F I F T E E N

4.5K 81 4
                                    

Rachel's POV: 

Mag dadalawang linggo na simula nung umalis sila Liam papuntang Barcelona. Dalawang o tatlong beses siya sa isang araw tumatawag at maya't-maya siya nag te-text. And because he's consistent in updating me, medyo nawala ang kabang naramdaman ko nung mga unang araw nilang nasa Barcelona. 

"Hello Baby.. Hi tol.." Bati ni Liam sa amin ni Ethan nang sinagot ko ang video call niya. 

Dayoff ko ngayon at mas madalas ang tawag niya kapag ganitong araw. 

"Hi Baby.. Kamusta na kayo diyan?" Tanong ko.

"Di... Pasalubong ko ha? Wag mong kakalimutan.." Tugon ni Ethan.

"Oo naman tol.. nabili ko na nga eh.. Pero teka.. binabantayan mo ba ang mommy mo habang wala ako diyan?" Tanong niya. 

"Opo Di.. Katulad po ng bilin niyo, binabantayan at inaalagaan ko po si Mi.. Ako po ang nag titimpla ng gatas niya sa gabi.. Tapos hindi po ako pasaway para hindi ma stress si Mi.. Tinutulungan ko din po si Mi sa paghuhugas ng pingan at pagliligpit.." Sagot ni Ethan. 

"Aba.. Very good ah.. Sige.. Ibibili pa kita ng maraming pasalubong.." Sagot ni Liam. 

"Sige Di.. Thank you po.. Balik na po ako sa kwarto ko Di.. Exam ko po kasi sa Lunes.. Kailangan ko pa pong mag-aral.." Pag papaalam ni Ethan. 

"Ah ganun ba? Sige.. I love you anak.. I miss you.." Sagot ni Liam. 

"Opo Di.. Sige po.. I love you din po.. At I miss you din.." Sagot ni Ethan.

Nang umalis na si Ethan, nagpatuloy kami sa pag uusap ni Liam.

"Baby.. Kumakain ka ba sa tamang oras? Hindi ka naman ba masyadong stress sa trabaho?" Tanong niya. 

"Hindi naman po.. As much as possible hindi ko iniisip ang mga bagay na alam kong makakapag dala ng stress sa akin.." Sagot ko. 

"Good.. Alam mo namang buntis ka kaya bawal sayo ang stress at pagod.. Kamusta ang check-up mo sa OB?" Tanong niya. 

"Okay lang din.. Pero ngayon medyo nahihirapan na ako eh.. Medyo lumalaki na din kasi ang tyan ko.." Sagot ko. 

"Talaga? Sorry ha? Wala ako diyan.. Pero ang sabi ni Marcus baka hanggang next week nalang kami dito.. Isang investor nalang daw ang kailangan niyang kausapin.. At mamayang gabi na ang meeting nila.. At kapag na close niya yung deal na yun, mga paper works nalang ang kailangan tapusin then we're good to go.." Sagot niya. 

Ngumiti ako.

"Talaga? sana nga umuwi na talaga kayo.. Sobrang namimiss na kita baby.." Sagot ko. 

"Sus.. Ang misis ko na nagpapalambing.. I miss you na din.. Sobrang miss na miss na kita.. Pag uwi ko yayakapin kita ng sobrang higpit.. Kayo ng mga bata.." Sagot niya. 

"I love you Liam.." Sagot ko.

"I love you too Rachel.." Sagot niya. 

-----------------------------------------------------------------------------------

Liam's POV: 

Nang natapos ang pag-uusap namin ni Rachel, agad na akong nag prepare para sa meeting ni Marcus mamayang gabi. 

"Mga pre.. ready na tayo within an hour ha? Medyo may kalayuan ang restaurant kung saan tayo pupunta eh.." Pagbibigay alam ni Marcus. 

"Copy that Boss.." Sagot ni Dan. 

"Pero Cus.. sino ba tong ka meeting mo at bakit gabi niya napiling makipagmeeting sayo?" Tanong ni Mike. 

"He's Martin Lee.. He's korean pero dito siya naka base sa Barcelona.. He's a good looking bachelor.. he's worth millions.. And he's interested in investing.. so bakit hindi ko siya bigyan ng oras?" Sagot niya. 

Tumango kami. 

