BETTY and the PRINCE
written by: Lorna Tulisana
"Dito!".
Halos takbuhin ni Betty ang direksyon kung saan nangyari ang aksidente.
"Dito nga! Itong punong ito,sa tapat nito,dito ko iniwan ang kotse ko!".
"Ang ano?",kunot-noong tanong ni Wewa.
" Kotse! Isa iyong sasakyan! Noong maaksidente ako,nagising ako na narito na sa lugar n'yo!".
Nakikinig lang si Wewa kahit hindi nito maintindihan ang ilang salita ng kaibigan.
"Halika,Wewa!",sabay hila nito dito at kumuha ito ng isang bato, " O,ihampas mo ito sa ulo ko!".
"Ano? Bakit?",gulat nito.
"Siguro kailangan ko uling makatulog,paano ko ba sasabihin?", napakamot ito sa ulo, " 'Yong tulog na hindi normal,parang gan'un nga! Sige na,ihampas mo na 'to sa akin!".
Kinuha ni Wewa ang bato ngunit inihagis lang ito, " Hindi ko kaya! Paano kung mapatay kita?".
"O sige,suntukin mo na lang ako ng malakas! Pero,maliit ang kamao mo,hindi mo ako mapapatulog n'yan!".
Sandaling nag-isip si Betty.
"Baka naman may iba pang paraan, 'yong hindi ka uli masasaktan?", pag-aalalang suhestiyon ni Wewa.
"Tama!".
"May naiisip ka na?",nakaramdam ito ng panlulumo dahil ayaw pa rin niyang umalis ang kaibigan.
Tinungo ni Betty ang puno kung saan huli niyang nakita ang kanyang si Uno,hinawakan niya ito at pumikit ng mariin, " Ibalik mo na ako sa mundo ko!".
"Sa pinanggalingan mo ba,kinakausap ninyo ang mga puno?".
"Ssshhhh! Siguro may magic ang punong ito! Kailangan lang siguro ng orasyon o ng dasal!".
Nakamasid lang si Wewa kay Betty habang nagpapaikot-ikot ito sa paligid ng puno at umuusal ng mga salitang hindi niya maintindihan.
Ilang sandali pa ang lumipas ng walang anumang nangyayari.
"Wewa,'di ba ito na ang hangganan ng Bernalia?".
"Oo,at ang kabilang dako nito ay lupain na ng Magabo!".
"Ano 'yon?".
"Isa iyong maliit na bayan na hindi na sakop ng pamamalakad ng palasyo! Ang mga nakatira doon ay mga mamamayan na may kalayaan! Sila ay mga nagmula sa iba't ibang lupain at Kaharian na itinakwil bilang parusa sa kanilang paglabag sa batas!".
"Sana pala doon na lang ako nagtungo at nagtago,baka natanggap pa nila ako at natulungan!".
"Nagkakamali ka,Betty,ang mga mamamayan sa Magabo ay masasama! Hindi sila basta-basta tumatanggap ng mga dayuhang katulad mo. Kailangang dumaan ka muna sa mga mabibigat na pagsubok bago ka makapasok sa bayan nila! Ang mga mangangalakal na pumupunta dito sa Bernalia tuwing araw ng Maragana ay nag-iiwan ng ilang kalakal nila kapalit ng malaya nilang pagdaan! Maliban na lang sa mga Maharlika dahil may mga kasama ang mga itong kawal!".
"So,ibig mong sabihin ay walang ibang daan papunta dito maliban sa bayan ng Magabo?".
"Meron,ang gubat ng Amana at Nanako,ngunit walang sinuman ang nagtangkang dumaan sa mga ito dahil pinaniniwalaan na may mga nananahan ditong mga mababangis na hayop at Baruka!".
"Ano naman 'yong Basoka?".
"Baruka! Mga hindi nakikitang nilalang na ayon sa iba ay mga mapaminsala at mapanganib!".
![](https://img.wattpad.com/cover/15083624-288-k807085.jpg)
BINABASA MO ANG
BETTY and the PRINCE: book 1
FantasyPaano kung ang pag-ibig na matagal mo nang pinapangarap at hinihintay ay matagpuan mo sa tamang pagkakataon,ngunit sa maling panahon? Mas pipiliin mo bang makulong na lamang dito kasama siya o bumalik sa sariling mundo at muling mag-isa? Isang aksid...