BETTY and the PRINCE
written by: Lorna Tulisana
"Bakit napakalayo yata ng iniisip ng aking prinsesa?".
Kasalukuyan silang nasa talon at nakahiga sa damuhan.
Kumawala si Betty sa pagkakayakap sa prinsepe at puno ng lambing niya itong tinitigan, " Ano ang tawag mo sa akin?".
"Aking prinsesa! Kulang na lang saiyo ay korona at maaari ka ng maupo sa trono katabi ko!".
Tama. Ilang araw na lang ang kanyang hihintayin para sa kanilang kasal at magiging ganap na siyang prinsesa nito.
"Ano ba ang gumugulo sa isip ng aking prinsesa?".
Masuyong hinaplos ni Betty ang pisngi ng prinsepe, " Paano kung isang araw ay bigla na lang akong mawala at bumalik sa sarili kong mundo?".
Bumangon at naupo si Prinsepe Yulo at buong pagmamahal nitong hinarap sa kanya ang dalaga, " Hindi ako matatakot o malulungkot!".
Lumukot ang mukha ni Betty at hinampas nito ang prinsepe, " Hindi mo man lang ako hahanap-hanapin?".
Napangiti ang prinsepe at ginawaran nito ng halik ang nagtatampong kasintahan, " Dahil naniniwala ako,aking prinsesa,na muli tayong magtatagpo!".
Napangiti si Betty. Minsan kahit corny ang kanyang prinsepe ay napapakilig naman siya nito.
Kinuha ni Prinsepe Yulo ang kamay ng kasintahan at inilagay ito sa tapat ng kanyang puso,"At hindi man ako ang makita ng mga mata mo,makikilala ako ng iyong puso!".
Mahigpit na niyakap ni Betty ang prinsepe, " Maghihintay ako!".
" Huwag ka lang sanang mainip,aking prinsesa!".
" Anong ginagawa mo dito?", takang tanong ni Wewa ng pagbuksan niya ng pinto ang nakangiting si Betty na suot ang banyaga nitong kasuotan.
" Bakit,hindi ka ba natutuwang makita ako? Para kasing abalang-abala ka na at hindi mo man lang naalalang dalawin ang iyong kaibigan!", tumuloy ito sa loob ng bahay.
May kalakihan ang bagong bahay na nilipatan ng buong pamilya ni Wewa mula ng maging pormal na ang pagkilala sa ama nito bilang heneral ng palasyo.
" Ipagpaumanhin mo,kaibigan,marami kasing gawain sa palasyo para sa paghahanda ng inyong pag-iisang dibdib ng prinsepe! Hayaan mo,pagkatapos nito,araw-araw na kitang dadalawin!".
Ngumiti si Betty habang nakatitig sa batang kaibigan. Sa murang edad nito ay marami ng responsabilidad na nakaatang sa balikat nito. Pero,alam niya na masaya ito.
"Wewa....", tinanggal nito ang binoculars na nakasabit sa leeg at ikinuwentas ito sa kaibigan, "....ibinibigay ko na ito sa'yo!".
"Talaga?!",hindi makapaniwala si Wewa.
"Gusto kong gamitin mo 'yan sa pagbabantay kay Prinsepe Yulo!".
Napakunot ng noo si Wewa at takang napatingin kay Betty.
"Kapag wala na ako,bantayan mo siya para sa akin!",may himig lungkot sa tinig nito.
"Betty,huwag ka namang magsalita ng ganyan!".
Muling binalik ni Betty ang mga ngiti sa labi, " Pupunta ako saglit sa talon,gusto mong sumama?".
"Gustong-gusto ko sana,Betty,pero mamimitas ako ngayon ng mga sariwang bulaklak! Hindi ba dapat naghahanda ka na para sa inyong kasal?".
"Mamayang gabi pa naman 'yon,mahaba pa ang oras! Mabilis lang naman akong mag-ayos! Kung hindi ka makakasama,ako na lang! Pakisabi kay Prinsepe Yulo na sandali lang ako sa talon! Babalik agad ako!", sabay pilyang kindat niya dito.
"Tinakasan mo naman ang mga kawal mo?".
Pasipol-sipol pa ng tumalikod si Betty,at napailing na lang si Wewa habang hatid-tanaw niya ito. Siguradong nahaharap na naman sa malaking problema ang mga tagabantay nito.
"Paanong nakalabas ng palasyo si Betty ng wala man lang kahit isa sainyo ang nakakita?", hindi na dapat pang itanong ito ni Prinsepe Yulo dahil kilala na niya kung gaano kagaling si Betty sa pagtago at pagtakas.
Hindi makasagot ang anim na kawal na nasa harap ng prinsepe.
Nag-aalala siya para dito kaya binigyan niya ito ng mga bantay. At katulad ng mga ito ay sumasakit rin ang kanyang ulo sa tuwing bigla na lang itong mawawala.
" Wewa?", tawag nito sa bata ng mapansin ang pagdaan nito na may hawak na mga bulaklak.
Mabilis na yumukod si Wewa.
" Nakita mo ba si Betty?".
" Galing siya sa aming tahanan,mahal na prinsepe,at pinapasabi niya na sandali lang siya sa talon at babalik din agad siya!".
"Prinsepe Yulo?".
Sabay na napatingin ang dalawa sa humahangos na heneral.
Yumukod ito, " Nakita na ang Ramaka na si Lirika!".
" Alam mo na ang dapat gawin,heneral! Hulihin siya at igawad sa kanya ang parusang kamatayan!".
" Masusunod,mahal na prinsepe! Ngunit siya ay nakitang pumasok sa gubat ng Matara at kailangan naming hingin ang inyong pahintulot na.......
Hindi na tinapos pa ni Prinsepe Yulo ang iba pang sasabihin ng heneral.
Maging si Wewa ay nabitiwan ang hawak ng mga bulaklak ng marinig ang lugar na binaggit ng ama. Ang talon. Nasa panganib si Betty.
BINABASA MO ANG
BETTY and the PRINCE: book 1
FantasyPaano kung ang pag-ibig na matagal mo nang pinapangarap at hinihintay ay matagpuan mo sa tamang pagkakataon,ngunit sa maling panahon? Mas pipiliin mo bang makulong na lamang dito kasama siya o bumalik sa sariling mundo at muling mag-isa? Isang aksid...