BETTY and the PRINCE
written by: Lorna Tulisana
Maghahating-gabi na ay tinatahak pa rin ni Betty ang lubak-lubak na kalsada patungong Villa Benedicta. Ang lugar na pagdarausan ng kasal ng kanyang matalik na kaibigan na si Tessa,na sa sobrang swerte nito sa buhay ay pag-aari lang naman ito ng napakaguwapo at napakayamang groom to-be nito na si Jemar San Agustin.
Napabuntong-hininga ito ng malalim ng pumasok na naman sa isip ang ga-bundok na suwerteng dumating sa kaibigan.
Isang saleslady lamang si Tessa ng mabihag nito ang puso ng aroganteng si Jemar,a son of a business tycoon.At naging saksi siya sa isang tila mala-teleseryeng pag-iibigan ng dalawa. At sigurado siyang it was true love. A one of a kind love story na talaga namang punong-puno ng kilig factor.
Hindi naman siya naiinggit sa kaibigan,in fact sobrang saya niya para dito. Na-traffic lang siguro sa Edsa ang price charming na matagal na niyang hinihintay at pinapangarap (an old joke for an old maid!). O baka naman nagtatrabaho pa ito sa ibang bansa saving for their future? O kaya baka naman hindi pa niya ito nakikilala dahil......
"Huwag naman sana!",nausal ni Betty sa sarili.
Nasa pamilya na nila ang hilera ng mga matatandang-dalaga at wala sa bokabularyo niya ang makipila pa sa mga ito. Pero,paano nga kaya kung wala naman talaga siyang hinihintay? Paano kung wala naman talagang Mr. Right na nakalaan para sa kanya? Will she take the risk na patulan na lang ang mga Mr. Wrong na umaaligid at nagpapalipad hangin sa kanya para kahit maging old maid man siya ay masasabi niyang nagkaroon din naman siya ng lovelife?
"No way!".
Twenty-six pa lang naman siya. May apat o limang taon pa bago siya lumagpas sa kalendaryo. Marami pang puwedeng mangyari. Mahaba pa ang panahon niya para maghintay. Pero,hanggang kailan nga ba? Kapag menopause na siya? Kapag kulubot na ang balat niya at baluktot na ang likod? Kapag nalagas na lahat ng ngipin niya?
Napabuntong-hiningi na naman ito. Tiningnan muli ang oras sa suot na relo.
Quarter to twelve.
Pagkatapos ng practice ng banda nila,kung saan siya ang lead singer,ay dumiretso na siya sa byahe. It was around five o'clock.
Gan'un na ba kalayo ang Manila sa Quezon Province?
Pinagala nito ang paningin sa tinatahak ng kotse. At mula sa liwanag ng bilog na buwan sa kalangitan at sa headlights ng sasakyan ay wala itong maaninag na kabahayan.
Kaninang pasukin niya ang daang ito na itunuro ng ilang tao na napagtanungan,ay wala na siyang napansing kahit anong buhay sa paligid. Kahit kalabaw man lang.
Sinipat ni Betty ang cellphone na nakasabit sa leeg. Wala pa rin itong signal.
" Kung minamalas ka nga naman!",naibulalas nito.
Sana natawagan na niya ang kaibigan para kumpirmahin dito kung tama pa ba ang daang binabaybay niya. Pero,imposible naman na maligaw siya dahil wala naman siyang nadaanang intersection. Meaning to say,dere-deretso ang daan kahit pa bako-bako ito. Unless na lang kung......
Lumarawan sa mukha ni Betty ang pangamba. Sa lalim ng iniisip niya kanina,idagdag pa ang dilim ng paligid,posible na may nadaanan siyang intersection at hindi lang niya ito napansin.
Ilang minuto pa ay napansin nito na kumakapal na ang mga puno na kanyang nadaraanan. Maging ang mga damo ay nagtataasan na rin. Ang bilog na buwan na kanina lang ay nakangiti sa kalangitan,ngayon ay unti-unti ng nagtatago sa likod ng ulap.
Saan na ba siya nakapunta? Baka naman ang tinatahak na niyang daan ay papunta nang Visaya o Mindanao?
Sa salitang Mindanao ay nagtaasan ang lahat ng balahibo sa katawan ni Betty. Sa hitsura ng paligid,hindi nalalayong may bigla na lang humarang sa kanyang mga rebelde,at kapag hindi siya huminto ay pauulanan siya ng bala ng mga ito.
BINABASA MO ANG
BETTY and the PRINCE: book 1
ФэнтезиPaano kung ang pag-ibig na matagal mo nang pinapangarap at hinihintay ay matagpuan mo sa tamang pagkakataon,ngunit sa maling panahon? Mas pipiliin mo bang makulong na lamang dito kasama siya o bumalik sa sariling mundo at muling mag-isa? Isang aksid...