N I N E

4.6K 96 0
                                    

Liam's POV: 

"Hi Baby kong maganda.." Bati ko kay Rachel nang nakapasok siya sa bahay. 

Tinanggal niya ang suot na sapatos at ngumiti sa akin. 

"Hi Baby.." Nakangiti niyang bati sa akin. 

"So.. naipasa mo na ba ang resignation mo?" Tanong ko. 

"Oo.. Pero.. hindi niya tinanggap eh.." Sagot niya.

"Ha? Ba.. bakit?" Tanong ko. 

"Dahil sa project ko sa Taguig.. Alam mo naman na hind pa tapos yun diba? Eh wala na kasi siyang architect na makukuha para doon.. So he asked me stay a little bit longer.." Sagot niya. 

Nainis ako sa sagot niya. 

"Pucha naman! Kung gusto mong mag resign.. karapatan mo yun.. Kung ayaw niyang tanggapin ang resignation mo.. edi awol ka.." Sagot ko. 

"Baby.. alam mo naman na hindi ako pwedeng mag awol.. Matagal na ako sa building company na yun.. Kapag nag awol ako.. hindi ko magagamit ang experience ko bilang architect.. Sayang naman yung mga taon na ginugol ko.." Paliwanag niya. 

"Sige.. Hanggang kailan ka pa dun sa kompanya niya?" Tanong ko. 

"Apat na bwan.." Sagot niya. 

"What?! Apat na bwan pa akong magtitiis?! Apat na bwan pa akong magiging aligaga kakaisip kung ano nang ginagawa mo sa opisina? Rachel naman.." Sagot ko. 

"Baby.. Mabilis lang ang panahon.. Hindi mo na nga mamalayan lumipas na ang isang linggo eh.. So let's be patient.. Okay? Tsaka wag mo namang akong awayin.. Alam mo naman na ginagawa ko lahat ng pwede kong magawa para sayo diba? So please.. intindihin mo ang sitwasyon ko.." Sagot niya. 

Tumango ako at niyakap siya. 

"I'm sorry baby.. Alam ko na se-stress ka na dahil sa akin.. At alam kong pressured ka na din.. Alam ko naman na lahat ginagawa mo para sa akin.. Kaya pasensya ka na kung hindi ko magawang pigilan ang selos.. Nang nakilala mo ako.. alam mo naman na hindi ko talaga forte ang pagtitimpi.." Sagot ko.

Natawa siya. 

"Alam ko naman yun.. At sa tinagal-tagal ng pagsasama natin.. nasanay na din ako.." Sagot niya.  

Hinalikan ko ang ulo niya. 

"Mahal na mahal kita Rachel.. Sobrang mahal na mahal kita.." Sagot ko. 

"Mahal na mahal din kita Liam.." Sagot niya. 

****

Kinagabihan pagkatapos ng hapunan, nag tipon-tipon na naman kami sa pool area nila Marcus para mag inom at chumibog ng chichirya. 

Pakers. Si Marcus na yata ang milyonaryong alam ko na nag pupulutan ng tig pipisong chichirya. 

 "Kamusta kayo ni Rachel?" Tanong ni Marcus sa akin. 

"Ito.. medyo may pinagtatalunan.. pero okay naman.." Sagot ko. 

"Anong pingtatalunan niyo?" Tanong ni Dan. 

Hindi ako nakasagot sa tanong niya.

"Nako.. baka ang dapat nating itanong ay kung SINO ang pinagtatalunan niyo.." Dagdag pa ni Mike. 

"Hmmmm.. Let me guess.. Yung boss na naman ba ni Rachel?" Tanong ni Kenzo.

Tumango ako.

"Yup! Siya na nga.." Sagot ko. 

"Eh akala ko.. paalis na si Rachel sa kompanyang yun?" Tanong ni Marcus. 

"Oo nga.. nag pasa na nga siya ng resignation niya kanina eh.. Kaso hindi tinanggap.." Sagot ko. 

"Bakit daw?" Tanong ni Kenzo. 

"Eh kasi yung hinahawakan niyang project sa Taguig hindi pa tapos eh.. So kailangan niya pang mag stay dun ng apat na bwan.." Sagot ko.