"And.. he's only 24.. at dahil bata pa siya.. mahilig siyang mag party.. Sa tingin ko kaya niya napiling makipagmeet ng gabi kasi mag aaya niyang mag clubbing.." Dagdag pa ni Marcus. 

Agad naming nakita ang malalapad na ngiti ni Mike at Kenzo. 

"Sa wakas makakapag bar na din ulit.." Ika ni Kenzo. 

"Aba tara na doon sa meeting na yan at baka ma late tayo.. Alam niyo namang napakahalag ng bawat segundong dumaraan.." Pagmamadali ni Mike. 

Natawa kami.

****

"Cus.. apbrobahan mo na kaagad ang proposal nung Martin ha? Para makaalis na tayo at makapag bar naman tayo dito sa Barcelona bago umuwi ng Pilipinas.." Ika ni Mike. 

Natawa ako. 

"Hanep.. Baka nakakalimutan mo na gye-gyerahin ka ni Jamie kapag nalaman niya yan.." Sagot ni Dan. 

"Mag papaalam na ako ngayon pre.. At wala namang magagawa yung si Jamie eh.. Ang layo niya kaya.." Sagot ni Mike. 

Natawa ako. 

"Yan.. Sige lang.. Mag pasaway ka lang.. Hindi malabong sa hiwalayan ang bagsak niyo niyan.." Sagot ko. 

"Grabe.. Masama bang mag bar? Ang purpose ko doon, uminom. Hindi ko naman sinabi na mangbababae ako.." Paliwanag ni Mike.

Biglang natapos ang biruan namin nang sumabat si Marcus sa usapan. 

"Boys.. Tahimik na.. Malapit na tayo sa table ni Martin.." Ika niya habang tumitingin sa isang table sa loob ng restaurant. 

Sinundan ko ang tingin ni Marcus at doon ka nakita ang isang lalaking singkit kasama ang isang babae. 

Ah.. Yan pala yun Martin.. Siguro girlfriend niya yun kasama niya.. Hindi naman sila mukhang magkapatid eh..

"Mga pre.. Hanap nalang kayo ng sarili niyong table ha? Pupunta ako sa table nila Martin.." Utis n Marcus. 

"Yes Boss.. O-order na din po ba kami?" Nakangiting tanong ni Mike. 

Tinignan siya ni Marcus. 

"Aish.. Oo na.. Sige na.." Sagot niya. 

-----------------------------------------------------------------------------------

Rachel's POV: 

Sa mga oras na to, sobrang kinakabahan na talaga ako. Hindi ko alam kung bakit pero kanina pa dumadagundong ang puso ko. 

Sinubukan kong tawagan si Liam pero hindi siya sumasagot. Kaya naisip kong tawagan si Jaja at tanungin kung tumawag ba si Marcus sa kanya. 

"Hello R.." Sagot niya sa kabilang linya. 

"J.. Si Marcus ba nakausap mo?" Tanong ko. 

"Ah.. hindi eh.. Pero nag text siya sa akin 20 minutes ago.. Nasa isang restaurant daw sila kasi may ka-meeting daw siya.." Sagot niya. 

"Ah.. Ganun ba? Okay.. Nakikibalita lang ako kasi si Liam hindi nagtext sa akin eh.. Kinakabahan ako kaya kung anu-ano na naman ang nasa isip ko.." Sagot ko. 

Natawa siya. 

"Nako.. Parang first time mo naman.. Alam mo naman na normal lang talaga sa mga buntis ang makaramdam ng mga ganyan.." Sagot niya. 

Natawa din ako. 

"Oo nga eh.. Wrong timing naman kasi tong alis nila.. Talagang tinaon nila sa first trimester ko.. Nakakaloka.." Sagot ko. 

"Kaya nga eh.. Wrong timing.. Pero wag kang mag alala at malapit na silang umuwi.." Sagot niya. 

"I know.. Siya.. sige na.. May gagawin muna ako.. Babye.. Labyuu.." Pag papaalam ko. 

Nang naibaba ko na ang telepono, napahawak ako sa ulo ko. 

"Wala lang to Rachel.. itong nararamdaman mo, dala lang to ng pagbubuntis mo.." Pag kumbinsi ko sarili. 

-----------------------------------------------------------------------------------

STATUS: STILL MARRIED (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon