Chapter 30: gift
Alec's Point of view

Simula nung nalaman ng pamilya namin ang sekretong iniingatan namin ay naging mailap na ang mga pinsan namin saamin ni cross

Hanggang ngayon galit pa rin silang lahat saamin ni cross
Maging sila mommy at daddy ay galit din samin

"Cross tama ba tong ginagawa natin?" Problemado kong tanong kay cross na preskong naka sandal

"Alec hindi pa naman lumilipad tong eroplano, pwede ka pang bumaba" pabalang nyang sagot at mariin syang pumikit

Kung Hindi lang talaga naki usap si Daryl para sa preparation para sa 18th birthday ni jam ay hindi talaga ako papayag na pumunta kami sa spain

Alam kong naging padalos dalos ang lahat noon
Sobrang laki ng pagkakamaling nagawa namin sa pamilya namin

Lalong lalo na kay jam. Kaya wala na akong mukhang maihaharap sa kanya ngayon

Hindi pa man bumabalik ang alaala nya sobra na akong natatakot.

Sooner or later walang makapag sasabi na bumalik na pala ang alaala nya at Hindi ko talaga alam kung kaya pa naming lumaban sa panahong yon

Pero para sa pinsan ko, mag titiis muna ako.
Special na araw iyon ng baby namin.

Matapos ang mahaba haba naming byahe ay sa wakas, nasa bansang Spain na rin kami

Agad kaming nag check in sa isang hotel malayo sa madrid na kung saan, naroon ang ipinatayong bahay ni Daryl

"Haaaays! Nakakapagod" pabagsak akong nahiga sa malambot na kama

Isang kwarto lang ang kinuha namin ni cross at may dalawang magkatapat na kama

Bago kami nag check in ay kumain muna kami sa isang fast food chain kaya diretso tulog na kami ngayon

"Excited na kong makita yung baby natin" kwento ko kay cross na tahimik na nakatingala sa kisame

"I'm sure miss na miss na rin ako nun" dugtong ko pa at napa ngiti na lang ako ng maalala ko kung paano yumakap si jam saakin nung nasa pilipinas pa kami

Yung halos ma out of balance pa kami

"Tsk.. Ipagdasal mo na sana mapatawad ka nya kapag bumalik na ang alaala nya" pangbabara nya na ikina inis ko

"Asshole! Ako lang ba ang may kasalanan!?" Pagpapa alala ko sa kanya

Umirap lang sya at tumalikod na sakin

Pag gising ko ay wala na si cross sa higaan nya kaya bumangon na rin ako para makapag ligo dahil ngayon ang alis namin papuntang madrid

"Fvck! Ang baho!" Pang aasar ko sa kambal ko ng pagka labas nya sa banyo "Gago naligo lang ako" masungit nyang asik na ikina tawa ko

Bago kami tuloyang pumunta sa bahay nila daryl ay dumaan muna kami sa costume jewelry shop bijou Brigitte

Bibili kasi si cross ng bracelet para kay jam

ilang oras pa ang hinintay namin bago dumating ang in-order ni cross na bracelet

Dumaan din kami sa malapit na mall para makabili na rin ako ng gift ko para kay jam

"I don't like that" maarteng komento ni cross ng itinaas ko ang cute na baby doll dress.

Halos mangisay ang mga saleslady na nanunuod samin ni cross habang namimili kami ng dress para kay jam

"Fvckin No!" Inis na komento ulit ni cross ng itinaas kong muli ang isang kulay purple maroon slit dress

"Bakit ba kasi dress?!" irita nyang tanong

"Mahilig si jam liana divine sa dresses, remember?" Nakangiti kong sabi pero inirapan nya lang ako

"Fine! Tutulongan kita sa paghahanap ng ELEGANT dress hindi yung pang NAIVE at BOLD STAR" nanggigigil nyang sabi pero mahina lang

Agad ko syang binatukan "kung makapag sabi ka dyan ng bold star parang di ka BOLD STAR ah!" Mariin ko ring sabi

"Here" abot ni cross ng isang kulay brown na trench dress

Isa namang black off shoulder dress ang pinili ko

Nang matapos na kami ay agad na kaming dumiretso sa bahay nila jam at Daryl

Naka ilang doorbell pa kami at sa wakas, bumukas na ang napaka laki nilang gate

At halos mabitawan ko ang mga dala kong paper bag ng makita ko si jam

"Gahd! Imissyou baby" mahigpit ko syang niyakap

"Namiss din po kita kuya Alec" halos mangiyak ngiyak nyang sagot

Agad syang kumalas sakin at pumunta sa kuya cross nya






Cross Point of view

Halos himatayin ako ng lumapit sya sakin
Akala ko magiging matapang ako kapag kaharap ko na sya

Pero hindi pala. Ramdam ko ang paglalamig ng mga kamay ko

"Kuya cross" malambing nyang tawag

Hindi ko sya sinagot bagkus ay mabilis ko syang hinila palapit sakin at sabik na sabik ko syang niyakap

"Te extraño baby" halos pabulong kong sabi

Wala akong paki alam kung sobra mang nanginginig ang buong katawan ko

Pero halos lumuwa ang puso ko sa sinabi nya

"Yo también te extraño kuya cross" malambing nyang sagot

translation: I miss you too kuya cross 

(MariaChinKumi)

UnforeseenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon