BETTY and the PRINCE
written by: Lorna Tulisana
Lumabas mula sa pinagtataguang makapal na kurtina si Betty ng makapasok sa silid si Reyna Berna.
Ilang araw din niyang lihim na pinag-aralan at pinagplanuhan kung paanong makakapasok sa palasyo at sa silid nito ng hindi siya mahuhuli ng mga libo-libong kawal sa paligid.
Sa pagkakasilay ng reyna sa dalaga,hindi man lang ito kinabakasan ng gulat o ng takot,at hinangaan ito ni Betty. Kahit noong unang araw na makita niya ito sa kaarawan ng prinsepe ay nananatili lang itong kalmado sa gitna ng tensyon at gulo.
"Inaasahan ko na ang iyong pagdating,binibini!".
Napataas ang kilay ni Betty sa tinuran ng reyna kahit pa nga hindi espiya ang tawag nito sa kanya.
"Nakahanda na ako sa aking kamatayan! Alam kong matapos akong makaligtas ng kitilin mo ang buhay ng aking kabiyak,hindi ka titigil na hindi ako matulad sa kanya at sa Tantula!".
"Naparito ako dahil may mga mahahalaga akong katanungan saiyo,mahal na reyna!",yumukod pa ito bilang tanda ng kanyang paggalang sa kaharap.
Hindi kumibo ang reyna. Naupo ito at nakatitig lang sa panauhin.
"Ano ang Ramaka?".
Napansin ni Betty ang pagpitlag ng reyna sa kinauupuan nito.
"Mga masasama at mapanganib silang mga tao! Marami na silang pinabagsak na Kaharian,mga sinunog na lupain,mga kinitil na buhay,at binihag na mga maharlika!",nasa tinig nito ang pagkasuklam.
"Sino si Prinsesa Lirika at Haring Niburo?".
"Mga panauhin ko sila ngayon dito sa palasyo! Si Prinsesa Lirika ang nag-iisang anak ni Haring Niburo mula sa malayong Kaharian ng Nibuka sa Hilaga!Ano ang kinalaman nila sa iyong pagparito?".
"Gaano mo kakilala si Haring Niburo?",binalewala nito ang tanong ng reyna.
"Matalik na kaibigan siya ng aking kabiyak at naging kasa-kasama namin sa aming mga paglalakbay!".
"At si Prinsesa Likrika,matagal mo na ba siyang kakilala?".
"Bata pa lang siya noon ng huli kong makita,at sa kaarawan ng prinsepe kung iyong naaalala ay isinama siya ni Haring Niburo upang ipakilala kay Prinsepe Yulo! Pareho naming gustong magkatuluyan ang dalawa. At tama ang aming naging pasya dahil nahulog naman ang loob ng dalawa sa isa't isa kaya.....".
"Sino si Romano?", pinutol na ni Betty ang iba pang sasabihin ng reyna dahil ayaw niyang marinig pa ang love story ng dalawa.
"Si Romano?".
"Sino siya?".
"Anak siya ni Gustado!".
"Gustado?".
"Isang maharlika na hinatulan ng parusang kamatayan dahil sa kasakiman! Ng malaman ni Gustado na ang nakababata niyang kapatid ang magmamana sa trono ng kanyang amang hari,pinaslang niya ang mga ito! At bago pa iginawad sa kanya ang parusa ay tumakas ito kasama ng mga matatapat nitong kawal at alipin. At sa mga kagubatan ng Timog sila namalagi at naging mga rebelde! Mga mapanganib at mga kinatatakutang rebelde! At ng ito ay napatay sa isang labanan,ang anak nitong si Romano ang humalili sa kanya na higit pa ang kasamaan sa ama!".
Biglang binalot ng takot si Betty. Nanganganib ang Bernalia.
" Sino si Heneral Hamal?".
"Siya ang matapat na heneral ng aking mga hukbo,ang heneral na siyang nakahuli saiyo,binibini!".
