Chapter 39

28 12 0
                                    

Chapter 39: Memories
Cross Point of view

Hindi ko alam pero sobrang lakas ng kalabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari.

"Hoy ano yan? Tsk chill ka lang bro. Parang hindi mo naman kilala si Daryl" pang aasar sakin ng kambal ko dahil kanina pa ako hindi mapakali sa kina uupoan ko

"Shut up alec" tipid kong sabi at bumalik nanaman ako sa pag pikit

Ayaw kasing maniwala ni alec. Kesyo daw baka palabas nanaman ni daryl pero hindi naman ganun yung nararamdaman ko

At kilala ko si Daryl. Hindi sya mag aaksaya ng oras para sa mga walang kwentang bagay

Pagka lapag ng private chopper na sinasakyan namin ay agad kaming dumiretso sa hospital na sinabi ni daryl

"Disculpe, ¿ donde está la habitación del caminante?" Magalang kong tanong sa nurse

Translation: "Excuse me, where is the walker's room?"

"Si Liana Walker po ba sir?" Balik na tanong nung nurse

So pilipino pala sya. But nevermind

"Yes miss. Liana walker nga" sabat ni alec

"Third floor, room 325 po sir" magalang nyang sabi kaya tumango na lang ako

Sumakay agad kami sa elevator "alec i felt something" pag uumpisa ko. Hindi talaga ako mapalagay

Marahan nya akong tinapik sa balikat "chill bro. Wag kang over thinking" pag aalo nya sakin

Tumunog ang elevator sign na nasa tamang floor na kami

Yung kahit sobrang lamig ng paligid pinag papawisan talaga ako. Yung panginginig ng kamay ko na never kong naranasan.
Nangangatog na rin ang tuhod ko

Damn it! What the fvck is this!?

Nasa tapat na kami ngayon ng room ni jam "Alec...na-natatakot ako" for the first time in my whole life, ngayon ko lang na experience ang ganito

"What!? Wake up cross come on! So gay bro" pag aalo nya na may kasamang pang aasar

Napabuntong hininga ako. Sana nga mali ang iniisip ko. Sana hindi pa mangyari ang kinakatakotan ko

Pagkapasok namin sa loob ay hindi inaasahang eksena ang bumungad samin

*Pak!* "Kahit ano pa yang paliwanag mo, maling mali kapa rin kuya daryl!" Mas domoble ang takot at kabang nararamdaman ko
Shit! Ito na kaya yun?

"At kayo!" Kinilabutan ako ng bayolente nya kaming idinuro ni alec "anong klase kayong pinsan!? MGA KUYA KO KAYO FOR FVCKIN SAKE!" Pagsigaw at paghagulhol lang ni jam ang tanging maririnig sa buong kwarto

Napa tiim bagang ako. Walang pwedeng sisihin dito kundi kaming tatlo.

Kung sana, sa umpisa pa lang pinigilan ko na si Daryl at hindi ako pumayag sa plano nya, sana hindi ganito ang lahat

"Kuya cross... Nagtiwala ako sayo" punong puno ng hinanakit nyang sabi

"Jam cuss me if you want. Saktan mo ko tulad ng ginawa mo kay Daryl.. Lahat tatanggapin ko" wala sa sariling sambit ko

"I'm really sorry baby. Tulad ng sinabi ng kambal ko, lahat tatanggapin ko rin" ramdam ko ang panginginig sa boses ni alec

Pagak syang napatawa "damn it! Ang gusto ko ay umalis at mabura na kayong tatlo sa buhay ko!" Walang kagatol gatol nyang sabi

UnforeseenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon