CHAPTER 9

6K 111 0
                                    

*Anne's Point Of View*

Unti unting bumukas ang mata ni Veronica kaya dali dali kaming lumapit ni Young Master sa kanya at tumakbo naman palabas si Ethan para tawagin si Dr.Dizon.

"Little princess, Are you okay now? Wala bang masakit sayo ? Naalala mo ba ako? Kami?" Tanong ni Young Master kay Veronica.

Ngunit nanatili lang na tahimik si Veronica at pinagmasdan lang kami kaya nagsimula na kami magpanic at magalala pero hinawakan ni Veronica si Young Master sa braso.

"Okay lang ako Kyle, Nakakaalala parin pero galit ka ba?" Tanong niya kay Young Master.

"Jane, Hindi ako galit sayo, hindi mangyayari yun pero paano kung wala kang maalala? Paano kung makalimutan mo na kami? Nagalala ako sayo nang sobra." sabi ni Young Master habang niyayakap si Young Mistress.

"Don't worry about me Kyle , Just always remember na mahal na mahal kita at hinding hindi kita iiwan. You're my brother and you are important to me." sabi ni Veronica.

"Mahal din kita my little princess and I will do anything for you and our family." sabi naman ni Young Master.

Lumabas na ako sa room ni Veronica at dumiretso sa rooftop ng hospital para bigyan ng privacy sila Young Master.

Ang swerte ni Veronica mayroon siyang kapatid na mahal na mahal siya, mga kaibigan na hinding hindi siya iiwan at ang dami nang taong pinapahalagahan siya.

Siguro kung hindi nangyari yung aksidente 6 years ago sigurado akong mas masaya si Veronica kung hindi lang talaga nangyari yun eh.

Kung hindi lang talaga nab---

"Anne, Bat ka nandito?" Tanong ni Ethan na sobrang manhid, tsk.

"Tss, paki mo ba?"

"Kaibigan kita kaya siyempre may pakialam ako."

Ouch, did I just got friend zoned?

"Oh, bat natahimik ka naman diyan?" Tanong ni Ethan.

Siyempre sinong hindi tatahimik, I didn't even confess my feelings and I'm still being slapped by the painful truth that we will never be together because we're just friends. And I'm stupid to think na we could be more than that, hayst.

"Tse , umalis ka nga lang." sabi ko habang nakatingin sa magagandang ulap.

"Ayoko, gusto kita makasama eh." he said behind me, tinignan ko siya ng malalim sa mata and my heart flutter like boom boom kung yun yung sinabi niya kaso hindi eh. He will never say that to me and it's my bad kasi umasa na naman ako.


"Alright, ikaw bahala. Punta lang ako kay Young Mistress ha." He said that to me while smiling and I can't do anything but stand there and watch him leave.


Sa tinagal na magkasama kami, wala ba siyang naramdaman kahit isang katiting man lang?

Alam ko naman na matagal na siyang may gusto kay Veronica kaya kapag iniisip ko, sumasakit ang pakiramdam ko.

Alam ko naman na ang ganda ganda talaga ni Veronica kapag hindi nakadisguise eh pero maganda din naman ako kaya bakit hindi siya sa akin nagkakagusto? Bakit?

Bakit ko ba siya nagustuhan? I don't know but my heart belongs to him and I'm too stupid to not stop falling inlove with him.

Tinitignan ko yung mga bulaklak na nakatanim dito sa mga pots and kahit papaano, it makes me feel better kaya pumitas ako para kay Veronica kahit may konti akong inggit sa kaniya, she's still my friend.

Pagkatapos kung pumitas dahan dahan akong naglakad kasi ang dami kong bitbit na mga pinitas na bulaklak papunta sa room ni Veronica

Pero nagulat ako kasi bakit? Bakit siya nandito? Bakit siya papunta sa room ni Veronica na may hawak nang isang bouquet? Bakit siya nandito habang may hawak na isang basket ng prutas? Bakit?

Why are you here Justin Blake Fontenilla?

----

The Nerd Is The Billionaire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon