Chapter 40: Bagong buhay
Jam's Point of viewKaagad na sumalubong saamin ang malamig at preskong hangin ng pilipinas
Sobrang nakakapanibago
"Ladies and gentlemen, welcome to Philippines! Local time is eleven in the morning. The temperature is thirty six degree celsius. On behalf of american airlines and the entire crew, I'd like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a good morning!"
Matamis akong napangiti matapos kong marinig iyon "welcome home jam!" Masaya kong bulong sa aking sarili
Unti unting napawi ang aking mga ngiti ng maalala kong hindi ko alam ang pauwi sa bahay namin
Sa tagal ko ba namang nawala.
Hindi ko na napigilang maiyak. Kahit contact man lang ng pamilya ko walang wala ako. Tanging sina kuya alec at kuya cross lang ang pwede kong matawagan pero hinding hindi ko yun gagawin
Magkamatayan na.
"Jam?" Alanganing tawag saakin ni erin. Nakatalikod ako sa kanya kaya mabilis kong pinahid ang luhang nagkalat sa pisngi ko
"Bakit?" Malumanay kong tugon
Agad nya akong sinuri "teka. Ayos ka lang ba? Parang..." Hindi ko na sya pinatapos na magsalita "si mieraselle?" Tanong ko dahil napansin kong hindi nila sya kasama
"Yun na nga e. Kanina pa namin sya hinahanap ni manang" aligaga nyang sabi
Kinabahan ako. Minor de edad pa lang si mieraselle at hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyari sa kanya
Nagpalinga linga ako para hanapin sya
"Mieraselle!" Halos takbuhin ko ang pagitan namin ng mahagilap sya ng mga mata ko sa isang sulok at umiiyak
"Ba..bakit ka umiiyak?" Nagtataka at kinakabahan kong tanong
Kaagad ko syang niyakap "i miss my mommy and daddy" humihikbi nyang sumbong
Hinagod ko sya sa likod para pakalmahin "hush down baby" pagpapakalma ko sa kanya
Ng kumalma na sya ay naupo muna kami sa bench malapit sa main door ng airport
"Tatawagan ko na po si kuya para masundo nya na po ako" anunsyo nya.
Tahimik lang kami at hindi namin sya sinagot
Tulad ni mieraselle ay sabik na sabik na rin ako sa pamilya ko. I badly want to hug them so tight
Makaraan ang ilang minuto ay may pumaradang white hiace van sa harap ng airport
Halos malagutan ako ng hininga ng makita ko ang taong bumaba roon
Hindi ko alam ang pangalan nya at mas lalo hindi ko sya kilala.
Ngayon ko lang din sya nakita pero yung aura nya parang sumisigaw na kilala ko syaDiretso lang akong nakatitig sa kanya. Bawat galaw at pag lakad nya ay sinusundan ng malikot kong mata
"Good morning po sir" bati sa kanya nung mga nakakasalubong nya
BINABASA MO ANG
Unforeseen
RomanceI've never met anyone else like you. And i don't just say that because it's cliche. I say it because it's the truth. I've never met anyone that can make me laugh as much, I've never met anyone who makes me as happy, I've never met anyone that i can...