Chapter 57

52 6 2
                                    

Chapter 57: One night in one room

Jam's point of view

"makayakap ka, wagas a" biglang asik ni lucas at mapang asar pa syang tumawa

nakasimangot akong humiwalay sakanya "bakit, ayaw mo ba nun?"

"don't pout at me like that nga, baka ikiss ko yan" mapanglaro ang kanyang mga ngiti at ang mga mata nya ay diretsong nakatingin sa naka nguso kong labi

kaya naman agad ko itong itinikom na ikinatawa naming dalawa

"naka ilang nakaw na halik kana sakin e" reklamo ko pa habang bahagya akong nakatingala sakanya

ang tangkad kasi nya, damn.

"bakit, if I'm not mistaken gusto mo rin naman a" pang aasar nya at tumawa pa sya ng sobrang lakas, walanghiyang ascrate to!

ramdam ko na ngayon ang pag iinit ng magkabilang pisngi ko at paniguradong namumula na ko, potek talaga!

"wait, you're blushing" naaamaze nya pang sabi. kaya napayuko na lang ako sa sobrang hiya

ini-angat nya ang mukha ko "kinikilig ang soon to be girlfriend ko" mayabang nyang sabi

"girlfriend? at sinong may sabi?" mas malakas akong mang asar kesa sakanya, kaya matira matibay.

"bakit? doon din naman ang punta nun. and after that, magiging misis na kita" pataas taas pa sya ng kilay na para bang siguradong sigurado na sya

"we? payag ba ko?"

"why not misis ko!?"

"wow a! tigilan mo nga ko lucas"

"as you wish, Mrs. ascrate" sabay makalaglag panty na kindat

gusto kong tumili at magtatalon sa sobrang kilig pero mas pinili kong irapan sya at mabilis akong tumalikod sabay labas ng nararamdaman kong kilig ngayon

"hoy jam, san ka pupunta?"

"iihi"

"hindi dyan ang banyo, doon oh" inginuso nya pa at nakakaloko syang ngumiti

waley, pahiya ako damn.

nandito ako sa banyo pero useless, di naman ako makakatili kasi paniguradong aasarin ako ng lalaking yun. hindi rin naman talaga ako iihi, kaya kagat labi akong lumabas

at nahinto ako ng makita ko syang nakasandal sa ref. bwisit na lucas to! talagang hinintay pa ko para lang mang asar

"umihi ka?" taas kilay nyang tanong

napakurap ako at namamangha ko syang tinignan "nag iimbestiga ka ba?"

umayos sya ng tayo at inilagay nya ang hintuturo nya sa labi nya at umaktong nag iisip "hm, hindi naman. pero kasi, hindi ko narinig na nag flash ka ng ihi mo" at ngumiti sya na ikina irap ko ng todo

"you know, i really need to go" kunwaring inis kong sabi at nag martsa paalis sa harap nya

"e di sabay na tayo" pang aasar nya pa

"no, ayoko" matigas kong sabi at bigla nya na lang akong hinigit sa braso at iniharap sakanya

"malapit ng mag takip silim, kelangan ko ng umuwi" kalmado kong sabi habang todo tago ako sa nararamdaman kong kilig ngayon

at isa pa, gusto ko ng tumawa dahil panalo lang naman ako sa asaran namin dahil naka kunot na ang noo nya ngayon

"sa tingin mo ba jam, papayagan kitang umalis ng mag-isa mo?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UnforeseenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon