BETTY and the PRINCE
written by: Lorna Tulisana
"Ang tawag dito,flashlight!".
"Pras...parang napakahirap bigkasin!".
Mula ng magtapat ng pag-ibig si Prinsepe Yulo kay Betty ay halos hindi na sila maghiwalay. Kung hindi lang dahil sa tungkulin at katayuan ng prinsepe ay mas pipiliin nitong makulong na lang sa gubat kasama ang kasintahan.
Walang minuto sa kanilang pagsasama na hindi sila naging maligaya.
At kapag pagod na sila sa paliligo,paghahabulan na tila mga bata,sa pamamasyal sa buong kagubatan,sa pag-akyat ng mga puno,sa pagpitas ng mga prutas,ay binubusog naman ni Betty ang prinsepe sa mga kuwento tungkol sa lugar na kanyang pinanggalingan at ng lahat ng gamit na laman ng kanyang bag.
"Flashlight!", sabay bukas niya dito dahilan magliwanag ang kuweba at lalong nagpamangha sa binata.
" Napakaganda!".
"O,subukan mo!",sabay abot niya nito sa prinsepe.
Tuwang-tuwa naman ang prinsepe habang nakatunghay sa pagpatay at pagsindi niya sa flashlight na hawak.
"May kuryente ba kayo dito?".
"Ano 'yon?".
"Kuryente! Uhm, 'yong nagbibigay ng liwanag at nagpapagalaw o nagpapagana sa mga makina o mga kagamitan! Hindi ko masyadong maipaliwanag!".
"Ang nagbibigay liwanag sa buong palasyo at tahanan ng Bernalia ay ang Bulako at Artanka! Ang Bulako ay isang uri ng bulaklak at ang Artanka naman ay isang insekto!".
"Talaga?!", mangha ni Betty.
"Ang Bulako ang nagbibigay ng liwanag at ang Artanka naman ang nagbibigay ng apoy! At matatagpuan lamang sila sa mga gubat ng Amana at Nanako!".
Napaisip sandali si Betty, " Ang sabi ni Wewa ay mapanganib ang mga gubat na 'yon!".
"Tama! Kaya mga matatapang lamang na kawal ang nakakapasok doon para kumuha ng Bulako at Artanka! Ano naman ito? ",sabay turo sa tinutukoy nito.
"Ah,ang tawag dito ay lighter!",mas komportable siya magdala nito kaysa sa posporo, "Isa ito sa mga nagbibigay ng apoy sa lugar namin!", sabay sindi sa lighter na hawak.
Napapitlag mula sa kinauupuan si Prinsepe Yulo dahil sa pagkagulat ng makita ang lumabas na apoy mula sa hawak ni Betty.
"Takot ka ba sa apoy?".
"Apoy ang kumitil sa buhay ng aking ama!", may himig lungkot sa tinig nito.
Agad namang pinatay ni Betty ang lighter at ibinalik ito sa loob ng bag, " Sorry!".
Napatingin ang prinsepe sa dalaga.
" Ah,ibig sabihin noon ay ipagpaumanhin mo!", gusto niyang itanong dito kung paanong namatay sa apoy ang ama nito,ngunit sa nakikita niya sa mukha nito na tila sariwa pa ang sugat sa pagkawala ng ama,ay minabuti na lang niyang manahimik.
"Sa lugar ba na iyong pinagmulan ay may kalayaan ang lahat na magdala at gumawa ng apoy?".
"Oo naman! Bakit dito?".
" Kahit noong nabubuhay pa si Amang Hari,tanging mga Humaro lang ang pinahihintulutan ng palasyo na lumikha ng apoy!".
"Humaro?".
" Mga dalubhasa sa apoy! Hindi kasi madali ang paglikha ng apoy mula sa Artanka at ang pag-apula nito!".
" E,paano naman gumagawa ng apoy ang bawat tahanan ng Bernalia? Tumatawag pa ba sila ng Humaro?".
" Isa sa bawat tahanan ay nililinang ng mga dalubhasang Humaro para maging isang ganap na tulad nila!".
"Ah!",biglang napadako ang mga mata nito sa sumilay na bilog na buwan at kung dati ay nagdudulot ito sa kanya ng kaginhawahan dahil nagbibigay ito ng liwanag sa loob ng kuweba at buong kagubatan,ngayon ay lungkot na ang hatid nito sa kanya.
Sa ikatlimang pagbilog ng buwan ay ang araw ng kasal ni Prinsepe Yulo at Prinsesa Lirika. Hindi man nila napag-uusapan ang tungkol dito sa mga panahong sila ay magkasama,pero sa mga sandaling iyon na napatingin rin ang prinsepe sa buwan ay tulad ni Betty, nagdulot din ito ng lungkot sa kanyang kalooban.
"Halika,maligo tayo sa talon!", muling binalik ni Betty ang saya sa mukha sabay hila sa kamay ng prinsepe.
At muli ay napuno na naman ng galak at tawanan ang buong paligid ng dalawang pusong malayang nag-iibigan sa kabila ng takot at pangamba na isang araw ay darating din ang malaking hadlang sa kanila.
"Bettyyyyyyy!".
Napabalikwas si Betty mula sa pagkakatulog sa kuweba ng marinig ang malakas na pagtawag ni Wewa. Mabilis itong bumangon at sinalubong ang humahangos na bata, " Wewa,anong nangyari?", may pag-aalala sa tinig niya.
Ngumiti ito, " Wala naman! May maganda lang akong ibabalita sa'yo!".
"Akala ko naman kung ano na! Sa susunod 'wag mo na uling gagawin 'yon dahil baka marinig ka ng mga kawal o ng kung sino na nasa paligid ng gubat!",paalala nito kahit pa nga kapag kasama si Prinsepe Yulo ay napakaingay nila.
" Iyon nga ang magandang balita na dala ko para saiyo! Pinatigil na ni Prinsepe Yulo ang paghahanap saiyo kaya wala nang mga kawal na naglipana sa kung saan-saan. Malaya ka na,Betty!",masaya nitong wika habang nakasunod sa pagpasok ng kaibigan sa kuweba.
"Malaya na nga,pero hindi pa rin ako ligtas sa oras na makita ako o may makakilala sa akin!",sa kabila ng tinuran ay natuwa ito sa ginawa ng prinsepe.
" At iyan ang isa ko pang magandang balita para saiyo!".
Napatingin si Betty sa kaibigan.
May inilabas mula sa bulsa ng suot na mahabang damit si Wewa, " Nakikita mo ba ito?", sabay lahad sa isang hugis itlog na ginto, " Ang tawag dito ay Perapi,ito ang pinakamataas na uri ng ginto sa loob at labas ng Bernalia. At tanging mga maharlika,mayayaman,at mga mangangalakal lamang ang may kakayahang magkaroon nito!".
"E,bakit meron ka niyan?".
"Ibinigay ito sa akin ni Prinsepe Yulo! At alam mo ba,ibinalik na rin niya ang buo kong angkan pati na si Ama sa paninilbihan sa palasyo!",mahigpit nitong niyakap ang kaibigan, "Salamat,Betty!".
"Salamat saan?", takang tanong nito.
Kumalas si Wewa sa pagkakayakap, " Alam kong dahil saiyo kaya bumalik na ang dating mabuting prinsepe! Lagi na siyang nakangiti at masaya,hindi katulad noong dati!".
Napangiti si Betty.
"At dahil iyon sa laki ng pag-ibig niya saiyo!".
"At paano mo naman nasabi iyan?".
Hindi nilihim ni Betty sa batang kaibigan ang pag-iibigan nila ng prinsepe.
"Dahil dito!", sabay taas nito ng hawak na ginto.
Napakunot ng noo si Betty.
"Kinuha niya akong maging alipin mo! At ang laki agad ng ibinayad niya sa akin!", lalong lumapad ang ngiti nito.
"Maging ano?",tila mali siya ng kanyang pagkakarinig.
"Alipin! Iniutos sa akin ni Prinsepe Yulo na tiyakin ko na hindi ka magugutom at giginawin sa iyong pagtulog,kaya heto,ipinagluto kita ng maraming pagkain,dinalhan rin kita ng makapal ng kumot at mga kasuotan dahil nais ng prinsepe na malaya kang makapasyal sa bayan kailanaman iyong naisin!", sabay pakita sa mga dala-dalahan nito.
"Talaga?".
Nakangiting tumango si Wewa, " Nais ng prinsepe ng maging masaya ka,ganoon ka niya kamahal!", kinikilig pa ito na tila teenager.
Habang magana sa pagkain si Betty ay abala naman si Wewa sa pag-aayos ng higaan ng dalaga. At hindi nawawala ang ngiti at saya nito sa mukha.
" Hindi ko naman kailangan dito ng tagapagsilbi,kaya ko naman gawin 'yan! Tama na sa akin na dalhan mo ako ng pagkain!", wika ni Betty ng pati pinagkainan niya ay niligpit ni Wewa.
"Naku naman,Betty,huwag mo namang sasabihin iyan sa prinsepe dahil alam mo ba,isang malaking karangalan sa aming mga alipin na sundin ang utos ng mga maharlika lalo na ng prinsepe na susunod na uupo na hari dito sa Bernalia matapos ang pag-iisang dibdib nila ni Prinsesa Lirika!".
Lumarawan sa mukha ni Betty ang lungkot at kakaibang sakit, " Itutuloy pa rin niya ang pagpapakasal sa prinsesa na 'yon kahit pa sinasabi niyang ako ang iniibig niya?".
"Kahilingan iyon ng mahal ng reyna,hindi siya maaaring sumuway! Pero,batid ko na hindi niya kailanman minahal ang prinsesa! Kaya,Betty,kailangan nating gumawa ng paraan para hindi matuloy ang kanilang pag-iisang dibdib!".
"What?".
"Ano 'yon?", tanong nito sa hindi maunawaang banyagang salita ng kaharap.
"Ano?".
"Oo,ano nga 'yon?".
" Ang what ay ano!".
"Ah!".
"Anong ibig mong sabihin na kailangan nating gumawa ng paraan para hindi matuloy ang kasal nila?".
"Mahal mo ang prinsepe,hindi ba?".
"Mahal na mahal!".
"At ganoon din siya saiyo!".
"Pero,paano natin hahadlangan ang kanilang kasal? Kahit pinalaya na ako ng prinsepe,sa mata ng buong Bernalia ay isa pa rin akong mapanganib na espiya!".
"Tama ka,Betty! Kaya nga lahat ng gagawin natin ay palihim! Walang dapat makaalam kahit na ang prinsepe!".
Napangiwi si Betty. Maganda sanang makiayon sa plano kung nanggaling iyon sa isang dalubhasa kaso galing ito sa isang sampung taon gulang na bata, " Mukhang imposible ang nais mong mangyari!".
"Inkosile?".
"Im-po-sib-le! Ibig sabihin,mahirap! Hindi maaaring mangyari! Isa ka lang bata at alipin,ako naman isang nagtatagong espiya,ano ang magagawa natin?".
Hindi nakaimik si Wewa. Mabilis na nawala ang pag-asa nito.
Nagmamadali ang mga hakbang ni Prinsepe Yulo palabas ng palasyo. Nasasabik na siyang muling makita ang babaing pinakamamahal na naghihintay sa kanya sa talon.
Matagal na rin mula na magtapat siya ng pag-ibig dito ay hindi pa rin mawala sa kanya ang kakaibang kaligayahan habang muli't muling binabalikan ang alaala ng gabing iyon. At kung paanong tinugon rin ni Betty ang kanyang pagmamahal.
Puno lang siya ng panghihinayang dahil hindi ito ang babaing kanyang makakaisang dibdib. Kung hindi lang sana magdudulot ng malaking gulo ang kanilang pag-iibigan ay nakahanda siyang ipakilala ito sa buong Bernalia,maging sa kanyang Inang Reyna.
Pero,ayaw muna niyang guluhin ang kanyang isip sa anumang bagay. Ang mahalaga sa kanya ay mapasaya niya si Betty at maiparamdam dito kung gaano niya ito kamahal.
"Prinsepe Yulo?".
Napalingon ang prinsepe sa pagtawag ng ina habang kasunod nito si Heneral Hamal.
"Ina,bakit tila nagmamadali kayo?".
"Prinsepe,anak,kailangan nating puntahan ang Tantula!".
Biglang kinabahan ang prinsepe. Sa pag-aalalang nakalarawan sa mukha ng ina,may hindi magandang nangyari, " Sa Tantula?".
BINABASA MO ANG
BETTY and the PRINCE: book 1
FantasyPaano kung ang pag-ibig na matagal mo nang pinapangarap at hinihintay ay matagpuan mo sa tamang pagkakataon,ngunit sa maling panahon? Mas pipiliin mo bang makulong na lamang dito kasama siya o bumalik sa sariling mundo at muling mag-isa? Isang aksid...