"Aww.. Saklap.. Apat na bwang penetensya pa pala yan para sayo.." Pagbibiro ni Mike.

"Kaya nga eh.. Nakakainis! Bwisit kasi yang epal na boss niya.." Sagot ko.

"Kung naiinis ka.. edi tara na.. Itumba na natin.. Matagal-tagal na din simula nung nakapang bugbog ako ng tao.." Sagot ni Marcus.

Hindi pa man kami nakakasagot nang bigla naming narinig ang boses ni Jaja.

"Anong sabi mo Marcus?" Tanong ni Jaja sa likod namin.

Pare-parehas kaming nagulat kasi hindi namin namalayan na nandiyan pala siya.

Patay ka Marcus! Ayan na si kumander!

"Babe.. Hi.. Nandiyan ka pala.." Sagot ni Marcus.

"Kayo ha.. May masamang binabalak na naman kayo.. Gusto niyo isumbong ko kayo sa mga girlfriend at misis niyo?" Pananakot ni Jaja.

"Ay ako labas ako sa usapan nila.. Nandito lang ako para sa pulutan.. Pero wala akong alam.." Sagot ni Mike.

"Ako nandito lang ako para sa beer.." Sagot ni Kenzo.

"Ako napilitan lang.. Wala talaga akong balak sumama sa session na to... Kaso sa ngalan ng pagkakaibigan.. napasama ako.." Sagot ni Dan.

"Ako.. Nandito para.. humiram ng baril.." Sagot ko.

Tumingin ang buong barkada sa akin pero walang sumagot ni isa sa kanila.

"Kasi papatayin ko nalang yun lintik na boss ni Rachel para matapos na tong bumabagabag sa akin.." Pagtatapos ko.

-----------------------------------------------------------------------------------

Rachel's POV:

May tinatapos akong trabaho sa laptop ko nang biglang nag ring ang telepono ko.

Si J.

"Yes?" Tanong ko nang sinagot ko ang telepono.

"R.. anong problema niyo ni Liam? Nandito siya bahay.. Lasing na lasing na.. kanina ang sabi niya hihiram daw siya ng baril.. Papatayin daw niya ang boss mo.. Anong nangyari?" Tanong ni Jaja.

Napahawak nalang ako sa sintido ko at hinilot ito.

"Pinagseselosan kasi niya ang boss ko.." Sagot ko.

"Oh.. Eh kung alam mo naman palang nag seselos ang asawa mo.. edi sana umalis ka na diyan." Sagot niya.

"Oo nga.. aalis na nga ako.. Pero hindi kasi ako pinayagan ng boss ko.. Nasa kalagitnaan palang kasi ng construction yung project na hinahawakan ko sa Taguig.." Sagot ko.

"Ohhh.. So hanggang kailan ka pa dun?" Tanong niya.

"Kailangan ko pa mag stay ng apat na bwan dun.." Sagot ko.

"Shocks! Ihanda mo nalang ang sarili mo sa madalas na pagtatalo niyo ni Liam.. Alam mo naman yun R.." Sagot niya.

"Oo nga eh.. At wag kang mag alala.. Nakahanda na ako sa maraming pagtatalo at pagbabangayan namin ni Liam sa susunod na apat na bwan.." Sagot ko.

Natawa siya.

"Siya.. Sige na.. At please lang.. sunduin mo na ang asawa mo dito.. Sobrang lasing na lasing na siya.. At kung anu-anong plano na ang prino-propose kay Marcus.." Sagot niya.

"Anong plano?" Tanong ko.

"Kung paano daw nila buburahin sa mundong to yung boss mo.. Itong asawa ko naman at mga barkada nila napaka supportive din.. Kahit na alam nilang mali eh.." Sagot niya.

Ako naman ang natawa.

"Para namang hindi ka pa nasanay sa kanila. Alam mo naman yung mga yun eh.." Sagot ko.

"Alam ko.. Sige na.. Babye na.. Sunduin mo na si Liam ha? Bye.. Labyu! Goodnight.." Pag papaalam niya.

-----------------------------------------------------------------------------------


STATUS: STILL MARRIED (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon