BETTY and the PRINCE
written by: Lorna Tulisana
Sa pag-ahon ni Betty mula sa paliligo sa talon ay isang pamilyar na mukha ang bumungad sa kanya. Ngunit,hindi katulad ng dati na malinis at maayos ito,ngayon ay halos hindi na ito makilala sa sabog-sabog nitong buhok at gula-gulanit na damit. Saan kaya ito nagtago at hindi ito matagpuan ng mga kawal?
Aktong tatakas si Betty ng maagap siya nitong napigilan. Nakalimutan niyang isa itong Ramaka na malakas kaya kahit anong pagpupumiglas ang gawin niya ay nahila pa rin siya nito sa pampang.
"Hindi mo ako matatakasan,espiya!".
"Bitiwan mo ako!".
Malakas na itinulak ni Lirika si Betty at bumagsak ito sa kanyang paanan.
"Ikaw pala ang dahilan kung bakit naudlot ang tagumpay na matagal naming pinagplanuhan ni Romano!".
Hindi nakaimik si Betty,nakatitig lang ito kay Lirika na nakalarawan sa mukha ang matinding galit.
"Oo,espiya!Nakarating sa akin na narinig mo ang naging pag-uusap namin ni Romano sa gubat ng Nanako!".
" At nakita ko rin kung paano mong pinagtataksilan si Prinsepe Yulo!", lakas-loob na wika ni Betty.
Malakas na napatawa si Lirika, " Pagtataksil ba ang tawag doon,espiya? Hindi ko naman siya inibig at alam kong hindi rin niya ako iniibig,kaya hindi pagtataksil ang anumang namamagitan sa amin ni Romano dahil kaming dalawa ang tunay na nagmamahalan!".
"Pero,nasaan ngayon ang pinagmamamalaki mong Romano? Patay na siya at nararapat lamang 'yon sa kanya! Bakit hindi mo na lang siya samahan?".
Mabilis na dumampot ng isang bato si Lirika at buong lakas itong inihampas kay Betty na nagpasubsob sa mukha nito sa mabatong pampang ng talon.
"Pangahas! Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang aking pinakamamahal na si Romano! At kaya ako naririto para pagbayarin ka sa ginawa mo! At pagkatapos ay susunod ko namang pagpaplanuhan kung paano mapapasaakin ang mga kakaibang sandata mo at dadalhin ko iyong kapalit sa pagkupkop sa akin ng mga Magabo! ".
Kaya pala hindi ito mahanap ng mga kawal ng palasyo dahil protektado ito ng mga Magabo kapalit ng mg gamit niya. Walang duda na binusog nito ang buong mamamayan tungkol sa mga kakaiba niyang gamit.
Napasapo si Betty sa noo,umaagas ang dugo mula rito.
"Naisip ko na kung mahalaga ka kay Prinsepe Yulo katulad ng balitang nakarating sa akin,hindi malayong hindi ka niya dalhin dito sa talon! At tama nga ang aking hinala dahil sa ilang araw na pagmamatyag ko dito ay nakita ko kung gaano kahalaga saiyo ang lugar na ito! Buo ang paniniwala ko na babalik-balikan mo ito!", napangisi ito, " At ngayon nga ay napakapalad ko dahil mag-isa kang pumunta dito! Kawawang espiya,wala ang prinsepe sa kanyang tabi upang siya ay ipagtanggol!".
"Betty?".
Sabay na napalingon ang dalawa.
"Prinsepe Yulo!".
Mabilis ang naging pagkilos ni Lirika. Hinugot nito mula sa ilalim ng mahabang kasuotan ang isang maliit na punyal at itinutok ito sa leeg ni Betty.
"Lirika!".
"Prinsesa Lirika,aking prinsepe!",madiin nitong utos.
"Isa kang Ramaka at hindi prinsesa!", madiin ding tugon ni Prinsepe Yulo.
" At ngayong araw ay magiging isa na akong ganap na prinsesa,aking prinsepe,dahil itutuloy natin ang naudlot nating pag-iisang dibdib,hindi ba?".
" Kailanman ay hinding-hindi kita pakakasalan!".
Dumiin ang patalim sa leeg ni Betty.
"Bitiwan mo siya,Lirika!".
Inilayo ni Lirika ang hawak ng punyal sa leeg ni Betty. Itinaas ito.
Aktong hahakbang palapit si Prinsepe Yulo ng mabilis na itarak ni Lirika ang punyal sa dibdib ni Betty.
" Bettyyyyyyyyyyyyyyyyyyy!".
Ramdam ni Betty ang pagbaon ng patalim sa kanyang katawan. Hindi siya makahinga. Umiikot ang kanyang paningin. Ngunit,itinutok niya ang mga mata sa prinsepe na halos hindi makagalaw sa kinatatayuan nito habang nag-uunahan ang mga luha sa pagpatak at nakatitig sa kanya. Hindi totoo ang sinabi nito na hindi ito malulungkot kapag nawala siya dahil nababasa niya sa mukha nito ang isang nagbabantang matinding kalungkutan.
Malakas ang tawa ni Lirika. Tila nawala na ito sa sariling katinuan.
Biglang nakita ni Betty si Uno at ang maliwanag nitong headlights na tila ba nagdiriwang sa kanyang paggbabalik. At unti-unti ng naglalaho ang paligid. Muli nitong binaling ang tingin sa prinsepe,ngumiti siya dito.
"Betty?!".
Narinig ni Betty ang pagdating ng mga kawal at ang mabilis na pagtakbo ng prinsepe sa direksyon niya.
"Betty?!",lumuhod si Prinsepe Yulo at mabilis na niyakap si Betty na tila isa na lang itong larawan na unti-unti ng kumukupas na anumang oras ay mawawala na.
Tumingin si Betty sa luhaang prinsepe, " Hihintayin kita!", halos pabulong nitong wika.
At naramdaman ni Betty ang huling halik ng kanyang prinsepe at ang pagpatak ng luha nito sa kanyang pisngi.
BINABASA MO ANG
BETTY and the PRINCE: book 1
FantasiPaano kung ang pag-ibig na matagal mo nang pinapangarap at hinihintay ay matagpuan mo sa tamang pagkakataon,ngunit sa maling panahon? Mas pipiliin mo bang makulong na lamang dito kasama siya o bumalik sa sariling mundo at muling mag-isa? Isang aksid...