CHAPTER 20

4K 82 0
                                    

*Justin's Point of View*

Kaya pala..

FLASHBACK

Pumunta ako sa may fountain dito sa garden para magkaroon kami ng privacy ni Detective Gazon

Dialing Mr.Detective Gazon~

"Detective, ano na yung sasabihin mo?May nalaman ka na ba? Kay Veronica Coreen Smith?"

"Sa totoo lang po Mr.Fontenilla wala pong Veronica Coreen Smith.."

"What?!"

"Wala pong pangalan na Veronica Coreen Smith Opo merong surname na Smith pero ang lumalabas lang po yung pamilyang Smith na sobrang yaman uhmmm yung mas mayaman pa po sainyo na nakalink kay Ms.Veronica yung una po hindi ako naniwala dahil sabi niyo na mahirap yung si Ms.Veronica pero mali po kayo Mr.Fontenilla"

"Ano ba yang sinasabi mo?!Kung nagsisinungaling ka sakin ma--"

"Hindi po ako nagsisinungaling Mr.Fontenilla yung Veronica Coreen Smith po na sinasabi niyo ay hindi totoo dahil siya si Veronica Jane Cortez  ang nagiisang heir ng Cortez mayroon po siyang kapatid na mas matanda sa kaniya na ang pangalan ay Kyle Michael Cortez o mas kilalang Kyle Michael De La Vega dahil ginagamit niya ang surname ng mama niya dahil siya ang tagapagmana nito.Nakumpirma ko po ito noong pumunta si Mr. Kyle sa hospital na pinagdalhan kay Ms.Veronica  noong  nahospital siya nakita ko po sila sa cctv at noong dumalaw ang famous na hollywood band na KATHANA kay Ms.Veronica"

"Tsaka po kaya ginagamit ni Ms.Veronica ang Smith na apilido dahil ito ang apilido ng lola niya at ang Coreen dahil yun po ang pangalan ng mama niya atsaka po hindi siya nerd dahil dyosa siya"

"Ano pa yung mga n-nalaman m-o?"

"Wala na po Mr.Fontenilla"

"S-salamat makukuha mo yung b-bayad ko sayo bukas" sabi ko sabay pindot ng end call

Nanghihina ako sobra hindi ako makapaniwala kaya pala kakaiba siya kaya pala kaibigan niya ang KATHANA kaya pala ganun siya kaya pala nagsasalamin siya kahit walang grado yung salamin niya kaya pala minsan nagkukulang pimples niya kasi wala pala talaga siya nun kaya pala minsan nakabaliko yung kilay niya kasi fake lang pala yun kaya pala yung bag niya sobrang mamahalin akala ko ukay lang yun pala original

"Mr.Jerk" narinig kong pagtawag niya sa kin kaya inangat ko ang tingin ko

"Nerd"  nagtitigan kami dapat pala hindi ko na siya tinawag na nerd dahil hindi naman talaga siya ganun

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya kaya naputol ang pagtitinginan namin

"Tsk, Kaya pala" sabi ko sa kaniya para magkaroon siya ng ideya na alam ko na

"Ano ba yang mga sinasabi mo?"

"Tsk, wala" nagwalk out ako nakakainis siya dapat hindi na siya nagpanggap na nerd hays sana..

END OF FLASHBACK~

Hindi ko siya matatawag na sinungaling dahil una sa lahat hindi siya nagsinungaling naiintindihan ko yung reason niya dahil siyempre ang daming plastik sa mundo at ayaw niyang pinaplastik siya kaya siguro nagpanggap siya pero nakakainis siya dapat nagpanggap siyang normal na student lang pero bat nerd?

Kaya maraming bumubully sa kaniya eh tignan mo muntik na siyang mapahamak noong nakaraang limang buwan hayss

Siguro ngayon hindi ko muna siya papansinin at sa tingin ko mas nakakabuti yun para sakin,para sa kaniya,saaming dalawa..







The Nerd Is The Billionaire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon