Chapter 47: Kusa
Lucas's Point of view
Pag uwi ko sa bahay ay padabog akong bumaba sa kotse ko. iniwan ko ito sa labas ng gate namin hindi na ako nag abalang ipasok ang sasakyan ko at ilagay sa parking area
"Kuya kayo na ho ang bahala dyan" tamad kong salubong kay kuya guard
"Yes po sir"
"heto ho ang susi. paki bigay na lang ho kay manang sa loob"
"Yes sir. copy" ngingiti ngiting sabi ni kuya guard
hindi ko sya pinansin at nagtuloy lang ako sa pagpasok sa loob
"Oh hermano. Dónde has estado?" tanong ni meirasalle na nakatutok sa laptop nya
*Translation: "Oh kuya. saan ka galing?"*
"Malamang sa school" mabilis kong sagot at nahiga ako sa sofa
"Don't me! sa school ng ganitong oras!?" sigaw nya kaya naman mabilis akong bumangon at nagtataka akong tumitig sa kanya at doon ko lang napansin na gabi na pala
wtf!
"kanina kapa namin tinatawagan nila mommy pero out of coverage ka" dagdag nya pa. napahilamos ako sa mukha ko.
tumingala ako at dahan dahan akong nahiga ulit sa sofa. sa sobrang galit ko hindi ko namalayan na ginabi na ko ng uwi. pucha galit ba talaga ako o iba yung nararamdaman ko !?
"Oh iho. halika na't kumain kana.. mukhang pagod na pagod ka" sabi ni manang habang tinatanggal nya ang mga sapatos ko
noon ko pa sinabi kay manang na huwag nyang ugaliing tanggalin ang sapatos ko dahil binata na ako at nakakahiya naman kung gagawin nya pa yun sakin. pero mapilit sya kaya mahal na mahal ko tong si manang
"Salamat manang" nakangiti kong sabi at ngumiti rin sya
"Nako manang. huwag nyo pong spoiledin yang si kuya dahil lalo pang lalaki ang ulo nyan" singit ni meiraselle. hindi namin sya pinansin ni manang at mahina kaming natawa
"Tara na po sa kusina. hayaan na natin yang batang yan. parang si mommy e haha" mahina kong bulong kay manang
"Sige kuya.. magbulong ka dyan. manang alam nyo po bang kararating lang nyan ngayon" pagsusungit na ni meiraselle
tss. mana talaga kay mommy
nagtaka naman ako ng pinanlakihan ako ni manang ng mata "n-nagugutom na ho a-ako" tumayo ako at kaagad akong dumiterso sa kusina
halos hindi ako makakain ng maayos dahil nakataas ang kilay ni manang habang pinapanood nya ako "m-manang ano pong pro..." hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil agad na nagsalita si manang
"iho ubusin mo muna yang kinakain mo" mahinahon nyang sabi
tumango na lang ako bilang sagot. at ng matapos akong kumain ay mas mabilis pa sa alas kwatro na tinanong ako ni manang
"Kamusta kayo? sya ba ang kasama mo kaya ka ginabi ng uwi?" muntik ko ng maibuga ang tubig na iniinom ko
nanlalaki ang mata kong humarap kay manang
"Manang naman. syempre m-mag classmates k-kami e"
"kaya nga iho.. sya ba ang kasama mo kaya ka ginabi ng uwi?" paulit ulit manang? hays
"N-nanggaling po ako sa bahay nila. kasama ko sila nayn"
biglang nagbago ang expression ni manang. parang naka ngiti sya na hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng ngiti nya!
BINABASA MO ANG
Unforeseen
RomansaI've never met anyone else like you. And i don't just say that because it's cliche. I say it because it's the truth. I've never met anyone that can make me laugh as much, I've never met anyone who makes me as happy, I've never met anyone that i can...