CHAPTER 13

5.4K 92 2
                                    

*Anne's Point of View*

"Talaga Young Master kailangan namin sundan sila ?"tanong ni Ethan

Tumango lang si Young Master at binalik ang tingin kayla Justin at Veronica na naglalakad paalis ng hospital

"Sundan niyo sila poprotektahan niyo si Veronica kahit anong mangyari Naiintindihan niyo?"

Tumango na lang kami tapos sinenyasan niya kami na sundan na namin

Agad naman kaming tumakbo ni Ethan sa parking lot at sumakay sa sasakyan niya at nagsimula nang sundan ang pulang kotse ni Justin

           

"Bat sila pupunta sa amusement park? Diba palaging pinapaalala ni Young Master kay Veronica na bawal pumunta sa amusement park? Mamaya baka m*****a niya!" Nagpapanic kong sigaw halos hindi na nga makaupo ng maayos si Ethan dahil sa pagwawala ko

"Umayos ka nga Anne!Kaya nga nandito tayo diba?"sabi ni Ethan na nagpakalma sakin

Tumahimik kami at ilang minuto na ang nakalipas pagkatapos ipark ni Ethan ang sasakyan niya

Bumaba na sila Veronica sa sasakyan kaya bumaba na din kami sinundan namin sila hanggang makapasok na sila sa loob ng amusement park

Nakita ko kung paano kumislap ang mga mata ni Veronica and suddenly nagkahalo halo ang emosyon ko pero ang nangunguna doon ang pagkaawa kasi palagi na lang nakakulong si Veronica sa mansion niya palagi siyang pinagbabawalan pero wala naman kaming masisi eh kasi ginagawa lang naman yun ng kuya niya para sa kaniya para hindi siya masaktan

Kaya ngayon nandito siya sigurado akong sasaya siya at hindi kami ganon kasama ni Ethan para burahin ang ngiti niya sa kaniyang magagandang labi

Kaya imbis na kunin namin siya ni Ethan pinabayaan na lang namin siya sa kamay ni Justin dahil alam namin na doon siya sasaya

Dumiretso silang dalawa doon sa mga laro ng mga bata siguro suggestion yon ni Justin childish yun eh pero siyempre dahil inosente si Veronica dito umoo na lang siya

"Picture muna tayo Ethan"sabi ko sa kaniya

"Tsk, sige dalian natin ah"

May dumaan naman na isang girl na kasing age lang namin kaya alam ko na magaling siyang kumuha ng picture kaya nilapitan ko siya

"Ate pwede niyo po ba kami picturan?" Sabi ko don sa girl tumango naman si girl kaya inabot ko sa kaniya yung cellphone ko

Lumayo naman kami ng onti pumunta doon sa upuan at kinuha yung kanina pa naming iniinom ni Ethan na pampakalma at nagpose na sinenyasan ko na si girl na picturan niya kami nung napagod na ako kinuha ko na kay girl yung phone at tinignan yung picture ang ganda *o*

Pagkatapos kong tignan yung phone ko hinanap namin sila Justin at nagsimula na sundan sila

Ilang oras na lumipas kaya pagod na kami ni Ethan dahil lahat ng ginawa nila ginawa din namin gabi na nga eh pagod na siguro si Veronica

Pumunta muna sila sa kainan ng fast food dito tapos umorder ng fries at spaghetti pati 2 bote ng coke kaya yun din yung inorder namin

Kumain kami at narinig namin yung dalawa na naguusap

"Blake saan tayo susunod na pupunta?" Tanong ni Veronica kay Justin

"Saan mo ba gusto?" Tanong ni Justin habang ngumunguya pa ng fries

"I want to watch fireworks" sabi ni Veronica nakita ko na naman yung kislap ng mata niya

"Your wish is my command"kaya tumayo na sila at pumunta naman sa kung saan mapapanood yung firework kaya sumunod na din kami

Nakita ko naman na masayang masaya silang dalawa habang pinapanood yung fireworks kaya tinignan ko si Ethan at nakatingin siya kayla Veronica na masayang masaya nakikita ko sa mga mata niya na nagseselos siya parang ako nagseselos din

Ako nga yung kasama niya per--

"Oh sh*t!!" Nagulat ako ng magmura si Ethan kaya napatingin ako kayla Veronica na nakahawak na sa ulo niya

Kaya tumakbo na kami ni Ethan papunta sa kaniya hinanda naman ni Ethan yung ipapangturok sa kaniya

"Anong ginagawa niyo dito?!" Pero hindi namin pinansin ni Ethan si Justin agad na tinurokan ni Ethan si Veronica at kinuha kay Justin

"Justin,Act like na wala kang nakita,walang nangyari okay?"sabi ko sa kaniya habang hinahawakan siya at agad na tumakbo para maabutan si Ethan na kasalukuyan ngayon na sa kotse niya habang nilalagay si Veronica sa backseat

Hindi niya pwedeng maalala hindi pwede



The Nerd Is The Billionaire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon