CHAPTER 21

4.3K 80 0
                                    

*Veronica's Point of View*

Papasok na ako ngayon sa building ng 4rth year medyo nalate nga ako eh hays kaya yan makakarating din ako doon fighting siguro nandoon na sila Mr.Jerk except lang kayla Thalia at Kate lagi naman late yun eh

As usual kinuha ko na ang payong ko at hinanda ito para pamprotekta sa akin sa mga pagsubok na aking haharapin

Tapos ko ng lagpasan ang pagsubok sa may hagdan kaya nilagay ko na ang payong sa loob ng bag ko at saktong nakaakyat na ako sa floor namin

Pagkatapak na pagkatapak ko naman sa floor namin ay nagulat na lang ako noong may naramdaman akong nahulog na harina sa buong katawan ko natakpan ng harina ang salamin ko kaya halos wala na akong makita  hindi ako nakagalaw dahil I'm still shock sa mga pangyayari

Kaya nagulat na lang ako ng may tumulak sa akin at nagulat na lang ako dahil yung binagsakan ko ay ang sakit sa mukha at napansin ko na sobrang lagkit noon dahil nabagsakan ko sila kaya nalaman ko na mga egg pala toh

Akala ko tapos na pero hindi pa pala dahil may naramdaman akong tumulo sa katawan ko kaya napunta yun sa mukha ko na kasalukuyan ngayong nakadapa sa mga itlog Ang sakit...Nalasahan ko yung tumulo sakin  isa pala tong chocolate syrup.May narinig akong pumalakpak hindi ko maigalaw ang mukha ko kaya hindi ko malaman kung sino ang mga yun

"Wow, ang galing may instant na tayong cake*clap clap* HAHAHA!" alam ko ang mga boses nilang yun sila na naman?

"Oh ano kaya mo pa ba Nerd?" Narinig kong tanong ni Shane at sigurado akong nakangisi siya ngayon

"Malamang hindi niya na kaya Nerd yan eh LOSER!" Narinig ko namang sabi ni Rizza at nagtawanan naman sila

Naramdaman ko namang may humawak sa buhok ko ng pataas kaya napasama ang ulo ko at nakaaninag ako ng onti dahil yung salamin ko ay nacocoveran ng harina pero nabasa dahil sa basa ng yolk ng itlog kaya onting nabura yung harina Napansin ko na si Karylle yung humawak sa buhok ko

"Akala mo hindi kami gaganti?! Dahil sayo nagkamalas malas ang kompanya namin! Malas!" Sigaw na sabi ni Karylle habang tumatalsik pa ang laway at binitawan agad ang buhok kaya naging dahilan upang bumagsak ang ulo ko sa basag na itlog


Kuya Kyle, Thalia, Kate, Athena, Clea, Ethan, Kaden, Mr.Jerk help me.....


And everything went black..

*Anne's Point of View*

Nandito kami ngayon sa private hospital ng magkapatid na si Veronica at ni Young Master ewan ko nga kung bakit eh bigla na lang kasing tinawagan ni Aph si Ethan pagkatapos ng klase namin na pumunta daw dito kami nila Kaden, Justin, at Ethan kaya pumunta kami dito

Nagtataka nga kami kasi absent sila Veronica, Aph at Selene eh basta kanina habang nasa room kami at nakatingin ako sa bintana nakita ko na naman na may binubully sila  Karylle hays kawawa naman yung nabully nila kung sino man yun di ko na tinulungan kasi let her/him stand by herself/himself

Napansin ko naman agad na parang umiiyak sila Selene at si Aph noong pagkalapag lang na pagkalapag nang elevator na sinsakyan namin kasama pa nga nila si Jade eh atsaka nasa harapan sila ng isang kwarto btw isa lang yung pinto sa buong floor na toh maliban sa elevator at daan para sa emergency stairs

Tumakbo naman agad si Kaden papunta kay Selene at agad niyakap siya ako naman ay pumunta agad kay Aph at tinanong ko kung anong nangyari habang si Ethan naman na bilang gentleman ay pinaupo si ate Jade sa upuan doon at tinanong rin kung anong nangyari habang si Justin naman ay nakasandal lang sa wall hindi man niya pinapakita pero halatang kinakabahan siya napansin ko din na kanina pa siyang tahimik mula kanina pang umaga

Tinanong ko ng tinanong si Aph pero hindi talaga siya sumasagot at niyakap na lang ako kaya niyakap ko din siya pabalik pati din si Ate Jade ay hindi rin sumasagot kay Ethan

Narinig ko--namin ang pagbukas ng pinto ng kwarto kaya napatingin kaming lahat doon

Anong ginagawa ni Young Master dito? Inayos ko muna ang pwesto ni Aph at agad tumayo napansin ko naman na agad na si Ethan ay tumayo din sabay kaming nagbow

"Kayong lahat bat niyo siya pinabayaan? Akala ko kaibigan niya kayo? Anne Ethan bat niyo siya pinabayaan?" Tanong ni Young Master gamit ang kaniyang malamig na boses kaya napatungo at napaluha na lang ako kahit hindi niya sabihin alam kong napahamak siya...

"Ano ba yang mga sinasabi mo?! Sinong pinabayaan ?! Sino ka ba?!" Sabi ni Justin habang nagwawala nakita ko naman na pinipigilan siya ni Ethan makalapit kay Young Master

"Me? Im Kyle Michael De La Vega the brother of my little princess Veronica Jane Cortez na naaksidente at kahit kaibigan niya kayo wala kayong nagawa para maprotektahan siya"

The Nerd Is The Billionaire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon