BETTY and the PRINCE
written by: Lorna Tulisana
"Betty?!".
Napatayo si Wewa mula sa pagkakaupo sa tabi ng higaan ng kaibigan ng umungol ito at unti-unting nagmulat ng mga mata.
"Betty!".
"Wewa? Nasaan ako?", takang tanong nito ng mapansin na hindi pamilyar sa kanya ang silid na kinaroroonan.
"Nandito ka sa Helata!".
"Saan?".
" Helata! Lugar-gamutan dito sa loob ng palasyo!".
" Anong nangyari?".
" Nagtagumpay tayo,Betty!", masayang balita ni Wewa, " Walang kahit isang Ramaka ang pinaligtas ni Ama,maliban pala kay Prinsesa Lirika na tumakas sa gitna ng labanan!".
" Nakatakas ang babaing 'yon?".
Tumango si Wewa, " Pero,hindi tumitigil si Ama sa paghahanap dahil tiyak na hindi pa siya nakakalayo!".
"Si Prinsepe Yulo?", biglang kinabahan si Betty ng maalala ang prinsepe.
" Ligtas sila ni Reyna Berna! Marami sa mga kawal ng palasyo ang napaslang sa labanan,pero namatay sila ng may karangalan! At ang buong Bernalia ay labis-labis na nagpapasalamat saiyo,Betty!".
Hindi kumibo si Betty,sa halip ay pinilit nitong bumangon ngunit muli ring napahiga dahil sa kirot ng tinamong sugat sa tagiliran.
"Kailangan mo pa ng ilang araw na pahinga bago humilom ang sugat!".
Naagaw ang pansin ni Betty sa gitara na nasa isang sulok. At halos tumaas ang dugo niya ng makita ang hitsura nito. Halos mabiyak ito sa dalawa.
Napakagat naman ng labi si Wewa ng makita ang reaksyon ng kaibigan habang nakatitig ito sa gitara nito. Kaya naman hindi na niya ito pinigil pa ng bumangon ito at tumayo.
" Iniligtas ka niya,Betty! Sa kanya unang bumaon ang espada ni Romano kaya halos daplis lang ang tinamo mo!".
Mahigpit na niyakap ni Betty ang kanyang pinakamamahal na gitara. Sa ayos nito ay hindi na ito maibabalik pa sa dati. Hindi na niya ito magagamit pa. Katulad ng kanyang sasakyan ay nawala na rin ito sa kanya.
"Uno?",naalala nito ang huling pangitain bago siya nawalan ng malay,binalingan nito ang kaibigan, " Wewa,nakita ko si Uno!".
" Sino?",takang tanong nito.
" Si Uno! Siya ang sasakyan ko!".
" Gan'un ba talaga sa lugar na pinanggalingan mo? Ang mga puno kinakausap mo,tapos pati sasakyan ay may pangalan rin!".
" Basta! Nakita ko siya bago ako mawalan ng ulirat!".
" Baka naman kathang-isip mo lang iyon,Betty! Sabi ni Ina ganoon daw ang pakiramdam ng mamamatay,nakikita ang mga bagay na hinihiling nitong makita sa huling pagkakataon!".
" Hindi,Wewa! Sigurado ako na nakita ko siya!".
Hindi umimik si Wewa.
" Hindi kaya isa lang ang ibig sabihin no'n,na kailangan kong mamatay para makabalik sa pinanggalingan ko!".
" Huwag ka namang magsalita ng ganyan,Betty! Malulungkot ang buong Bernalia,lalo na si Prinsepe Yulo kapag namatay ka!".
Napatitig si Betty sa kaibigan, " Wewa,hindi ito ang mundo ko! May pamilya rin ako at mga kaibigan sa lugar na pinanggalingan ko! Malulungkot din sila kapag hindi na nila ako nakita pa!".
Hindi kumibo si Wewa,nangilid ang luha nito sa mga mata.
" Wewa...".
Sabay na napatingin ang dalawa sa bukana ng pintuan. At mabilis na lumuhod at yumukod si Wewa sa pagdating ng prinsepe.
" Iiwan mo muna kami ni Betty,gusto ko siyang makausap!".
Tumaas ang kilay ni Betty ng marinig niya ang muling pagtawag nito sa kanyang pangalan. Dahil noong husgahan siya nitong isang Ramaka ay tumataginting na espiya ang tawag nito sa kanya, " Dito ka lang,Wewa,dahil wala kaming dapat pang pag-usapan!",madiin nitong wika kahit pa nagsusumigaw ang kanyang puso sa pananabik dito.
Sabay na napatingin si Wewa at ang prinsepe kay Betty.
" May mga dapat tayong pag-usapan,Betty!".
" Kung meron man,hindi na kailangan pang lumabas ni Wewa!".
"Sige na,Wewa,iwan mo na kami!".
" Dito ka lang,Wewa!".
" Inuutusan kita,alipin!".
" May pangalan siya kaya huwag mo siyang tatawaging alipin! Lahat ng tao ay may karapatang tawagin sa kanilang pangalan!".
Makahulugang tumingin si Prinsepe Yulo kay Wewa na agad namang naunawaan nito.
" Ipagpaumanhin mo,Betty,pero prinsepe siya dito kaya dapat ko siyang sundin!", at mabilis na itong tumalikod at lumabas ng silid.
Aktong susundan ni Betty ang paglabas ng kaibigan ng harangin ito ng prinsepe.
"Betty,batid kong malaki ang nagawa kong pagkakamali saiyo,ngunit hinihingi ko ang iyong kapatawaran!", nasa tinig nito ang pagsusumamo.
" Tse!", pairap niya itong tinalikuran.
" Sinabi sa akin ni Ina ang kabutihang ginawa mo dito sa Bernalia,at labis akong nahihiya dahil sa kawalan ko ng tiwala saiyo!".
Matalim na tiningnan ni Betty ang prinsepe, " Paano kung hindi nangyari 'yon? Habangbuhay mo akong kamumuhian at dadalhin ko naman ang galit ko saiyo?".
" Patawarin mo ako,Betty!", humakbang ito palapit sa dalaga.
" Hindi kita kailanman mapapatawad!", at taliwas ito sa sinasabi ng kanyang puso na hindi pa man ito nagkakasala ay napatawad na niya ito.
Iniamba ni Betty ang hawak na gitara ng aktong lalapit sa kanya ang prinsepe, " Huwag kang lalapit!", ngunit ang dasal ng kanyang puso ay sana naman ay bilisan ng prinsepe ang paghakbang nito palapit.
" Alam kong hindi mapanganib na sandata iyang hawak mo!".
"Hindi nga ito sandata,pero mapanganib ito lalo na kapag hinampas ko ito d'yan sa ulo mo! Tingnan lang natin kung hindi mabiyak 'yang bungo mo!".
" Kaya mo bang gawin iyan sa akin,Betty?".
"Bakit hindi mo subukan?".
At humakbang nga ang prinsepe.
Napaatras si Betty.
Sinusubukan talaga siya nito!
" Kaya mo ba akong saktan,Betty?".
" Bakit,ikaw lang ba ang may karapatang manakit?".
Sa halip na sumagot ay mabilis na hinapit ni Prinsepe Yulo sa baywang si Betty at ginawaran ito ng masuyong halik na tuluyan namang nagpahina sa dalaga.
Binitiwan ni Betty ang hawak na gitara at tinugon nito ang mga halik at yakap ng pinakamamahal na prinsepe. Ipinagkanulo na nga siya ng kanyang puso. At hindi siya nagagalit,sa halip ay natutuwa siya dahil may happy ending din pala para sa kanilang dalawa. Sana nga lang "ever after" na.
BINABASA MO ANG
BETTY and the PRINCE: book 1
FantasíaPaano kung ang pag-ibig na matagal mo nang pinapangarap at hinihintay ay matagpuan mo sa tamang pagkakataon,ngunit sa maling panahon? Mas pipiliin mo bang makulong na lamang dito kasama siya o bumalik sa sariling mundo at muling mag-isa? Isang aksid...