T W O

6.8K 140 1
                                    

Liam's POV:

"Good morning mga tol.." Bati ko sa mga kaibigan ko na nagkakape sa kitchen ng mansyon ni Marcus.

"Tol.. Kape?" Alok ni Kenzo.

"Tapos na ako tol.. Alam mo naman si Rachel.. Hindi papayag yun na hindi kami mag bre-breakfast ng magkakasama.." Sagot ko.

"Nako.. Buti ka pa nga.. Si Jamie hanggang ngayon tulog pa din.. Ni hindi nga ako mapagtimpla ng kape nun.." Sabat ni Mike.

Natawa kami.

"Puyat kasi siya.. Diba sobrang dami niyang trabaho ngayon? Tsaka wag ka nang magreklamo kasi para din naman sa future niyo yun.." Sagot ni Dan.

"Hah! Para sa future? Credit card ko kaya ang ginagamit niya sa lahat ng bagay.." Sagot ni Mike.

Mas lalo kaming natawa.

Simula palang kasi magulo na talaga sila at ang relasyon nila. Pero what's amazing is that they make their relationship work. Seven years na nga silang magkasama at kasal nalang ang kulang.

"Good morning mga tol.." Bati sa amin ni Marcus.

"Good morning boss.." Sagot ko.

Mahigit ten years na din kaming nagtratrabaho kay Marcus and I will never swap this job to any other jobs in the world.

"Liam.. Aalis na kami ng kambal papuntang school.. Sasabay sa si Ethan?" Tanong ni Jaja na nasa likod ni Marcus.

"Ah hindi Ja.. Ihahatid daw siya ng Mommy niya.. 10AM pa daw kasi ang call time ni Rachel sa trabaho.. So may oras pa para ihatid si Ethan.." Sagot ko.

"Ah.. Okay.. Pero mamayang uwian sasabay ko si Ethan?" Tanong ulit ni Jaja.

"Ay.. Oo.. Okay lang ba? Kasi gagabihin si Rachel.. Tapos hanggang 5PM pa ako.." Sagot ko.

Ngumiti si Jaja.

"Baliw.. Okay lang no.. Ako nang bahala sa kanila mamaya pauwi." Sagot ni Jaja.

"Salamat.." Sagot ko.

Madalas ganito ang set up namin. Minsan kung maaga kami parehas ni Rachel sa trabaho, sinasabay ni Jaja si Ethan papuntang school. Sa iisang school lang kasi nag aaral ang mga anak namin kaya madalas magkasabay si Ethan at ang kambal sa pag pasok at pag uwi.

****

"Mga tol.. May balita ako sa inyo.." Ika ko habang nasa loob kami ng kotse papuntang Garcia Corp.

"Ano?" Tanong ni Marcus.

"Buntis na si Rachel ulit.." Sagot ko.

"Naks.. Sa wakas.. nakabuo na naman ulit si Alcantara.. Excited?" Tanong ni Marcus.

"Sobra.. Matagal na din kasi simula nung may kinakarga akong baby.." Sagot ko.

"Exciting nga yan pre.. Gusto ko na nga din sana ng isa pa eh.. Malaki na kasi si Bella.. And I miss having a little baby at home.. Kaso si Karla ayaw pa.." Sagot ni Dan.

"Maliit pa kaya si Bella.. Tatlong taon palang ang anak niyo at kung magkakaanak kayo ulit mahihirapan si Karla.. Mamaya mag resign pa yun.. Mawalan pa ako ng sekretarya.." Sagot ni Marcus.

Natawa si Dan.

"Edi maghanap ka ng ibang secretary.. Madami naman diyan." Sagot ni Dan.

"Ayoko nga.. Okay na para sa akin si Karla kasi.. Una, close sila ni Jaja at kilalang-kilala na siya ng asawa ko. Malaki ang tiwala niya kay Karla.. At pangalawa, magaling mag trabaho si Karla.. Nababawasan ang stress ko kasi halos lahat ng gawain ko, siya ang tumatapos.." Sagot ni Marcus.

STATUS: STILL MARRIED (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon