Billie
"Ay ma'am, sorry po pero may pumick-up na po nung dry cleaning nyo kaninang umaga."
Tinitigan ko lang yung babae na nakatayo sa may kabila nung counter, napanganga ako ng kaunti as I tried to remember kung nautusan ko ba si Thirdy na sya na lang yung kumuha ng dry cleaning ko for me.
Meron kasi kaming importanteng dinner meeting mamaya ni Jessey with one of the top designers in the country who is interested in selling some of her work in mine and Jessey's store.
Bumili ako ng dress a couple of weeks ago para lang sa dinner meeting na to.
"Mary, right?" I smiled politely, tiningnan ko yung name tag na suot nya. Tumango sya kaya nagsalita ulit ako. "Listen, kailangan ko yung dress na pina-dry clean ko sa inyo tonight. I have an important meeting. Naalala mo ba kung sino yung nag-pick up?" Tinanong ko ng sobrang hinahon.
Umiling sya and I swear makakasakit ako ng tao ngayon. "Nako ma'am, kaka-start lang po ng shift ko kaninang 9:30 and naka-record po dito na 9 o'clock pa po na-pick up yung damit nyo."
"9?!" I repeated, confused. Nasa trabaho na si Thirdy by 9 and wala naman ibang naiwan sa Cainta kung di si... "Putangi–" Muntikan na ko makapagmura sa harap nung babae. Inalis ko na lang yung tingin ko sa kanya as I try to think of Mika and Manong's winning and grinning face. Putangina talaga. Nakakainis.
I just took a deep, steadying breath before I turned my attention back to this Mary girl. Kita ko na kinakabahan sya.
"N-nandito po si Elmira, yung isa kong kasama, simula opening. Baka sya po yung nag-abot." Bigla nyang naalala kaya parang medyo nabuhayan sya. Pumunta sa may back room. "Elmira?" Narinig ko na tinawag nya yung kasamahan nya.
Mary walked out a few minutes later, then may parang mas maedad sa kanya na babae yung sumunod sa kanya. "Sya yung costumer natin, si... Ms. Billie Capistrano." She explained as she looked at the receipt kung saan nakalagay yung pangalan ko. "Naalala mo ba kung sino yung pumick-up nung dress na pina-dry clean nya?"
"Ay oo, si ma'am." Sabi nung babae.
"Sinabi ba nung kumuha yung pangalan nila?" Halata na siguro yung inis sa boses ko.
"Nako... hindi eh. Pero naalala ko malakas dating nung lalaki. Maganda din yung babae. Ang tangkad nila pareho." Natatawa pang sinabi ni Elmira.
"Binola-bola ka siguro nung lalaki kaya sinunod mo agad kung ano mang sinabi nya, right?" I asked her.
Nabigla sya sa sinabi ko at nakita ko na nainis sya. "Pakiulit nung sinabi mo?"
"Wala naman palang kwenta yung services nyo dito eh. Bakit mo naman inabot yung pina-dry clean ko sa ibang tao?" Ginigigil ako nitong babae ha.
"Eh kasi ma'am, sinabi nila sakin na ido-donate nyo daw yung dress na yon sa local charity." She paused and tiningnan ako from head to toe. "Akala ko pa naman mabait." Pabulong nyang sinabi although she made sure na maririnig ko.
I just shook my head and chuckled darkly before looking at Elmira again. "Alam mo, kung hindi lang ako mas inis sa ibang tao ngayon, I'd be across that counter right now."
Pinagtaasan nya lang ako ng kilay. Akala mo naman maganda yung pagkaka-kilay nya. Muka namang box.
I just left after that and I walked out sa may sidewalk and crossed my arms over my chest at nagpalakad-lakad kasi hindi talaga ko mapakali.
YOU ARE READING
Risk
FanfictionHow long can they play this game of pretension? A Miefer fanfiction ✨