Hindi niya iyon makakalimutan dahil inakala niya noong una na ito ang kanyang soulmate at prince charming. Buti na lang at mabait sa kanya ang kapalaran dahil hindi ito ang naging tadhana niya.
"Gaano mo siya kakilala?".
"Siya ang nagligtas sa akin noon kaya hindi mo ako napatay katulad ng ginawa mo sa aking kabiyak at sa lahat ng aking kasama ng araw na iyon!".
"Kung ano man ang nangyari noon,wala akong kinalaman!".
Hindi pinansin ng reyna ang sinabi ni Betty, " Dahil sa pagligtas niya sa akin,ginawa ko siyang heneral ng aking mga hukbo! At pinakita niya ang kanyang katapatan dito sa Bernalia!".
"Isang katanungan na lang,mahal na reyna,kelan ang ikaapat na kabilugan ng buwan?".
Sandaling natahimik ang reyna"Ika-anim na araw mula bukas!".
Kaunting panahon na lang ang natitira.
Ibinaba ni Betty ang bag sa likod nito at ang gitara sa paanan ng reyna dahilan upang mapatayo ito at mapaatras. Iyon ang unang pagkakataon na nakita niya itong natakot. Ibig sabihin hindi pa nasabi ng prinsepe na hindi mapanganib ang mga dala niyang gamit.
"Hindi akong masamang tao,mahal na reyna! At bilang patunay na hindi ako kaaway,ipinagkakatiwala ko siyo ang mga 'yan!".
Mula sa pagkakatitig sa mga gamit ni Betty sa paanan ay napaangat ng mukha ang reyna at nagtatakang tumingin sa dalaga, " Ano ang kapalit?".
"Ang iyong tiwala!".
Napahinto sa tawanan sina Prinsepe Yulo at Prinsesa Lirika ng pumasok sa malawak at magarang silid na kinaroroonan nila si Reyna Berna kasunod ang isang tagapagsilbi nito.
Sabay na tumayo at yumukod ang dalawa bilang paggalang sa bagong dating.
"Naabala ko ba kayo?".
"Hindi naman,aking ina!".
"Napadaan lamang ako dito dahil narinig ko ang inyong masayang tawanan! Ngayon ay natitiyak ko na nagkakamabutihan na kayo at labis-labis ang aking galak,aking prinsepe,dahil ginigugol mo na ang iyong panahon sa prinsesa hindi katulad noong dati na halos nauubos ang araw mo sa talon!".
"Dahil wala ng halaga sa akin ang lugar na iyon,Ina!".
Parang tinarak ng punyal ang puso ni Betty habang nakayuko sa may likuran ng reyna. Dahil sa kanyang ayos at bihis ay hindi siya nakilala ng prinsepe.
"Kung ganoon ay maiwan ko na kayo!", tumanaw ito sa labas ng malaking bintana, " Napakaganda ng araw,halika,Bettina,samahan mo akong mamasyal sa hardin!".
Sa pagkakarinig sa pangalang binigkas ng ina ay napatingin si Prinsepe Yulo sa tagapagsilbi na kasama ng ina. At lumaki ang mga mata nito. Hindi makapaniwala sa nakikita.
"Masusunod,mahal na reyna!", yumukod pa ito sa prinsepe at prinsesa bago sumunod sa paglabas ng reyna.
Lalong namilog ang mga mata ng prinsepe ng marinig nito ang hindi malilimutang tinig ng dating kasintahan. Hindi man ito sumulyap sa kanya,walang duda na ito nga ang kinasusuklaman niyang espiya. Ngunit,paanong nakuha nito ang tiwala ng ina? Ano na naman ang masama nitong binabalak? Kailangan niya iyong alamin!
BINABASA MO ANG
BETTY and the PRINCE: book 1
FantasíaPaano kung ang pag-ibig na matagal mo nang pinapangarap at hinihintay ay matagpuan mo sa tamang pagkakataon,ngunit sa maling panahon? Mas pipiliin mo bang makulong na lamang dito kasama siya o bumalik sa sariling mundo at muling mag-isa? Isang aksid...