Chapter 56: Take a risk
Jam's point of view
para akong naputulan ng dila at binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi nya
naka ilang lunok muna ako bago ako naglakas loob na tignan sya sa mga mata
gusto kong umiyak, gusto kong sabihin sakanya na parang pinipiga ang puso ko na makita syang umiiyak. I badly want to hug him, so tight.
"t-the feeling is mutual, but w-we're bestfriends" nauutal na naiiyak kong sambit
ang kalmado nyang mukha ay naging malambot na tila ba'y nag mamakawa sya
my heart races as he caressed my cheek, alanganin syang ngumiti at diretsong tumitig saking mga mata
"jam, doon nag uumpisa ang lahat. from bestfriends to couple. matagal na tayong magkakilala, mga paslit pa lamang tayo. and i know that, we care for each other more than anyone else.
gusto mo bang, forever bestfriend na lang tayo? ayaw mo ba ng mas higit dun?" mahaba nyang litanya at garalgal na rin ang boses nya dahil sa pagpipigil nya ng kanyang luhamuli akong napapikit kasabay ng pag tulo ng aking luha, marahan akong napa iling at muling sinalubong ang mga titig nya
"na-natatakot ako lucas" umiiyak kong sumbong sakanya at napa tungo na lang ako at dinama ang init ng palad nya sa pisngi ko
he gently pulled my chin so that my face was towards him. i tried not to make eye contact, but he cupped my face "tumingin ka sa mga mata ko" utos nya
ayoko sanang gawin pero mas mabuti na rin yun para maging klaro na ang lahat at matapos na to
"tell me, bakit ka natatakot? are you afraid of commitment?" madamdamin nyang tanong
marahan akong umiling "No. not like that, not like that lucas" ngayo'y humihikbi kong sagot
"then what?" halos pabulong nyang sabi
"kapag ba naging tayo, may kasiguraduhan na bang tayo talaga hanggang huli? kasi lucas, kapag naging akin ka, ayoko ng mawala ka pa. paano kung, paghiwalayin tayo ng tadhana? tapos kapag nangyari yun, hindi na tayo mag uusap. hindi na tayo close tulad ng dati, hindi na tayo magkikita. ang sakit nun, gusto mo ba yun?"
napapikit sya at napalunok
"that won't happen, i won't let it happen jam" paninigurado nya pa pero kaagad ko ng inilayo ang mukha ko sakanya at naglakad palabas
ramdam ko ang pagsunod nya sakin
"so hanggang doon na lang yung, the feeling is mutual na yan?""lucas please, tama na"
"jam nahihirapan ako" natigil ako sa paglalakad at napalunok
muli akong humarap sakanya at hinayaan kong makita nya ang aking mga luhang masaganang lumalandas
"ikaw lang ba? nahihirapan din ako lucas"
"then please, wag na nating pahiran ang mga sarili natin"
"Oo! mahal kita, mahal pa rin kita. pero lucas, bestfriend is better than being a girlfriend. so please, leave"
pagak syang natawa habang lumalandas rin ang mga luha sa kanyang pisngi
"Mahal natin ang isa't isa, pero bakit ganito kasakit? tapos pinapaalis mo pa ko"
"lucas please, i need to rest"
"aalis ako sa office mo o sa buhay mo?"
that fuckin question, parang patalim na tumusok sa dibdib ko.
BINABASA MO ANG
Unforeseen
RomanceI've never met anyone else like you. And i don't just say that because it's cliche. I say it because it's the truth. I've never met anyone that can make me laugh as much, I've never met anyone who makes me as happy, I've never met anyone that i can...