Chapter 4

1.9K 45 0
                                    

BETTY and the PRINCE

written by: Lorna Tulisana

"Aking Prinsepe?".

Napukaw ang naglalakbay na diwa ni Prinsepe Yulo at napatingin sa katabi.

"Mukhang napakalayo na naman na iyong iniisip?".

"Ipagpaumanhin mo,Prinsesa Lirika,napagod lang ako sa pangangabayo!",muli nitong ibinalik ang tingin sa direksyon ng gubat na kinaroroonan ng espiya at napasapo ito sa sugat sa labi.

Hindi na niya maintindihan ang sarili. Anumang oras ay puwede na niya itong ipahuli sa mga kawal,ngunit bakit hindi niya ito magawa? At bakit sa muli nilang pagtatagpo tila ba nagdiriwang pa rin hanggang ngayon ang kanyang puso? Hindi maaari! Hindi siya maaaring umibig dito. Mapanganib ito at hindi siya nakatitiyak kung ano nga ba ang pakay nito sa Bernalia. 

Naramdaman ni Prinsepe Yulo ang pamumula ng mukha ng maalala kung paanong nakita ng espiya ang kanyang puso. Kakaiba ang sandata nito. Sana magamit niya ito minsan upang makita rin niya kung pareho lang ba sila ng nararamdaman. Bumilis din kaya ang tibok ng puso nito ng muli silang magkita? 

Napangiti ito ng balikan ang mainit na haplos ng palad nito sa kanyang mukha. Pakiramdam tuloy niya ay gusto na naman agad niyang pumunta ng talon upang muli itong masilayan. Tila ba lagi nang nananabik ang kanyang puso na makita ito. Pero,kailangan pa rin niyang mag-ingat. 

Kung ano man ang nais ipahiwatig ng kanyang nararamdaman para sa espiya,tila ba nais niyang manatili na lamang ito sa kanya dahil kagalakan ang hatid nito. Isang kakaibang kaligayahan na hindi pa niya naramdaman sa tanang buhay niya.

"Ang sabi ni ama at ni Reyna Berna,kailangan na nating pag-usapan ang tungkol sa pag-iisang dibdib natin!".

Biglang nawala ang ngiti sa labi ng prinsepe sa tinuran ng prinsesa.

Ilang ulit na rin siyang kinakausap ng ina tungkol sa usaping ito. Siguro kung hindi dumating ang espiya ay hindi siya magdadalawang-isip na pakasal kay Prinsesa Lirika. 

" Anong masasabi mo,Prinsepe Yulo? ".

" Sa tingin ko ay hindi pa ito ang tamang panahon,Prinsesa Lirika!", deretsahang sagot nito.

Gusto muna niyang mkasiguro sa kanyang nararamdaman. Kailangan muna niyang kilalanin ang espiya at kung ano ang ginawa nito sa kanya upang mahulog ang loob niya dito. Tama kaya ang hinala ng kanyang ina na may ginamit itong sandata o kakaibang bagay para hanap-hanapin niya ito?

Napatigil sa pagnguya ng kinakaing prutas si Betty habang nasa itaas ng isang punongkahoy ng makarinig ng malakas na sigaw.

Mabilis itong bumaba at tinungo ang direksyon na pinagmulan nito. 

"Mahal na Prinsepe,hindi na po ito mauulit!".

Inabutan ni Betty ang isang batang babae na sa tantiya niya ay magsasampung taong gulang na nakaluhod sa tapat ng prinsepe at umiiyak sa pagsusumamo. 

Napatingin siya sa kumikisay na ahas habang nakatarak sa ulo nito ang espada ng prinsepe.

"Lumabag ka sa batas,alipin,kaya nararapat lamang na parusahan ka at ang buo mong angkan!".

"Handa kong tanggapin anuman ang parusang igagawad mo sa akin,mahal na prinsepe, 'wag lang ang aking pamilya! Wala silang kinalaman dito! Gusto ko lang namang mangahoy!".

"Bakit dito,alipin? Alam mong.....".

"At saan mo naman siya gustong mangahoy,sa gitna ng dagat?".

Sabay na napatingin ang dalawa kay Betty.

"Natural gubat ito at maraming kahoy,bakit ba masyado kang madamot?".

BETTY and the PRINCE: book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon