CHAPTER 15

5K 73 1
                                    

*Veronica's Point of View*

"Manong Anjo, hanggang dito na lang po" I said to Manong Anjo and get out in the car

Papasok na ko sa building ng 4rth year kaya hinanda ko na ang payong ko papunta dun

Saktong pagbukas ko ng payong ay may nalaglag na paint kaya nakaligtas nanaman ako narinig ko naman sa gilid ang mga nagtatawanan na basketball players sa bandang kanan kaya tinaas ko naman ang payong ko papunta sa kanan kapantay ng ulo ko

Saktong pagkalagay ko ay may naramdaman akong pagsalpok ng bola sa payong ko nandito na ako sa may bandang hagdan kaya sinara ko na ang payong ko at naglakad pa gilid

Saktong naglakad ako sa gilid ay may paparating na nakatali na sobrang kapal na libro sa bandang gitna siguro kung hindi ako lumipat siguradong nasira na ang mukha ko

Ang galing ko noh? Nagawa ko silang lampasan lahat nasanay na kasi ako halos 4 na taon na kaming nagkakasama ng batchmates ko kaya alam ko na yung mga balak nila sakin

Tsk, nakakainis na nga eh pero tinatamad akong alisin yung mga yun eh kaya next time na lang at saka para may thrill

Nandito na ako labas ng room at nakalagpas na sa lahat ng pagsubok kaya I'm so proud of myself binuksan ko yung pinto kaya lang...

"Finally, nandito ka na Nerd kanina pa kita hinihintay" sabi ni Mr. Jerk at cinorner ako sa may pinto kaya napalaki yung mata ko dahil sa ginawa niya

"Anong nangyari sayo nung nandoon tayo sa may amusement park? " seryosong tanong niya sakin kaya napatawa na lang ako

"Amusement park? Pumunta ba tayo dun?" Sabi ko sa kaniya with my cold voice kaya napataas naman yung kilay niya

"Nakikipaglokohan ka ba sakin Nerd?" Tinitignan talaga niya ako ng seryoso

"Ikaw nakikipaglokohan ka din ba sakin Mr.Jerk? Tigilan mo nga ako!"saka inalis yung kamay niya at dumiretso sa upuan ko ng padabog napansin ko naman yung mga kaklase ko na napatahimik at napatingin samin

"Oh, anong pinagtitinginan niyo diyan?!Mind your own business!" Narinig kong sigaw ni Mr.Jerk kaya sa tingin ko bumalik sila sa kanila kanilang ginagawa narinig ko namang nakaupo na si Mr.Jerk sa tabi ko habang ako naman ay nakatingin sa bintana

Ilang minuto na ang nakalipas kaya nagsidatingan na ang mga iba kong kaklase kabilang sila Clea at Ethan pati narin si Kaden

Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya lumingon na ako napangiti naman ako sa nakita ko narinig ko namang napasinghap ang mga kaklase ko

Unti unti silang naglakad papunta dito habang si Thalia naman ay iniirapan si Kaden

"Kuya guy ate girl dito na lang po kami"sabi ni Kate at ni Thalia kay Mr. Jerk at kay Clea willing naman ibinigay ni Clea kay Thalia yung upuan at lumipat doon sa upuan na malapit kay Kaden pero si Mr.Jerk ay inirapan lang si Kate

"Ayoko nga tumabi ka na lang kay Anne" sabi ni Mr.Jerk nakita ko naman yung pagkairita sa mukha ni Kate

"Lumipat ka nalang kuya!"

"Ayoko nga eh!"

"Lumipat ka nga!"

"Ayoko nga"

"Lumipat ka nal--"

"Anong kaguluhan toh?!" Tsk umepal naman tong si Ms.Sundit kaya yun tuloy napatahimik nalang silang dalawa

"Tumayo nga kayong lahat sa line na yan at pumunta sa harapan!" Napairap na lang ako 

Lahat kami tumayo at pumunta sa harapan kasama bag kahit yung si Rein,Niña at si Sharyn na nasa dulo

Lumapit muna siya kay Niña,Rein at Sharyn pinaupo ito sa dati nilang pwesto inayos naman niya sila Ethan at Clea sunod naman ay si Kaden at Thalia at sunod naman kami ni Mr. Jerk at yung dati kong pwesto ay na kay Kate

So bali ganto yung pwesto namin:

Kate-Me-Mr.Jerk-Thalia-Kaden-Clea-Ethan-Sharyn-Rein-Niña

Umayos na nang tayo si Ms.Sundit at nagsimula nang magturo

"So our lesson for todag is----blahblahblah"

Hay, katamad *pout*









The Nerd Is The Billionaire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon