*Justin's Point of View*
Ano ba yan wala si nerd, wala tuloy ako maasar bat kasi siya umabsent :<
Grrrrr, kagigil. Pagtalaga pumasok siya, malalagot siya. Hayst, humanda siya sa akin bukas.
"Mr. Fontenilla, are you listening?"
Pasalamat siya maganda yung lips niya
"Mr. Fontenilla?"
Parang ang sarap hali--wait ano ba tong sinasabi ko? Ay basta humanda siya sakin bukas.
"MR. FONTENILLA, GO TO THE DETENTION ROOM NOW!!" galit na sigaw ni Mrs.Quintos kaya napalunok na lang ako, kinuha ang bag, dahan dahan tumayo at patakbong umalis sa room.
Tsk, ano ba yan lagot talaga sakin si Nerd bukas, grrrrr.
------
*Kaden's Point of View*
CAFETERIA
Para talagang tanga si Justin kanina kinakalabit na nga ni Clea kanina pero hindi parin niya napapansin yun tuloy nadetention siya.
But btw, nakauwi na pala si ate kanina kasama si Selene. I can't wait kasi finally magkikita ulit kami miss na miss ko na si--wait ano daw? Ay basta gusto ko na makita yung kababata kung yun para pisilin yung pisngi not on the butt but the face hah mamaya kung ano yung isipin niyo diyan eh.
At para malinawan kayo ate ko si Athena Jade Harper obvious naman sa apilido eh noh? *irap* Childhood friend ko naman si Selene na kapitbahay namin dati.
"Hoy Kaden, nandiyan ka pa ba?" tanong sa akin ni Anne habang winawagayway yung kamay niya sa harap ng aking napakagandang mata.
"Of course, sa gwapo kong 'to siyempre nandito." sabi ko na may paturo turo pa sa sarili ko, because if anyone would see me they will be looking at me with their eyes full of love ;-)
"Tsk, *rolleyes* tinatanong ko lang kung ano yung first impression mo kay Veronica." sabi ni Anne
"Veronica? Yung kasama ko last night? Yung hot babe sa boracay? O yung sexy mama sa mall nung isang araw?" sinamaan ako ng tingin ni Ethan at nagblankface lang si Anne.
"Tumigil ka nga diyan Kaden."
Kaya ngumiti na lang ako ng nakakaloko sa kanila, it's not my fault naman if I don't know her its just that I know so many humans, hehe.
"Hayst, edi waw Kaden. Yung tinutukoy ko is si Veronica yung nerd na classmate natin. " sabi ni Anne at bumuntong hininga ngumisi na lang ako at sinagot siya.
"Ah, si Nerd. First impression? Uhmm, well nung makita ko siya parang maraming siyang sikreto tapos mukhang matalino ganun kasi diba kapag may salamin, matalino kaagad."
"Ahh." sabi ni Anne at Ethan.
"Bakit? Bat niyo natanong?"
Nagkatinginan naman silang dalawa. Wait, I think there's something fishy here.
"Wala lang." sagot ni Anne
"Wehh?"
"Wala nga." sabi naman ni Ethan
"Sige, kunwari naniwala ako" napairap na lang si Anne at napabuntong hininga naman si Ethan.
"Btw, Yung Kathana daw kanina pumunta dito." sabi ni Anne habang kinakain yung fries niya.
"Weh? Bakit naman daw" tanong naman ni Ethan.
"Oo nga, tsaka bakit di ko din alam?"
Tanong ko naman because duh I'm the brother here, bakit di ko alam?
"Aba malay ko, narinig ko lang naman yun don sa madaldal na class president natin eh." sagot naman ni Anne
"Kay Rein Corpuz? Tsk, dapat di na ako nagtanong obvious naman eh." nakangising sabi ni Ethan habang iling iling.
"Tsk, Hay naku susumbong ko nga si ate kayla Mommy di man lang niya ako pinuntahan ah." nakanguso kong sabi sa kanila kasi bakit kasi I'm really excited to see them pa naman. (;一ω一||)
"Wow, Mommy's boy siya oh" inirapan ko lang siya at tinuloy na lang ang pagkain ko.
"Kay lalaking tao pero irap nang irap magsama sila ni Justin mukhang bakla." rinig kong bulong ni Anne.
"May sinasabi ka?" taas kilay kong tanong sa kaniya.
"Wala po, hehe" sabay peace sign.
Tsk, inirapan ko nalang at kumain ng chicken habang nakatingin sa legs na nasa kabilang table.
*o* Ang kinis ^_^ ♥♥
---
AUTHOR'S NOTE:
Nangyari po ito nung nag cut ng class si Veronica at sumama kayla Aphrodite
BINABASA MO ANG
The Nerd Is The Billionaire's Daughter
Teen Fiction"Nung nakilala ko siya nagsimulang magbago ang mundo ko." -Veronica Jane Cortez --- Date Started : 02/25/17 Date Ended : 11/05/17 @Nixxuu