*Veronica's Point of View*
"Veron, dapat sa susunod papasok ka ng may kasama ah hindi pwedeng wala" sabi sakin ni Kaden ng may halong pagaalala
"Tama, It's either si Anne o si Aph" seryoso namang sabi ni Ethan
"Oo, wag ka na talagang papasok Jane ng walang kasama ah?" Sabi naman ni Clea kaya napatango nalang ako
"Veron, makinig ka samin mamaya mas lalong masira ang mukha mo na parang dyosa sayang naman" sabi ni Kaden kaya napairap na lang ako sa kaniya ayoko magsalita tinatamad ako eh
Btw, alam na po ni Kaden na hindi ako Veronica Coreen Smith dahil ako ay si Veronica Jane Cortez kaya kahit wala akong disguise okay lang pero nakakainis si Mr.Jerk sabi naman nila na nandito si siya pero agad na umalis nung pinapasok na ni kuya sila sa room na to arggghhh basta nakakainis siya*pout*
"Hoy, nakikinig ka ba?" Sabi naman ni Athena habang winawagayway niya yung kamay niya sa harap ng my so beautiful eyes nagulat pa nga ako eh
"Uhmm, opo" sabi ko naman sa kaniya sabay peace sign kaya napabuntong hininga na lang siya at napabuntong hininga
"Antagal naman nila Thalia gutom na ako" pagmamaktol ko naman kahapon pa kasi akong walang kain eh kaya ayun inutusan ko sila Thalia at Kate na bumili ng pizza
"Magintay ka muna baby Veron malapit na daw sila" sabi naman ni Kaden habang sinisilip yung phone niya kaya tinitigan ko siya ng taimtim
"Kaden, gusto ko lang tanungin.. may gusto ka ba kay Selene?" Napansin ko namang napalunok siya at iniwas ang tingin niya sa akin
"Hmm, siguro?" Sabi naman ni Kaden habang nakanguso at kunwari nagiisip ng malalim
"Yieee bagay kayo" sabi ko naman sa kaniya btw hindi nagsasalita sila Ethan at Clea dahil parehas silang busy si Clea ay nagbabasa at si Ethan naman ay busy sa cellphone niya
"oo nga little bro boto ako kay Selene I want her to be my sister-in-law" sabi naman ni Athena at nakatingin kay Kaden ng mapanlokong tingin kaya napangisi na lang ako
Narinig namin yung katok sa pintuan kaya pinabukas namin ni Athena kay Kaden yung pinto wala eh utusan namin siya ngayon *evil laugh*
Nung binuksan ni Kaden yung pinto bumungad samin sila Kate at Thalia na may daladalang 3 box ng pizza yehey!! Pumasok na sila at nilagay sa may kama ko yung mga box ng pizza kaya napaupo ako
"Finally! Kainan na!" Sabi ko naman habang binubuksan yung box kaya napailingiling na lang sila sa akin
45 minutes later...
"Umalis na kayo gabi na" malamig na sabi ni Kyle sa kanila
Nagpaalam na silang lahat saaming dalawa at umalis na pero bago lumabas si Kate pumunta muna siya kay Kyle at niyakap siya narinig ko naman na nagbulungan silang dalawa at dumiretso alis na si Kate na pulang pula kaya napangisi na kang ako pero agad nabura yung nung tinitigan ako ni kuya ng matalim
"Sa tingin mo nagustohan ko yung ginawa ng 3 yun hah? Ayaw mo silang paalisin sa school mo pero tignan mo yung ginawa nila sayo?! Sobra na sila sobrang sobra na" kaya napatungo na lang ako at unti unting lumabas ang mga luha mula sa mata ko
"Sorry na Kyle, wag ka ng magalit" sabi ko habang nakatungo parin pero naramdaman ko na niyakap niya ako kaya mas lalo akong napahagulgol
"Hindi ako galit*sigh*basta sa susunod na papasok ka hindi ka na magdidisguise"
BINABASA MO ANG
The Nerd Is The Billionaire's Daughter
Teen Fiction"Nung nakilala ko siya nagsimulang magbago ang mundo ko." -Veronica Jane Cortez --- Date Started : 02/25/17 Date Ended : 11/05/17 @Nixxuu